Thorns Of Seduction
Ngunit bago pa man siya makapagsalita, mabilis siyang inunahan ni Charlie, para bang sabik na sabik na ipakita na kilala niya rin ang mga ito.
“Girl, I know them,” sabay kindat ni Charlie, habang nakaturo gamit ang baso ng juice na hawak. Una niyang itinuro ang lalaking nasa kabilang sofa—maskulado, mukhang Italiano, may mga tattoo na umaabot mula leeg hanggang braso. “This one is Luhence Amberwood.” Binanggit niya ang pangalan na parang alam na alam, sabay ngising mayabang, na para bang sinasabi niyang hindi lang siya basta model, marunong din siyang makakilala ng big names.
Lumingon naman si Luhence, bahagyang ngumiti, at nagtaas ng kamay na parang pagbati. May dalang aura ng bad boy pero
Hot Chapters