Signed to Marry My Ruthless Boss (SPG)
"You need financial freedom. I need a bride. One signature—and your debt’s gone."
***
Kira Navarro thought she had everything under control. Maayos ang trabaho, may konting ipon, at kahit papaano'y nakakaraos sa buhay.
Dahil sa sobrang pagod at stress, napa-oo siya sa mga kaibigan na mag-unwind sa bar. Hindi niya inakalang ang simpleng gabing ‘yon ay mauuwi sa isang mainit na encounter kasama ang isang estranghero—na hindi niya alam, ay ang bagong CEO ng Salvatore Holdings, kung saan siya nagtatrabaho bilang architect.
Kinabukasan, halos himatayin siya sa gulat nang makaharap ang lalaki sa opisina—ang cold and ruthless CEO na ngayon ay boss niya.
Pero hindi siya pinansin. Parang hindi siya kilala. Parang walang nangyari.
Pagbalik niya sa ospital kung saan naka-confine ang ina niyang may sakit sa puso, dumating ang mas masakit na balita—wala na ito. Cardiac arrest.
Gumuho ang mundo ni Kira. Wala na ang ina niya. Nabaon siya sa utang. At nanganganib pa silang mapalayas sa inuupahan nila ng kapatid niya.
Desperada siyang humingi ng cash advance sa HR, pero tinanggihan. Wala na siyang ibang malapitan kundi ang taong ayaw na ayaw sana niyang lapitan—si Anthony Salvatore.
Pero sa halip na tulong o sermon, isang kontrata ang inabot nito.
Pakakasalan daw niya si Anthony kapalit ng limang milyong piso at pagbabayad ng lahat ng utang nila.
Sa harap ng mundo, asawa siya ng CEO. Pero sa loob ng mansion, parang boarder lang siya.
Hanggang kailan niya kailangang tanggapin na papel lang ang ginagampanan niya sa buhay ng lalaking unti-unti niyang minamahal?