Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
THE BEST MISTAKE

THE BEST MISTAKE

Hindi naging maganda ang karanasan ni Shaina sa mga naunang karelasyon. Ang huling lalaking pinagkatiwalaan at minahal ay nagpaakit sa kaniyang pinsan. Ang malala pa ay nabaliktad ang sitwasyon at siya ang lumalabas na manloloko. Naisumpa niya sa sarili na hindi na muling magmahal at pagbayarin ang dalawang nagwasak sa kaniyang puso. Ngunit nagbago ang kaniyang isip nang mabuo ang isang gabing pagkakamali. At hindi lang isa ang kaniyang iniluwal kundi dalawang cute na mga bata. Bigla siyang natakot sa isiping hindi lang guwapo ang hindi nakilalang ama ng kambal, kundi genius dahil tiyak dito nagmana ang mga anak. "Mommy, don't worry, we can help you to find our father." A five-year-old named, Adrian, said. Pakiramdam ni Shaina ay atakehin siya sa puso sa naging sagot ng bibong anak na lalaki. Sa halip na ma-disappoint dahil hindi niya kilala ang ama ng mga ito, mukhang lalong na-excite ang mga anak na hanapin ang lalaki. Sa kaniyang pagbabalik kasama ang mga anak ay maraming katanungang kailangang masagot. Pero saan siya magsisimula kung maging ang mukha ng nakabuntis sa kaniya ay hindi niya alam?
Romance
9.81.7M viewsCompleted
Show Reviews (151)
Read
Add to library
Yeiron Jee
Hello everyone, salamat po sa pagbabasa hanggang sa book ni Alexander. Magkaroon po ito ng season 2 pero hindi ko pa masabi kung kailan ang release. Tapusin ko lang ang BL story na isasali ko sa contest bago simulan ang season 2. Try niyo rin pong basahin ang Played By Fate. Thank you!
Eliza Samia
usually hindi Ako matyaga magbasa ng mahabang novels dahil makakatamad pero sa novel na to, tsinaga ko talaga.. from Shaina to Travis, Adrian to Sunshine , arriana to axle, tricia to cyril,Natasha to dark, aldrin to Clara , Alexander to ava.. kudos sayo author,keep up the good work ......
Read All Reviews
My Stepbrother’s Touch (Tagalog)

My Stepbrother’s Touch (Tagalog)

Nangako si Alessandra na si Fredrinn lamang ang pakamamahalin at aalayan ng sarili habambuhay matapos nitong iligtas siya mula sa isang sunog. Pinakasalan siya ng lalaki, ngunit agad rin sinundan ng trahedya– ang biglaang pagkasawi ng kaniyang ama at madrasta. Sa gitna ng pagdadalamhati, unti-unting lumabas ang tunay na kulay ng kaniyang asawa. Sinaktan, ipinagpalit sa ibang babae, at pinatay para lang makuha ang kaniyang kayamanan. Binigyan siya ng pangalawang pagkakataon para baguhin ang kaniyang kapalaran. Pipigilan niya ang sarili na mahulog sa kamay ng lalaking sumira sa kaniya. Sa muling pagdilat ng kaniyang mga mata, ang mukha ng lalaking pinakaayaw niya ang bumungad sa kaniya– si Rafael Villareal, ang kaniyang stepbrother. Paano kung sa muling pagtibok ng kaniyang puso, ay sa maling tao pa rin siya mapunta? Paano kung handa na siyang piliin ng taong mahal niya, ngunit ang kapalit ay ang pagkasira ng sariling pamilya? Ipaglalaban niya ba ang pag-ibig, o susuko na lang sa itinakda ng tadhana?
Romance
10363 viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Obsession

The Billionaire's Obsession

Ang wasak na puso ni Astrid ang nagtulak sa kaniya sa bar at uminom hanggang sa malasing dahil nahuli niya ang kaniyang boyfriend na nakikipagtalik sa iba. Sa sobrang kalasingan hindi namalayan ni Astrid ang mga nangyari at nagising na lang siya katabi ang estrangherong lalaki. Si Thor Santos ay isang Bilyonaryong arogante na biktima ng droga at ginamit ang magandang babae upang maibsan ang init na nararamdaman. Nagising ang binata na wala na ang dalaga sa tabi niya. Naalala pa niya ang mga nangyari kagabi ngunit hindi na niya matandaan ang mukha ng dalaga. Nalaman din ng binata na siya ang nakauna sa dalaga kaya naman pinahanap niya ito. Paglipas ng limang taon, nangailangan ng pera si Astrid kaya naman kahit walang pinag-aralan ay sumabak pa rin siya sa malaking kompanya upang magtrabaho. Samantala, si Thor naman ay tinakot ng mga magulang na kailangan niyang pakasalan si Sofia o kailangan niyang maikasal upang mabigyan sila ng apo, kung hindi siya pumayag ay tatanggalin siya sa kompanya. Hindi papayag si Thor na mawala sa kaniya ang kompanya kaya naman ng makita niya ang babae na desperada na makapagtrabaho sa kompanya. Kaya binigyan niya ito ng kasunduan kapalit ang malaking pera na alam niyang hindi matatanggihan ng dalaga, ang kontrata ng pagpapakasal.
Romance
10789 viewsOngoing
Read
Add to library
The Impostor Wife

The Impostor Wife

Ang tanging pangarap ni MILAGROS ay ang maiahon sa hirap ang pamilya at ang maikasal sa nobyong si Martin. Ngunit ang simple niyang buhay ay nagulo nang makilala niya ang mag-inang Monica at Valentina. Natuklasan niya ang illegal business ni Valentina kaya nais siya nitong ipapatay. Kasunod niyon ay naging saksi siya sa krimen na nagawa ni Monica. Isang aksidente ang kakasangkutan nina Milagros at Monica. Masisira ang mukha ni Milagros at mawawalan siya ng alaala. Aakalain ni Valentina na si Milagros ay ang anak niyang si Monica. At upang matakasan ni "Monica" ang pananagutan nito sa batas ay pagpapanggapin ito ni Valentina bilang si "Milagros". Dahil sa walang memorya ay iisipin ni Milagros na siya ay talagang si Monica! Sa pagbabalik ni Milagros sa piling ni Martin, magagawa kayang ipaalala ng lalaking minamahal niya kung sino ang totoong siya?
Romance
1011.1K viewsCompleted
Read
Add to library
Fabricated Flame

Fabricated Flame

Chloe Lorin Navrus is known as the 'snow queen' because she's manipulative, ruthless, cold, proud, and merciless when it comes to handling business. She's living to make her parents proud and to make their family business even more successful. On the other hand, Zale Villanueva is a hardworking man under Chloe's company who's planning to get married with his long time girlfriend. Paglalapitin sila ng tadhana sa parehong hindi magandang dahilan na kapwa silang may makukuha. Dahil nang malaman ni Chloe na ipapakasal siya ng mga magulang niya sa lalaking hindi niya kilala ay natuto siyang tumanggi sa kauna-unahang pagkakataon. At para mapaniwala ang mga magulang niya na hindi siya pakakasal sa iba dahil may karelasyon siya ay binayaran niya si Zale na magpanggap bilang boyfriend niya sa harap ng lahat kapalit ng tatlong milyon na kinakailangan nito para mapaopera ang tatay ng girlfriend niyang may sakit. Pero ang pagpapanggap na akala niyang magiging madali lang ay hindi pala. Hindi madali dahil sa pagpapanggap na ginagawa nila ay unti-unti niyang napapakita kung sino siya sa likod ng matapang na mukha na iyon. Unti-unti nilang nabubuksan ang mga bagay na hindi dapat buksan dahil sa pagpapanggap na ginagawa. At unti-unti nilang nakakalimutan na nagpapanggap lang sila. As pain, tears, and heartaches slowly arises, will they choose to embrace each other or not? Will they face the consequences of their actions or they will just continue living in their own lives like nothing happened?
Romance
1010.7K viewsCompleted
Read
Add to library
FORBIDDEN TASTE OF MY STEPBROTHER

FORBIDDEN TASTE OF MY STEPBROTHER

Hindi ko inasahan na muli kaming magkikita ng lalaking minsan ko nang minahal… si Michael Brian Lucero. Akala ko siya na ang lalaking makakasama ko habang buhay, pero nalaman kong pustahan lang pala ang dahilan kung bakit siya lumapit sa akin. Pagkamatay ni Papa, hindi na kami tumagal sa iisang bahay—palipat-lipat kami dahil paiba-iba ang kinakasamang lalaki ni Mama. Hanggang sa pinakasalan niya ang isang bilyonaryo, na babago sa takbo ng buhay ko. Sa paglipat ko sa mansyon ng bagong asawa ni Mama, bumungad sa akin ang mukha ng gwapong lalaki na matagal ko nang kinalimutan—si Michael, ang kaisa-isang anak ng stepfather ko. Akala ko, madali lang makisama. Pero nang magtagpo ang aming mga mata, ramdam ko ang kakaibang init sa pagitan namin—isang damdaming mali, pero hindi ko kayang pigilan. Habang pilit kong itinatago ang bawal na damdamin, mas lalo lang akong nahuhulog sa kasalanang hindi ko kayang tanggihan. Dahil minsan, kung ano pa ang bawal, siya rin ang pinakamasarap tikman. “He’s the sin I can’t stop craving.”
Romance
101.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Seducing The Mafia Boss

Seducing The Mafia Boss

MissBangs001
Hindi inaasahan ni Marikit Dela Torre na siya ang ipapadala ng kanilang boss na si Apollo para makakuha ng impormasyon, tungkol sa illegal na ginagawa ni Isla Maveer. Isa siyang secret agent at dahil gusto niyang makaiwas sa dating kasintahan na nagtra-trabaho din doon ay tinanggap niya ang offer. Nagpanggap siya bilang isang katulong sa mansyon ng mga Singh, habang naghahanap siya ng impormasyon sa kwarto ng amo ay di niya inaasahan na makatulog sa ilalim ng kama nito. Pagmulat niya ng mata ay ang nakangiting mukha ni Isla ang kanyang nabungaran. Halos panawan siya ng ulirat nang alokin siya nito na makipagtalik sa kanya kapalit ng impormasyon na hinahanap niya, at nang matapos na niya ang misyon ay kinuha niya ang bagahe para makabalik na sa HQ. Di niya inaasahan pagkabukas niya ng pinto ng kanyang kwarto ay may mga lalaking nakaitim na naghihintay sa kanya, may mga baril itong dala na mas ikinatakot niya. Doon naman lumabas ang lalaking inalayan niya ng kanyang pagkababae si Isla Maveer Singh, ang Capo Crimini ng Sxented Mafia. Nakangisi itong lumapit sa kanya, bago pa niya maiwas ang pisngi ay nahawakan na siya nito roon. "You're mine Marikit, you'll stay with me forever baby girl."
Romance
2.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Bogus Billionare

Bogus Billionare

Dahil pinagtaksilan ng kanyang fiance, napagpasyahan ni Caroline Evans na magpakasal sa iba ng biglaan. Tinatawanan siya ng lahat dahil sa kanyang desisyon na talikuran ang pagiging tagapagmana ng pamilya Morrison at sa halip ay pumili ng isang mahirap na binata. Pero ang hindi alam ng lahat, ang binatang iyon ay isa pala sa pinakamayamang tao sa sa buong mundo, at nasa bansa lang siya para mag invest sa pag unlad nito. Siya rin ang uncle ng kanyang dating fiance! Sobrang nasaktan si Caroline Evans dahil sa pakiramdam niyang niloko siya at dahil dun ay nagpumilit siyang makipag divorce. Pero kinorner siya ng kanyang asawa at puno ng lambing na sinabi, “Hindi ako ang bilyonaryong iyon. Nagpa-retoke lang yun para maging kamukha ko..” Tinitigan ni Caroline ang gwapong mukha nito at naniwala siya. “Anong sumpa ito na magkaroon ng mukhang kagaya ng isa sa pamilya Morrison!” Kinabukasan, nagulat ang buong mundo sa balitang itinakwil na sa pamilya ang tagapagmana ng pamilya Morrison at ni sinco ay wala ng natira rito. Sa kabilang banda, ang bagong kinoronahang top billionaire, ay nakasuot maskara para takpan ang kanyang kagwapuhan.
Romance
9.837.2K viewsCompleted
Read
Add to library
The Billionaire's Seventh Wife

The Billionaire's Seventh Wife

Naging katatawanan ng buong sambayanan si Zarayah Del Valle nang kumalat ang balitang nakipagrelasyon siya sa isang magsasaka matapos siyang hiwalayan ng asawa. Desperada na raw siya at kung kani-kanino na lang pumatol. Sa galit at kahihiyan na dulot niya sa kanilang pamilya ay itinakwil siya ng mga magulang. Ngunit pagkalipas ng ilang taon ay parang asong ulol na naghahabol ulit sa kanya ang dating asawa. Halos magkanda-dapa ito at magmakaawa para lang makuha ang atensyon niya. "Please, Zarayah. Bumalik ka na sa akin. I'll do anything. Gagawin ko ang lahat upang mahalin mo ulit ako." Pumayag ang dalaga sa kagustuhang makaganti dito at sa kanyang kapatid sa ginawa nitong pang-aagaw kay Ethan. Ngunit ang hindi niya inaasahan ay malalaman ng bago niyang asawa ang kanyang mga pinaggagagawa! At isang gabi nga, sa loob ng mahabang panahon ay bigla itong lumitaw sa kanyang tirahan ng walang pasabi, wala ng pang-itaas na damit at nagbabaklas ng sinturon. Madilim ang mukha nito at nag-iigting ang panga sabay sabing... "Get your hands and knees on the bed, my lovely wife. You need to be punish." •• THIS STORY CONTAINS A LOT OF MATURE SCENES | PLEASE, READ AT YOUR OWN RISK. ••
Romance
1030.6K viewsOngoing
Read
Add to library
The Lesbian Bride

The Lesbian Bride

"Wala akong pakialam kung sino o ano ka. Kahit na mukha ka pang lalaki kaysa sa akin, ikaw pa rin ang asawa ko, Alexis, at mahal kita." Si Alexis Mendoza, bunsong anak ng mag-asawang anim na babae ang naging supling, ay pinalaki bilang lalaki dahil sa kagustuhan ng kanyang ama na magkaroon ng anak na lalaki. Lahat ng kanyang kilos, pananamit, at laruan ay panlalaki hanggang sa siya ay nagdalaga. Ngunit nang pumanaw ang kanyang ama sa isang aksidente, nag-iwan ito ng matinding lungkot at malaking utang sa kanilang pamilya. Sa takot ng kanyang ina na makulong, napilitan itong lumapit sa isang bilyonaryo. Isang kondisyon lamang ang hinihingi nito: hanapan ng mapapangasawa ang unico hijo niyang si Theo Angelo Garcia—isang babaero at happy-go-lucky na lalaki—sa paniniwalang magbabago ito kapag nagkapamilya. Nagulantang si Alexis nang ipakilala siya kay Theo at sabihang magpakababae na dahil magpapakasal na siya sa binata. Bagama’t litong-lito at labag sa kanyang kalooban, kinailangan niyang sundin ang utos ng kanyang ina upang maiwasan nitong makulong at mabayaran ang kanilang mga utang. Ngunit paano niya matatanggap na siya, na pinalaking boyish, ay kailangang magpakasal? At ano ang mangyayari pagkatapos ng kasal kung bigla na lamang magbago ang tingin sa kanya ni Theo at ituring siyang isang napakagandang babae? May pag-asa pa kayang tumibok ang kanyang puso para sa binata?
Romance
101.2K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
1920212223
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status