His Unexpected Obsession
Para sa mga hilig sa kanin at gulay, may saffron rice na kulay ginto, parang kumikislap sa ilaw, at katabi noon ay ratatouille-gulay na pinagsama-sama, arranged na parang obra maestra.
At hindi mawawala ang desserts. May fountain ng tsokolate na dumadaloy, kung saan may mga prutas at marshmallows na pwede mong isawsaw. Mayroon ding trays ng tiramisu, maliit na strawberry cheesecakes sa baso, at mga macarons na iba't ibang kulay-pula, dilaw, berde, at pastel pink. Sa pinakadulo, isang higanteng centerpiece cake na mukhang hindi lang basta panghimagas, kundi simbolo ng yaman at kapangyarihan ng nag-organisa ng event.
Sa gilid ng mesa, nakahanay ang mga mamahaling inumin-may red wine na galing