Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
BOUGHT BY THE DEVIL BILLIONAIRE

BOUGHT BY THE DEVIL BILLIONAIRE

Isang gabi. Isang kasunduan. Isang halimaw na may mukha ng diyos. Desperada si Sierra Ramirez na mabayaran ang utang ng amang may sakit, kaya’t kahit labag sa loob, pumayag siyang ibenta ang sarili—sa halagang tinakda ng lalaking may pinaka-mabangis na reputasyon sa buong siyudad. Si Leonardo Dela Vega, kilala bilang “The Devil Billionaire,” ay hindi lang mayaman. Siya ang lalaking kinatatakutan at kinahuhumalingan ng lahat. Malamig. Mapanganib. At walang puso. “Isang gabi lang,” aniya. Pero hindi iyon ang naging kapalaran ni Sierra. Dahil matapos ang gabing iyon, isinara ni Leonardo ang lahat ng pinto ng kalayaan ni Sierra. Ginawa niya itong alipin ng kanyang kagustuhan—hindi lang sa katawan, kundi maging sa puso. Ngunit may mas malalim na dahilan ang pagkakabili niya sa dalaga. At kapag nalaman ni Sierra ang tunay na rason… ito ba'y magiging wakas ng kanyang pagkatao—o simula ng impyerno sa piling ng lalaking hindi niya kailanman kayang takasan?
Romance
774 viewsOngoing
Read
Add to library
The Instant Wedding

The Instant Wedding

Maisie Jade
Hindi akalain ni Margarette na dalawang buwan bago ang nakatakda niyang kasal sa kasintahang si Bobby ay magagawa pa itong agawin ng kapatid niyang si Michaela. Ang masakit, itinakda agad ang kasal ng dalawa. Ang pangyayari ay nagawa pang isisi ng mga ito sa kanyang katabaan at pagiging abala sa trabaho. Dala ng galit sa pamilya niya at pagluluksa sa sinapit niyang kabiguan, natagpuan ng dalaga ang sariling nagpapakalasing at naglalabas ng sama ng loob sa isang estranghero. Estrangherong nagising na lang siyang asawa na niya! Wala siyang matandaan pero pumayag siya sa alok ni Wallace na tulong na paghihiganti kapalit naman ng sarili nitong hangarin, ang mapabalik sa piling nito ang babaeng mahal nito. Madali at satisfying noong una, pero habang lumalakad ang panahon ay unti-unting nahulog ang loob niya sa asawa. Paano na lang kapag natapos na ang isang taong palugit ng kanilang pagsasama? Ano ang kahihinatnan ng isang pagmamahal na tila panlabas na kaanyuan ang labanan?
Romance
2.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Make Me Your Wife

Make Me Your Wife

aeonia
Akala ni Iyana Lopez ay hindi na siya muling tatapak pa sa mansyon ng mga Gromeo pagkatapos ang divorce na naganap sa kanila ni Bryant Gromeo. Ngunit isang araw ay natagpuan na lamang niya ang sarili na muling nakatayo sa harap ng mansyon dahil sa aksidenteng naganap sa anak. Baon si Iyana sa utang. Kailangang operahan ang anak niya at kailangan niya ng pera upang mailigtas ang buhay ng anak. Tanging si Bryant na lang, ang ama ng anak niya, ang naisip niyang makatutulong sa kaniya. Ngunit pagkatapos magmakaawa at lumuhod ni Iyana, sa huli ay natagpuan niya ang sarili niyang lumuluha sa labas ng mansyon ng mga Gromeo. Doon siya natagpuan ni Arden Gromeo, ang kapatid ni Bryant. Desperado si Iyana na siyang dahilan ng nangyaring pagtanggap niya sa kasunduan na matagal nang inalok sa kaniya ng lalaki. Papakasalan ni Iyana si Arden kapalit ng pagligtas nito sa anak niya. Ang akala ni Iyana ay natapos na ang problema niya. Ngunit, paano kung 'yon lang pala ang simula?
Romance
101.3K viewsOngoing
Read
Add to library
The Jerk Billionaire and his Spoiled Child (Bad Romeo 1)

The Jerk Billionaire and his Spoiled Child (Bad Romeo 1)

'Siya ang asawa pero hindi siya ang mahal. Siya ang pinakasalan pero ibang babae ang inaalagaan at pinapahalagahan ng kanyang asawa...' Pilit na ipinakasal ng kanyang mga magulang si Cyanelle Louise Natividad kay Zach Khaleed Samaniego bilang pambayad ng malaking utang nila sa pamilya ng lalaki. Subalit sa loob ng dalawang taon nilang pagsasama, hindi siya kailanman tiningnan ni Zach bilang babae at nagkaroon pa ito ng kabít kung saan ang babae rin ang nais ng anak ni Zach na maging ina nito kaysa sa kanya. Nang mapagtanto niyang wala ng patutunguhan ang relasyon nila, napagpasyahan niyang tuluyan ng hiwalayan ang lalaki. Subalit kung kailan naisipan na niyang sumuko at iwan ang asawa, isang trahedya ang magpapabalik sa kanya sa piling nito. Matutunan na kaya siyang mahalin ni Zach at matugunan ang damdamin niya para sa lalaki? O mabibigo siyang magkaroon ng puwang sa puso nito sa ikalawang pagkakataon at mauuwi lang sa wala ang lahat...
Romance
8.894.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Property Series: Let the World Burn (Damon Hidalgo)

Property Series: Let the World Burn (Damon Hidalgo)

MissKeunna
Damon Hidalgo, marinig pa lang ng tao ang pangalan nya ay alam na agad nila kung ano ang kayang gawin ng lalaki. Matalino, magaling sa negosyo, at halos lahat ng kababaihan ay nagkakandarapa para lang makuha ang atensyon ng lalaki. Lingid sa kaalaman ng lahat na kabila ng magandang reputasyon nito ay ang lihim na pagkahumaling nito sa isang babae. Czariyah Ladesma, ang babaeng sumusubok sa kanyang prinsipyo. Hindi din lubos maintindihan ni Damon kung bakit sa dinami dami ng babae ay sa step sister pa nya sya nahihibang. Alam nyang mali pero hanggang saan ang kaya nyang tiisin para hindi maangkin ang babae?
Romance
573 viewsOngoing
Read
Add to library
DESTINED TO BE HIS BRIDE

DESTINED TO BE HIS BRIDE

SYNOPSIS – DESTINED TO BE HIS WIFE Hindi niya siya pinili. Ngunit siya ang pinilit. Si Ayesha Dela Vega ay isang babaeng lumaban sa lahat—maliban sa sarili niyang pamilya. Isang kasunduan ang nagbago ng buhay niya. isang arranged marriage sa lalaking hindi niya kilala—ang malamig at misteryosong Rohan Villarreal, tagapagmana ng pinakamakapangyarihang angkan sa bansa. Ngunit sa mismong araw ng kasal, isang katotohanang hindi niya inaasahan ang sumabog. ang lalaking pinakasalan niya ay ang kabataang minahal niya noon, ang kalarong bigla na lang nawala, at akala niya’y patay na. Sa simula, inakala ni Ayesha na tadhana ang nagbabalik sa kanila. Hanggang sa isang gabi ng putok, dugo, at sigaw— nang barilin si Rohan sa harap niya, at sa sumunod na sandali, isang lalaking kamukha ni Rohan ang lumitaw mula sa dilim. Ngayon, habol ng pamilya Villarreal, tinutugis ng mga lihim na pilit itinago ng panahon, si Ayesha ay kailangang pumili kung sino ang paniniwalaan— ang lalaking minahal niya noon, o ang an inong nagdadala ng pangalan ng asawa niya ngayon. Ngunit sa mundong nilamon ng kapangyarihan at kasinungalingan, ang katotohanan ay may kabayarang dugo. At sa pagitan ng dalawang lalaking may parehong mukha, isa lang ang dapat mabuhay. “DESTINED TO BE HIS WIFE” — isang kwento ng pag-ibig, lihim, at kapalaran. Kung saan ang puso ay sandata, at ang bawat halik ay maaaring maging sumpa.
Romance
282 viewsOngoing
Read
Add to library
Ex-Wife Bad Revenge

Ex-Wife Bad Revenge

Conan Akatsuki
Laura, ang babaeng inapi ng lahat. Inagawan ng asawa at lahat-lahat. Babalik upang maghiganti at agawin ang lahat ng higit pa sa ninakaw sa kanya.
Romance
102.5K viewsOngoing
Read
Add to library
The Rebirth Wife Strike Back

The Rebirth Wife Strike Back

Sa nakaraang buhay ni Yvette Dantes, siya ay pinagtaksilan at niloko ng kanyang kasintahan at matalik na kaibigan. Hindi lang iyon, sinira ng dalawa ang kayang reputasyon at hindi pa nakuntento ay walang awa siyang pinatay ng mga ito. Sa hindi inaasahan, siya ay muling nabuhay ngunit sa katauhan ni Samantha Vicente. Tulad ng buhay niya dati, ang buhay ni Samantha ay miserable, and she married by the cold-hearted billionaire named Logan Vicente. Nang gusto na nitong makipaghiwalay ay hindi siya nagdawalang-isip na pumayag kahit pa ang kapalit nito ay magiging katawa-tawa siya sa mata ng mga tao. Akala niya, mas magiging miserable ang buhay niya pagkatapos siyang itapon ng walang kaawa-awa, pero ang kapalaran ay tuluyang magbabago para sa kanya. Sa ganu'ng paraan ba magagawa ni Samantha palambutin ang puso ng isang Logan Vicente na kasing tigas ng isang bato?
Romance
598 viewsOngoing
Read
Add to library
The CEO's Accidental Bride: From Ex-wife to Heiress

The CEO's Accidental Bride: From Ex-wife to Heiress

Sa mismong araw ng kanyang divorce, nagsuot si Dorothy Navarro ng pulang bestida—hindi para mang-akit, hindi para magpakitang okay siya, kundi para alalahanin ang minsang pagmamahalan na ngayo'y ganap nang nawala. Pagkatapos niyang talikuran ang isang sirang kasal ng walang halong drama, ang huli niyang inaasahan ay ang mapansin ng pinakanakamisteryosong CEO sa bansa—si Theodore Velasco. Tahimik. Mapanuri. Mapanganib sa mga taong humaharang sa daan niya. At tila may alam ito tungkol sa matagal nang tinataguang katotohanan: ang pagkamatay ng tiyahin ni Dorothy—isang kasong tinapos ng mundo bilang "suicide." Ngunit isang tawag lang, isang paper bag ng kape, at nahulog si Dorothy sa isang masalimuot na mundo ng lihim, kapangyarihan, at paghilom ng lumang sugat. Upang mabuhay sa bagong laban, kailangang mamili ni Dorothy: pagkatiwalaan ang lalaking walang emosyon ngunit may hawak ng katotohanan—o layuan ang tanging taong handang bigyan siya ng proteksyon, kalayaan, at isang bagong apelyido—Mrs. Velasco. Ngunit ang kasunduang kasal na ginawa para sa paghihiganti… ay baka mauwi sa totoong pagmamahal. Magtatagumpay ba si Dorothy bilang maging tagapagmanang pinagkait sa kanya noon? O ang pangalawang pagkakataon niya sa pag-ibig ang tuluyang magpapabagsak sa kanya?
Romance
10471 viewsOngoing
Read
Add to library
Her Prince Charming In Disguised

Her Prince Charming In Disguised

Charis Ash
Lumaking salat sa maraming bagay si Candy, kaya pangarap niyang maiahon sa hirap ang kanyang pamilya at mapagtapos ng pag-aaral ang kanyang magkakapatid. Nagsisikap siya ng husto upang maabot ang mga ito. At syempre gaya ng pinagarap ng maraming babae, pangarap rin nyang magkaroon ng mala Cinderellang love story. "... lilinawin ko lang first requirements ng magiging prince charming ay Rich capital R I C H --- rich, as in mayaman ung gagawin akong Cinderella ng buhay nya, Pak ganon. Diba bongga ? Pero mas angat pag complete package basta alam nio na yon...? "Kaya kung ikaw lalaki ay wala sa nabanggit wag ka nang magtanggka. Dahil sinasabi ko sayo RED FLAG ka na agad." Nangangarap magkaroon ng prince charming na gagawin siyang reyna ng palasyo nito. Pero paano pa ba mangyayari yon,eh ang pasaway niyang puso, kinilig at nainlove sa isang kargador ng Ricemill at kahit anong iwas niya rito ito parin ang itinitibok ng kanyang puso. Paano ba niya pipigilan ang pusong umibig dito? Susugal ba siyang mahalin ito at i let go nalang ang mala Cinderellang love story na pinangarap niya? Darating pa kaya ang prince charming na inasam niya? Ano kaya ang mananaig pusong nagmamahal o isip na umaasam?
Romance
1.2K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3839404142
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status