Whispers of Forbidden Desire
Anak sa pagkadalaga. Iniwan ng ina at lumaki sa poder ng kanyang lola. Iyan ang buhay ni Isabela Siason.
Lumaking konserbatibo at puno ng mga pangaral, si Isabela ay sanay mamuhay nang simple at may takot sa Diyos. Ngunit isang hindi inaasahang pangyayari ang magpapabago sa lahat.
Napilitan siyang tumira kasama ang kanyang ina, ang babaeng matagal na niyang hindi nakita at halos hindi na niya kilala. Akala ni Isabela, magiging madali lang ito. Ngunit nagkamali siya. Dahil sa loob ng marangyang mansion na tinitirhan ng kanyang ina, naroon din ang lalaking magpapayanig sa tahimik niyang mundo, ang asawa ng kanyang ina. Si Liam o mas kilalang si William Laurell. Isang batang billionaryo, kabaligtaran ng inaakala niyang isa itong matandang mayaman ,malapit nang mamatay.
Ang titig niya’y parang apoy, mainit, mapangahas, at handang tumupok sa kanila pareho. Sa bawat paglapit nito, dama ni Isabela ang init na gumagapang sa kanyang balat, ang panginginig ng damdaming matagal nang nakatago. May kung anong puwersang humihila sa kanya palapit, kahit alam niyang mali. Paano niya lalabanan ang tukso at ang apoy ng pagnanasa na unti-unting nilalamon ang kanyang puso’t isipan?
Pag-ibig nga ba ito… o isang ipinagbabawal na pagnanasa?
 At kung totoo man na “kung ano ang puno, siya rin ang bunga,” handa ba siyang tanggapin na baka hindi nga siya naiiba sa kinamumuhian niyang ina, ang babaeng minsang tinalikuran ang tama para sa bawal na pag-ibig?