ONE NIGHT, ONE BET
Ilang minuto ang lumipas bago lumapit ang isa sa mga maid.
“Ma’am, puwede po kayong maghintay sa garden. Babalik daw po si Sir Damon.”
Napatango lamang ako at tumayo, dala pa rin ang mabigat na kaba. Pumunta ako sa garden at umupo sa isang upuan, sinubukang magmukhang kalmado. Sa loob-loob ko, inuulit-ulit ko ang mga narinig ko kanina.
So, it really was a bet. And Damien really did something with me because Damon lost. Pero hindi muna ako magtatanong. Gusto kong malaman kung hanggang saan aabot ang kasinungalingan nila.