Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
THE BILLIONAIRE I SLEPT WITH IS NOW OBSESSED WITH ME

THE BILLIONAIRE I SLEPT WITH IS NOW OBSESSED WITH ME

Isang gabing hindi inaasahan ang tuluyang nagbago sa buhay ni Janella Caballero. Mula noon, pinili niyang bumangon at baguhin ang sarili—hindi para sa kahit sino, kundi para sa sarili niyang kapayapaan. Ngunit sa kaniyang pagbabalik, may isang lalaking hindi siya kailanman nakalimot… isang lalaking handang guluhin muli ang mundong pilit niyang inayos. Sa gitna ng muling pagkikita, muling iigting ang damdaming pilit nilang ikinubli. Pero paano kung may mga taong handang sirain ang anumang meron sila? Kakayanin ba nilang ipaglaban ang isa’t isa, kung sa simula pa lang ay nabuo ang lahat sa isang kasinungalingan? At sa bawat hakbang palapit sa katotohanan, unti-unting mabubunyag ang mga lihim ng nakaraan—mga lihim na maaaring maglapit… o tuluyang magwasak sa kanila. Hanggang saan ang kaya nilang ipaglaban… kung ang katotohanan mismo ang susubok sa kanilang dalawa?
9.92.8K viewsOngoingAdded to Library 94 Times as coincidence i think not
Read
+Library
The Billionaire's Regret: I Am No Longer Your Fake Wife

The Billionaire's Regret: I Am No Longer Your Fake Wife

Para kay Kiara Valencia, maliit na sakripisyo lang ang dalawang taon ng pagtitiis sa malamig na trato at pang-aapi ng mayayamang pamilya para sa lalaking mahal na mahal niya. Bilang asawa ng bilyonaryong si Nathan Montenegro, handa niyang harapin ang lahat ng panlalait ng ibang tao, dahil naniniwala siyang sapat na ang marriage certificate nila para patunayan na siya ang legal na Mrs. Montenegro. Pero biglang nagbago ang lahat nang malaman ni Kiara na peke lang pala ang kasal nila. Ang bawat mga pangako ni Nathan ay plano lang pala para makuha nito ang buong mana at yaman ng pamilya Montenegro. Mas masakit pa rito, pati ang sarili niyang pamilya at mga kaibigan ay kasabwat sa panlolokong ito para manatili siyang sunod-sunuran sa bilyonaryo, habang palihim naman palang may minamahal na iba si Nathan. Ngayong siya na ang may hawak ng sitwasyon, gagamitin ni Kiara ang kanyang bagong yaman at impluwensya para simulan ang isang matinding laban sa negosyo laban sa mga Montenegro. Handa siyang bawiin ang lahat ng investments at pabagsakin ang kumpanya ng lalaking sumira sa tiwala niya. Sa oras na magsimulang magkaproblema ang kumpanya ni Nathan at lumuhod ito sa harapan niya para magmakaawa, mananaig ba ang galit ni Kiara, o may puwang pa ang pagsisisi sa pusong tuluyan nang nasaktan at nagbago?
32 viewsOngoingAdded to Library 1 Times as coincidence i think not
Read
+Library
The not so Beauty and the Beast (TAGALOG)

The not so Beauty and the Beast (TAGALOG)

Victoriaaa
Ako si Loukrisha Makabajo, ang NOT SO BEAUTY na dalagang sumabak sa pagkakasambahay makatulong lang sa pamilya at sa kasamaang palad, isang gwapong BEAST ang naging amo ko, si Spencer Mackenzie na kung ilalarawan ang ugali ay mas malala pa sa isang halimaw na naiisip ninyo.Sa pagdating kaya ng panahon ay maaari ding maging isang prinsepe ang BEAST na katulad niya kagaya ng nangyari sa isang kwento sa fairytale?Pwede rin kaya na ang isang NOT SO BEAUTY na kagaya ko ay magkaroon ng happily ever after kasama niya?
9.813.0K viewsOngoingAdded to Library 481 Times as coincidence i think not
Read
+Library
A Random Guy I met Turns Out To Be My Husband!

A Random Guy I met Turns Out To Be My Husband!

mooncake_o07
Hindi namalayan ni Sophia na isang taon na pala siyang kasal sa isang lalaking minsan lang niyang nakita at hindi niya kabisado ang buong pagkatao. Ninais niyang matapos ang malamig na pagtrato ng binata sa kanya kaya ginawa niya ang lahat ng paraan upang mahuli ang atensyon ng lalaki ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay tuluyan na palang nahulog ang loob ni Sophia sa binata pero nangangamba siya kung paano niya aaminin sa mister ang totoo? Matatanggap kaya niya ang lahat ng ipagtatapat ng misis niya?
103.4K viewsOngoingAdded to Library 119 Times as coincidence i think not
Read
+Library
My Fiancé Cheated on Me so I Flirt with his Bestfriend

My Fiancé Cheated on Me so I Flirt with his Bestfriend

Sa mismong kaarawan ni Seth, ang kaniyang fiancé, nakipaghiwalay si Sabrina dahil sa harap-harapang pakikipaglandian nito sa kababatang si Pia. Sa sobrang sama ng loob at nasaktan, isinuko ni Sabrina ang pagkababae kay Adrian, ang matalik na kaibigan ni Seth. Hindi niya pinagsisihang isinuko niya sarili kay Adrian dahil isa ito sa taong makakatulong sa kanya para gumaling ang amang may malubhang karamdaman . Hanggang saan hahantong ang mga plano ni Sabrina? Magtatagumpay kaya siya o magsisi sa huli?
1012.8K viewsOngoingAdded to Library 498 Times as coincidence i think not
Read
+Library
She Was My Wife, Never My Love—Until I Lost Her...

She Was My Wife, Never My Love—Until I Lost Her...

"Asawa niya ako, pero hindi kailanman minahal." Sa loob ng isang taon, tiniis ni Anessa ang malamig na pagtrato ni Bart Divinagracia—ang CEO na asawa niyang itinuring siyang wala. Isang kasal na itinali ng obligasyon, hindi ng pag-ibig. Isang pusong tahimik na nasasaktan, umaasang mamahalin din siya balang araw. Pero hanggang kailan siya maghihintay? Nang siya’y tuluyang iwan, doon lang napagtanto ni Bart ang halaga ng babaing dati’y hindi niya pinansin. Ngayon, handa siyang bawiin ang pusong sinayang niya—pero may babalikan pa ba kaya siya? O huli na ang lahat?
9.674.8K viewsCompletedAdded to Library 2.1K Times as coincidence i think not
Read
+Library
The Gigolo I Hired Turned Out to be a Mysterious Zillionaire

The Gigolo I Hired Turned Out to be a Mysterious Zillionaire

BLURB Niloko ng childhood sweetheart slash fiancé at ng matagal na bestfriend, iyon ang mapait na sinapit ni Persephone. Pero imbes na umiyak at magmukmok, sa mismong gabi ng engagement nila kung saan iniwan siya ng fiancé, nagdesisyon siyang gumanti sa paraang hindi inaasahan. Kumuha siya ng gigolo para gawing pansamantalang lover. At first, satisfied naman siya sa boytoy niya. Pero nang bumalik ang fiancé niyang si Narcissus, napilitan siyang hiwalayan ang lalaki at bigyan ito ng malaking halaga kapalit ng tuluyang pagkawala. Balak ni Persephone na gamitin ang pagbabalik sa fiancé hindi para magpakasal, kundi para pahirapan ang buhay ni Narcissus at ng ex-bestfriend niyang si Daniela. Matapos maisakatuparan ang paghihiganti, handa na sana si Persephone na mamuhay nang tahimik. Pero sa isang well-known business party, bigla siyang hinarang ng isang pamilyar na lalaki. Nakasuot ito ng mamahaling suit, malamig ang titig, at puno ng authority ang presensya. Ang gigolo na binayaran niya noon. “You can't recognize me, Ma'am Persephone?” malamig na tanong nito. “W-Why are you here?” kabadong sagot ni Persephone. Ngumiti lang ang lalaki. “Of course, to claim the little seductress who ran away from me.” Ngayon lang ni Persephone napagtanto... ang akala niyang boytoy ay isang misteryosong zillionaire na may mas malaking plano para sa kanya.
103.7K viewsOngoingAdded to Library 119 Times as coincidence i think not
Read
+Library
The Ruthless Trillionaire I Divorced Now On His Knees for Me

The Ruthless Trillionaire I Divorced Now On His Knees for Me

May karapatan pa ba ang lalaking itinapon ka noon na bawiin ka ngayon? Sa ika-25 linggong pagbubuntis, nahuli ni Gaile Enriquez ang sarili niyang asawa, hindi sa kama, kundi sa ospital, habang siya’y nagpapa-check up para sa anak nilang ipinagbubuntis niya. Tinawag pa siyang “Aunt” ng bata at magandang babaeng na kabit ng asawa niya. Ang mas masakit, walang makikitang kahit kaunting hiya, ni katiting na awa sa mga mata ni Kaiden Montelvar, isang ruthless trillionaire CEO na sanay mangwasak hindi lang sa negosyo, pati na ng puso. Para sa kaniya, si Gaile ay isang babaeng social climber, isang babaeng handang gawin ang lahat para umangat, kahit gamitin ang kama upang itali siya sa isang kasal. Ang hindi niya alam, walong taon na siyang lihim na minamahal ni Gaile. Kaya sa isang iglap, walang paliwanag. Walang awa. Divorce papers ang inabot niya. Sa araw na iyon, gumuho ang mundo ni Gaile. Walong taon ng pagmamahal, sakripisyo, at pananahimik, lahat binura sa isang pirma. Nanganak siya. Umalis. At tuluyang naglaho. Limang taon ang lumipas. Bumalik si Gaile, malayo sa dating babaeng minamaliit. Isa na siya ngayong makapangyarihang negosyante. Elegante, matalino, at hinahabol ng mga lalaking handang ibigay ang mundo sa kanya. Ngunit... hindi pa pala sila tuluyang na-divorce ni Kaiden. At nang ipinahayag ni Gaile ang kanyang engagement sa ibang lalaki, tuluyang nawala sa kontrol si Kaiden. “Marry another man?” aniya, mapait at puno ng sakit ang boses habang kinukulong sa kaniyang bisig si Gaile nakadantay sa pader. “Over my dead body, Gaile. I’ll take you back, kahit sa anumang paraan. You’re still my wife. Sa akin ka lang.”
1024.4K viewsOngoingAdded to Library 950 Times as coincidence i think not
Read
+Library
Marrying My Ex-Fiancee's Uncle After I Got Out Of Prison

Marrying My Ex-Fiancee's Uncle After I Got Out Of Prison

Si Jade na isang ampon ng pamilya Guevarra ay napilitang akuin ang kasalanan ng tunay na anak na si Xianne kaya nakulong siya ng limang taon. Paglaya niya nya ibang-iba na ang mundo na iniwan nya—ang dating fiancee nya ay fiancee na ni Xianne. Takot naman ang kuya ni Jade na guluhin niya ang kasal ni Xianne kaya kung anu-anong panglalait at pang-aapi ang ginawa nito sa kanya. Palagi itong kumakampi kay Xianne sa lahat ng bagay. Ang masakit pa, ang anak na matagal na niyang inaasam na makasama ay iba na ang tinatawag at tinuturing na Mommy. Noong sagad na ang pagod ni Jade physically at mentally ay aksidente niyang nakilala ang isang maimpluwensyang tao na tinitingala ng lahat... si Ezekiel. Ang tiyuhin ng kanyang dating fiancee na si Asher. Sabi nga nila ay mas masarap mamahinga sa lilim ng isang matatag na puno. Binigyan siya ni Ezekiel ng kakaibang pagkalinga at ng lakas ng loob para makaahon mula sa impyernong pinagdaanan niya. Kalaunan ay hindi na lang siya basta si Jade Guevarra—siya na ang masayang si Mrs. Jade Elizalde. Mayroon na siyang perpektong asawa, isang cute na anak, at bagong pamilyang sobrang nagmamahal sa kanya. Unti-unti nang naghihilom ang mga sugat sa puso niya at lalong gumaganda ang takbo ng buhay niya. "Jade, gusto mo bang bumalik sa amin?" "Hinding-hindi na... hinding-hindi na ako babalik sainyo." Ngayon, ang dati niyang ex fiancee at ang buong pamilya Guevarra ay nakaluhod na sa harap niya at nagmamakaawang patawarin sila. Sobrang pagsisisi ang nararamdaman nila at hinihiling na lingunin man lang sila ni Jade kahit isang beses lang, pero huli na ang lahat. Hinding hindi na sya babalik sa mga ito!
10974 viewsOngoingAdded to Library 36 Times as coincidence i think not
Read
+Library
Not Familiar with that Four Letter Word Called LOVE

Not Familiar with that Four Letter Word Called LOVE

iloveyou5013
Umibig si Zoey Trisha Ramos sa isang playboy na si Edrick Kurt Lim. Labing-pitong taong gulang pa lamang noon si Trisha, isang freshman sa isang kilalang Unibersidad samantalang dalawampu’t dalawang taong gulang na noon si Edrick, graduating na ito at isang heartthrob. Sa simula pa lamang ay alam na ni Trisha na maling umibig sa isang playboy ngunit kahit sya mismo ay hindi napigilan ang puso nya sa pagtibok. Nangako ang isang playboy na magbabago ito at hinding hindi nya sasaktan ang babae ngunit dumating na nga ang araw na kinatatakutan ni Trisha. Ito ang araw na iniwan sya ni Edrick at nakipaghiwalay sa mismong araw ng graduation nito. Nalaman ni Trisha na paalis na rin ito ng bansa, dahil maraming katanungan ang hindi nasagot nag madaling pumunta si Trisha sa airport at ganoon na lamang ang tagpong naabutan nya, tila naman binibiyak ang kanyang puso sa nakikita ng dalawang mata nya sa harap mismo nya. Habang masayang masaya ito hindi man lang alam ni Edrick na may isang taong sobrang nasasaktan at nasasaksihan ang kaganapan na iyon. Samantalang parang na estatwa naman si Trisha sa kanyang kinatatayuan at hindi na nya nagawang lapitan si Edrick hanggang sa namalayan nya na lang na papalayo na ito sakanya na kasama ang isang babae. Makalipas ang limang na taon ay bumalik ang lalaki sa Pilipinas. Laking gulat nila na sa pag balik nito ay sya na ang naging substitute professor nila. Gagawin lahat ni Edrick mabawi lang nya ulit ang tanging babaeng minahal nya. Nasaktan nya ito ng sobra kaya sa kahit anong paraan ay babawiin nya ito at pinangako sa sariling hinding hindi nya na muli itong iiwanan at sasaktan pa. Muli nga kaya syang bigyan ng pangalawang pagkakataon ni Trisha? Maging pamilyar pa kaya ang mga puso nila sa LOVE?
3.1K viewsOngoingAdded to Library 111 Times as coincidence i think not
Read
+Library
PREV
1
...
1819202122
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status