Mistaken Identity
“Hmm, parang narinig ko na ‘yan kay Cathy before, look at where she is now. So in love at. . .”
“Ikumpara mo ba naman iyong mukha ni Andy sa mukha ni Aldo, hello, ang laking difference. Iyong isa, mukhang artista kaya di imposibleng mainlab kahit na sinong babae, iyong si Aldo, patawarin ako ng Diyos,” napapailing na sabi ni Britney.
Natawa siya kay Britney, “Kung magsalita ka naman, parang wala na talagang kapag-a-pag-asa si Aldo saiyo samantalang ang laki ng ginagastos nun saiyo kapag kasama ka.”