Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The CEO's Twins: Daddy, Take Our Mommy Back!

The CEO's Twins: Daddy, Take Our Mommy Back!

Sa loob ng dalawang taon, inakala ni Therese na may puwang pa siya sa puso ng kanyang asawang si Ezekiel Craig. Pinanghawakan niya ang pangakong "hanggang sa dulo," ngunit isang araw, bumagsak ang mundong inakala niyang sa kanya. Natuklasan niyang hindi siya tunay na anak ng pamilyang Forbes—isang kasinungalingang nagpabago sa takbo ng kanyang buhay. Kasabay nito, itinakwil siya ng pamilyang minahal niya, at ang mas masakit, pinalitan siya ng babaeng may tunay na karapatan sa pangalang iyon… at sa lalaking minahal niya nang labis. Sa isang iglap, nawala ang lahat. Ang pamilya, pagkatao, at maging ang kasal na buong puso niyang ipinaglaban. Ngunit sa pagkawala niya, isang mas matinding katotohanan ang lumitaw na hindi siya basta-basta mawawala. Dahil sa kanyang dugo, may pamilyang mas makapangyarihan ang handang ipaglaban siya. Sa kanyang pagbabalik, hindi na siya ang dating Therese na kayang yurakan ninuman.
865 viewsOngoingAdded to Library 21 Times as daddy tagalog
Read
+Library
Give Me A Chance (The Broken Hearted Single Mom) Tagalog

Give Me A Chance (The Broken Hearted Single Mom) Tagalog

Jhennie Myler
Isang maunawain, masipag, malambing at mabait na asawa si Janine, kaya naman nakatagpo rin siya nang isang responsableng lalaki si Rigor. Masaya ang buhay mag-asawa nila, kahit na tila hindi tanggap ng kanyang ina si Rigor, ganun rin naman ang mama ni Rigor sa kanya. Ngunit hindi iyon naging hadlang sa pagbuo nila ng masayang pamilya. Ngunit sa hindi inaasahan ay makakagawa ng matinding kasalanan si Rigor iyon ay ang nagawa niyang pagtaksilan ang kanyang asawa. Magawa kayang patawarin ni Janine si Rigor para sa buo at masayang pamilya nila o tuluyan niyang kalimutan ito at baguhin ang sarili. Paano sa pagbabago niya ay muling may dumating na bagong lalaki sa buhay niya. Sino ang pipiliin niya ang lalaking minahal niya noon at winasak ang puso niya o ang lalaking muling nagparamdam ng pagmamahal sa kanya?. "Gusto ko nang makakausap, pero wala akong makausap." "Gusto kong umiyak, pero wala akong maiyakan." "Gusto kong umalis, pero wala akong mapupuntahan." "I need a comfort but nobody's care. I want to run to leave the problem. But the world was so cruel. My grief seems endless." -Janine Mhae Santos-
4.4K viewsOngoingAdded to Library 172 Times as daddy tagalog
Read
+Library
Mommy, Where Is Daddy? The Forsaken Daughter's Return

Mommy, Where Is Daddy? The Forsaken Daughter's Return

Nabuntis si Samantha Davis at wala siyang alam tungkol sa lalakeng nakabuntis sa kanya. Matapos siyang itakwil ng kanyang ama, nilisan niya ang lungsod para magsimula muli. Pinalaki niya mag-isa ang mga anak niya, nagsumikap at nalampasan ang hirap. Lingid sa kanyang kaalaman, hinahanap ng kambal niyang mga anak ang tunay nilang ama at hindi sila pipili ng iba! Sa edad na tatlong taong gulang, nagtanong ang mga anak niya, “Mama, nasaan si Dada?” “Ano… nasa malayo si Dada.” Ito ang pinakamadaling paraang para kay Samantha na ipaliwanag sa kanyang mga anak ang dahilan kung bakit wala ang ama nila. Sa edad na apat na taong gulang, nagtanong sila muli. “Mommy, nasaan si Daddy?” “Ano… nagtatrabaho siya sa Braeton City.” Pinili muli ni Samantha na magpalusot. Napagtanto niya na sasagutin din niya balang araw ang tanong ng mga anak niya tungkol sa kawalan nila ng ama at napagdesisyunan na oras na para sabihin ang totoo. Pero, isang araw, lumapit ang mga anak niya sa kanya habang kita ang kinang sa kanilang mga mata, “Mommy, nahanap na namin si Daddy!” Nakatayo sa harapan niya ay isang bloke ng yelo, si Mr. Ethan Wright, ang pinakamakapangyarihang businessman sa lungsod.
10139.9K viewsCompletedAdded to Library 3.4K Times as daddy tagalog
Read
+Library
My Baby's Daddy Is My Ruthless Boss (SPG)

My Baby's Daddy Is My Ruthless Boss (SPG)

My Baby’s Daddy Is My Ruthless Boss (SPG) Matapos mahuli ni Arch. Alex Reyes ang fiancé niyang may relasyon sa sarili niyang best friend sa mismong engagement party nila, isang gabi ng alak, galit, at kahinaan ang tuluyang sumira sa maayos niyang buhay. Sa gabing pilit niyang kinakalimutan, nakilala niya ang isang delikadong estrangherong nagdala sa kanya sa isang gabing puno ng init, tukso, at padalos-dalos na desisyon. Akala ni Alex, mananatili na lang iyong isang pagkakamali na hindi na niya muling babalikan. Pero ilang linggo matapos ang gabing iyon, natuklasan niyang buntis siya. Takot na muling masaktan at iwan, pinili niyang mawala nang tahimik at palakihing mag-isa ang batang dinadala niya. Anim na taon ang lumipas, muling nagkrus ang landas nila nang matanggap si Alex sa pinakamakapangyarihang kompanya sa bansa. Ngunit sa unang araw pa lang niya sa trabaho, parang gumuho agad ang mundo niya. Dahil ang ruthless billionaire CEO na haharap sa kanya ay walang iba kundi si Azrael Laurent. Ang lalaking nakasama niya sa gabing hindi niya malimutan at ang ama ng kanyang anak. Hindi alam ni Alex na matagal nang hinahanap ni Azrael ang babaeng nakasama niya six years ago. Kaya nang matuklasan nitong si Alex pala ang babaeng iyon at ang batang kasama nito ay sarili niyang anak, hindi siya nagdalawang-isip na angkinin ang dalawa. Handa siyang pakasalan si Alex, protektahan ito, at tulungan sa paghihiganti laban sa mga taong sumira rito. Ngunit higit pa roon, determinado si Azrael na gawin ang lahat para tuluyang mahulog sa kanya ang babaeng matagal na niyang hinahanap. Pero hindi ganoon kadaling magtiwala si Alex. Lalo na sa isang lalaking kilala sa pagiging malamig, dominante, at mapanganib. Magiging sapat kaya ang pagmamahal para paghilumin ang sugatang puso ni Alex?
101.4K viewsOngoingAdded to Library 36 Times as daddy tagalog
Read
+Library
The Billionaire's Twins: Mommy, Daddy Want Us Back

The Billionaire's Twins: Mommy, Daddy Want Us Back

VioletPepper
Akala ni Lila ay nasa kanya na ang lahat: isang mapagmahal na asawa at perpektong buhay. Magkakaroon na rin sila ng anak, at kambal pa ito. Pero nang traydorin siya ni Michael sa pinakamasakit na paraan, gumuho ang kanyang mundo. Sugatan ang puso at galit na galit, gagamitin ni Lila ang pangalang Violet Fields para unti-unting kukunin ang lahat ng meron si Michael—The company, the fame... everything. With this new identity and a fierce determination, Violet sets out on a path of revenge, ready to watch her ex-husband's world burn.
10950 viewsOngoingAdded to Library 20 Times as daddy tagalog
Read
+Library
Bawal na Pag-ibig sa Best Friend ni Daddy

Bawal na Pag-ibig sa Best Friend ni Daddy

"Come for daddy, little Ellie." Ang mga salitang 'yon mula sa best friend ni Papa ang tuluyang nagpabagsak sa akin. Ilang taon ko siyang pinagnasaan pero hindi niya ako kailanman napansin. Para sa kanya, ako lang naman ang inosente at nakakairitang anak ng matalik niyang kaibigan. Gumawa ako ng perpektong plano para mapatulan niya ako. Pero hindi nagtagal, nabunyag ang katotohanan. Ito na ba ang katapusan ng nagbabagang apoy sa pagitan naming dalawa? At anong mangyayari kapag nalaman ni Papa at ng buong mundo ang tungkol sa amin?
142 viewsOngoingAdded to Library 5 Times as daddy tagalog
Read
+Library
After Divorce: Hiding my Baby to his Mafia Daddy!

After Divorce: Hiding my Baby to his Mafia Daddy!

"I want divorce. Let's end this contract marriage, Gabriette. Sign this." Iyon ang malamig na sinabi sa kaniya ng asawa niya. Halos nabingi si Gabriette Amarylle at tumigil sa pag-ikot ang mundo nila. Akala niya ay maayos na ang lahat sa kanila ngunit bigla siyang gustong hiwalayan ng kaniyang asawa na si Jax Thaddeus Fortier. Matapos ang lahat ng paghihirap niya para makuha ang loob ng lalake... Tiniis din niya ang pananakit ng lola ni Jax sa kaniya tuwing wala ang asawa. Tinanggap niya rin nang malaman ang sekreto nito na pagiging leader ng isang mafia organization. Ngunit sa divorce din pala magtatapos ang lahat. Hindi agad siya sumuko. Sinubukan pa niya na ilaban ang kasal nila. Hanggang sa lumala lamang lahat. Isang gabi, matapos magdala ng babae ang asawa niya sa mansion, muntik na siyang mapatay mismo sa kanilang tahanan para lamang pirmahan na niya ang divorce agreement. Takot at galit ang naramdaman ni Gabriette. Mabilis siyang pumirma at duguan na umalis do'n habang may laman na ang kaniyang sinapupunan. Umalis siya at nagpakalayo. Sa gabing 'yon, nangako si Gabriette na hindi na siya muli maaapi at kailanma'y hindi niya ipaaalam sa mga Fortier na may nabuo sila ni Jax. After divorce, she hid her baby to his mafia daddy. Ngunit hanggang kailan niya ito maitatago?
10866 viewsOngoingAdded to Library 30 Times as daddy tagalog
Read
+Library
I’M PREGNANT, RESCUED BY MY BABY’S MYSTERIOUS DADDY

I’M PREGNANT, RESCUED BY MY BABY’S MYSTERIOUS DADDY

Ang kasal ay nagbibigkis sa dalawang taong nagmamahalan. Si Jane ay kinasal sa lalaking dalawang beses palang niyang nakikita. Wala silang pagmamahal sa isa’t isa, para sa kanilang dalawa ang kanilang kasal ay sa papel lamang. Paano kung isang araw ay matuklasan niya na si Clegane, ang kanyang asawa ay hindi pala ordinaryong lalaki lang?
101.2K viewsOngoingAdded to Library 42 Times as daddy tagalog
Read
+Library
One Night with a Hot Stranger (Daddy Series #1)

One Night with a Hot Stranger (Daddy Series #1)

1ionhart
After her family's company went bankrupt, Lorelie Gonzales was forced to marry a man rumored to be an old, ugly man. Lorelie didn't let herself get controlled by the people around her and run away. Alam niyang wala na siyang pakatutunguhang iba dahil alam niya kung gaano kasakim ang ina niya kaya nagpunta siya sa bar. There, she made the dance floor on fire as she started grinding her hips. Little did she know, fate has something to give her that ended her to have one night with a hot stranger.
101.3K viewsOngoingAdded to Library 50 Times as daddy tagalog
Read
+Library
Three Little Cupids: Daddy, Steal Our Mommy’s Heart Back!

Three Little Cupids: Daddy, Steal Our Mommy’s Heart Back!

Napilitan magpakasal sina Anastasia Alarcon at Enzo Padilla dahil sa kagustuhan ng lola ng binata. Para kay Enzo, obligasyon lang iyon—pero para kay Anastasia, ito ang pagkakataon niyang makasama ang lalaking sampung taon niyang lihim na minahal. Akala ni Enzo, pera lamang ang habol ni Anastasia sa kaniya. Kaya sa loob ng isang taon nilang mag-asawa, malamig at maingat niyang itinago ang tunay niyang nararamdaman. Tiniis ni Anastasia ang bawat sandali, umaasang balang araw, mararamdaman din siya ng lalaking minahal niya ng buong puso. Hanggang sa namatay ang lola ni Enzo, at sa ika-pitong araw pagkatapos ng libing, sinabi nito na makikipaghiwalay na siya. She was nearly driven mad by Enzo’s demand for an annulment—at pagkatapos nito, umalis siya upang tuluyang kalimutan ang lalaking minahal niya ng buong puso. Ngunit hindi niya alam, iniwan ng kanilang huling gabing magkasama ang isang lihim: tatlong anak na hindi puwedeng malaman ni Enzo. Pagkalipas ng anim na taon, bumalik si Anastasia sa Pilipinas para hanapin ang anak na nawala noong sanggol pa lang. Ngunit sa halip na asahan, natuklasan niyang ang batang matagal niyang hinahanap ay nasa ilalim pala ng pangangalaga ng dati niyang asawa. Ang kanilang mga anak ang naging tulay upang muling magtagpo ang mga pusong sugatan. Hindi naglaon, lubos na pinagsisisihan ni Enzo ang lahat nang malaman niyang ang babaeng matagal niyang hinanap at pinangarap sa bawat gabing walang tulog ay si Anastasia pala. Determinado siyang ibalik at ipanalo muli ang puso ng kanyang dating asawa—ngunit sa harap ng lahat ng nakaraan, pagkukulang, at mga lihim… kaya nga ba muling magtiwala at magmahal si Anastasia kay Enzo?
104.1K viewsOngoingAdded to Library 126 Times as daddy tagalog
Read
+Library
PREV
1
...
3334353637
...
47
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status