The Billionaire's Hidden Wife
SAMPUNG TAON...
Ganoon katagal nitong minahal si Noah hanggang umabot sa puntong naging parte na ito ng buhay niya.
Wala siyang ibang pinangarap kung hindi ang lalaki at kung kailan akala nito ay magiging masaya na sila sa piling ng isa't isa ay kailangan na pala nitong magising sa mahaba at masarap niyang panaginip.
"Finally, matatawag ko na ring Nicole Saavedra ang aking sarili nang walang halong pag-aalinlangan. Siguro oras na para anihin ko ang bunga ng pagsisikap ko bilang butihing maybahay ni Noah," aniya saka napangiti sa kinatatayuan.
Dalawang taon ang lumipas magmula nang ikasal si Nicole sa bilyonaryong apo ng lalaking kumupkop at nagpalaki sa kaniya.
Hindi masukat ang tuwang naramdaman ng puso niya nang mga oras na iyon hanggang sa alukin siya nito ng isang kasunduang maghihiwalay sila pagkatapos ng tatlong taon oras na manatiling walang apoy ang kanilang pagsasama.
Sa kabila noon, ginawa ni Nicole ang lahat upang maging mabuti at mapagmahal na asawa habang hindi rin naman ito nagkulang na iparamdam sa kaniya ang prebelihiyo bilang misis nito. Muntik na nga nitong makalimutan ang kasunduan dahil naramdaman niyang tunay na ang ipinapakita nila sa isa't isa.
Ngunit sa kaniyang kaarawan, isang annulment paper ang natanggap nitong regalo mula sa asawa.
Dahil sa malungkot na balita ay nawalan siya ng lakas ng loob na sabihin ang tungkol sa anghel na nasa kaniyang sinapupunan.
Sinubukan nitong alamin ang dahilan ng pakikipaghiwalay ng asawa hanggang sa tuluyang gumuho ang mundo niya nang malamang balak palang balikan ni Noah ang babaeng muntik na nitong pakasalan five years ago.
Magagawa niya kayang iwan si Noah kung wala siyang ibang minahal sa tanang-buhay niya kung hindi ito lamang?
Paano kung kailangan niyang maging lihim na asawa nito kapalit ang pananatili at pagiging responsable nitong ama sa kaniyang ipinagbubuntis?