Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Glimpse of Loving You

Glimpse of Loving You

sachtych
Siya si Kellissa Elarque. Labing walong taong gulang na estudyante na nag-aaral ng kursong Business Administration sa isang unibersidad. Scholar na Bayan. Breadwinner ng kanyang pamilya. Bukod sa pagiging isang matalinong estudyante, marami ang nabibighani sa taglay niyang ganda sa kabila ng laging suot nitong may kalakihan na puting t-shirt at leggings na pinaresan ng lumang itim na rubber shoes. Binansagan pa ang dalaga bilang "Beauty and Brains" ng kanilang department. Tahimik lamang itong estudyante at tila ba walang pakielam sa paligid. Ngunit nagbago ang lahat sa takbo ng buhay niya simula nang buksan niya ang kanyang puso sa isang Cayden Guerrero. Ang isang sikat na basketball player na tinaguriang "King of Court." Isang binata na epitome ng "Tall, dark and handsome". Na para bang isang ngiti lang niya ay kaya nitong patibukin ang puso ng kahit sino man. Tama nga ba ang naging desisyon niya na bigyan ng pagkakataon ang binata o magiging sanhi lamang ng pagguho ng mundo niya?
Romance
1.2K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Don't Fall for Me

Don't Fall for Me

Upang matakasan ang isang arrange marriage, ginawa ni Zea ang lahat para lamang hindi maipakasal sa taong ni sa hinagap ay hindi niya nakilala at mas lalong hindi niya mahal. Nang magawang makatakas ay nag tungo siya sa hindi pamilyar na lugar na sa tingin niya ay hindi siya mahahanap ng kanyang lolo. Natagpuan niya ang isang napakalaking gate kung saan sa malayuan ay ang mala-haciendang tahanan. Dala ng kakuryosohan ay sinubukan niyang pumasok at lumibot sa lugar na pinagsisihan niya dahil sa lalaking walang habas na hinila siya papasok ng hacienda at basta na lamang siyang ginawang katulong. Dahil walang sapat na pera at bahay na matitirhan ay wala siyang magagawa kung hindi sapilitang tanggapin ang naging kapalaran. Ang dating magarang buhay niya ay magbabago. Ayos lang kung ang kapalit naman nito ay makatakas siya sa bagay na ayaw niya. Akala niya ay nagawa na niyang makatakas kahit pansamantala ngunit hindi naman niya inakala na yun pa pala ang maglalapit sa kanya sa isang bagay na pilit niyang iniiwasan.
Romance
9.918.5K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The Wife

The Wife

Isa lang naman ang hiling ni Alana at 'yon ay mahalin din siya ng lalaking kaniyang minahal noon pa man at iyon ay si Knight. Hiniling niya sa kaniyang mga magulang na maikasal siya sa binata na sa huli naman ay naisakatuparan din. Ngunit ang akala niya na matututunan din siyang mahalin ay hindi pala bagkus naging bangungot ito na malayo sa kaniyang pinangarap. Matitiis niya ba ang ilang taon ang knailang pagsasama kung gayon ay ni hindi naman siya itinuturing bilang asawa at kahit na pagkababae niya ay dinudurakan na? O sa huli ay makikita niya ang kaniyang kahalagahan dahil sa isang tao na hindi niya aakalaing tutulong at aahon sa kaniya na kalaunan ay nakita na lamang niya ang sarili na nasa bisig nito. Tama nga ba ang kaniyang naging desisyon o kailangan niya lamang na bigyan ulit ng isa pang pagkakataon si Knight? Sino nga ba sa dalawa ang pipiliin niya sa huli? Pinagtagpo nga lang ba talaga at hindi itinadhana?
Romance
1021.1K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Love me obediently, Mr. Billionaire

Love me obediently, Mr. Billionaire

Lilybluems
Halos pagbagsakan ng langit at lupa si Laura ng malaman na ang lalaking minahal niya ng apat na taon na si Elijah ay ang mismong dahilan ng pagbagsak ng company nila at ang nagpakulong sa kaniyang ama. Idagdag pa rito na may iba pala itong babae at buntis na. Desperado na mailigtas ang ama, walang ibang nagawa si Laura kundi ang makipagkasundo kay Adan Del Rosario. Isang kilalang mayaman na lawyer, kapalit ng tulong ay gagawin niya ang lahat ng gusto ng lalaki. “Be obedient, Ms. Zapanta, and just be mine.” Mariin na bulong ni Adan kay Laura bago siya tuluyan na angkinin nito.
Romance
101.0K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
MY EX BOYFRIEND BECOMES MY STEPFATHER (SPG)

MY EX BOYFRIEND BECOMES MY STEPFATHER (SPG)

Nakipaghiwalay si Kisses sa boyfriend niyang si Dashiel. High School pa lang naman kasi sila kaya hindi niya gaanong sineryoso ang kanilang relasyon. At matapos naman ang ilang taon simula ng mamatay ang kanyang ama, bigla na lang ini-announce ng kanyang ina na nag asawa na ulit ito. Ang masaklap pa roon, hindi niya inaasahan na ang napangasawa pala ng kanyang ina ay si Dashiel, na siyang Ex boyfriend niya... at ngayon ay Stepfather na niya!
Romance
442 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
HER SWEETEST REVENGE

HER SWEETEST REVENGE

Ang akala mo ay makakatakas ka na din sa pang-aalipusta sayo ng mga magulang mo dahil sa may taong nagmamahal na sayo, ang hindi mo din alam ay ginagamit ka lang din naman nito. Pag-ibig? Ano ba talaga ang silbi ng salitang iyan, kung lahat naman sila ay pinagkakaisahan ako, pinagkaisahan ako ng tadhana. Ang pagmamahal na kay sagana noong una ay bigla na lang naglaho ng malaman kong ginagamit niya lang ako. Ng mapakasal ako sa isang lalaking hindi ko kakilala ay mas naging impyerno pa ang aking buhay. Wala na bang mas ikakalupit ang tadhana? Pagod na ako, pagod na pagod na ako, kung bakit kasi nangyayari sa aking ang mga ganitong bagay. Naghintay ako, kinuha nila ang kompanya na dapat ay para sa akin, mga ari-arian na dapat para sa akin, ang anak ko na pinatay nila kahit nasa sinapupunan ko pa ito, hindi pa sila nasiyahan at pati ako ay pinapapatay nila. Naghihintay lang ako ng pagkakataon, hintayin niyo ang aking pagbabalik. Tiyak na sa pagbabalik ko ay hindi ko kayo papalampasin lahat.
Romance
344 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Married to my scumbag ex-boyfriend's Brother

Married to my scumbag ex-boyfriend's Brother

Isang araw bago ang kanyang kasal, bumagsak ang buong mundo ni Cassandra. sa mismong opisina, nahuli niya ang kanyang nobyo na kaisa ng magiging hipag niya isang malupit na pagtataksil na walang kapantay. Wasak ang puso, halos hindi na siya makahinga sa sakit ng kanyang natuklasan. At sa gitna ng pagkawasak na iyon, isang malamig ngunit matatag na tinig ang biglang umalingawgaw sa tabi niya. "Pakasalan mo ako at mula bukas ang dalawang walang hiya na iyon ay mapipilitan kang tawaging hipag araw-araw. Ano sa tingin mo?"
Romance
10693 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The Billionaires Regretted Fury

The Billionaires Regretted Fury

Ahhhhh...... Tama na Luther maawa ka, maawa ka sa magiging anak natin... Umiiyak na pagmamakaawa ni Abby ng maramdaman niya na tumama sa likod niya ang latigo na inihampas sa kanya ng kanyang asawa na si Luther. Puro pasa na din ang aking mukha at katawan sa walang tigil na pananakit nito sa akin. Sobrang sakit nito at pakiramdam ko matatanggal pati balat ko tuwing hinahampas sa akin ang latigo na gamit nito. Nakadapa ako sa lapag habang walang tigil sa pananakit sa akin si Luther. May mga bakas na din ng dugo sa sahig na nanggaling sa akin. "Your Slut Abby... Pagbabayaran mo ang lahat ng ito. Alam mong ayaw ko sa lahat ang niloloko ako. Sigaw ni Luther sa akin sabay hawak sa aking mukha ng mariin at sinampal ako. Halos mabagok ang ulo ko sa sahig sa lakas ng impact nito. Nandito kami sa basement ng mansion. Alam kong walang makakarinig sa akin kahit na ilang beses akong sumigaw para humingi ng tulong. Parang mga bingi ang mga tauhan ni Luther sa pagmamakaawa ko. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Hindi ko na mabilang kong ilang suntok, sampal, at latigo ang tumama sa aking katawan. Siguro kailangan ko ng tanggapin na hanggang dito na lang ako. Marahan kong kinapa ang aking tiyan. "Sorry anak, hindi kita magawang ipagtanggol. Siguro hanggang dito na lang tayo. Pangako mamahalin kita sa kabilang buhay." anas ko sabay pikit.
Romance
10120.3K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Attorney Zander Velasquez Excessively Adores Me

Attorney Zander Velasquez Excessively Adores Me

Alam ni Tessa na hindi siya ganoon kamahal ni Zander, ngunit nanatili pa rin siya sa tabi nito dahil may kailangan siya kay Zander at ganoon din naman ang lalaki sa kanya. Pero nang bumalik ang dating minahal ni Zander, bihira na lamang itong umuwi sa kanila. Nanatili si Tessa sa walang laman na silid, ginugugol ang hindi mabilang na gabi na hindi niya kasama si Zander. Kalaunan, nang mapagod na si Tessa, tinanggap niya ang isang tseke at tuluyan na niyang iniwan si Zander. Nang muli silang magkita, may iba nang lalaking kasama si Tessa. “Mr. Velasquez, ikaw ang unang nakipaghiwalay. If you want to date me, kailangan mong pumila.” — Tessa Jewel Morales. Kinabukasan, nakatanggap si Tessa ng deposito na isang daang bilyong piso at isang dyamanteng singsing. May pag-asa pa kayang magkabalikan ang dalawa? O mas pipiliin ni Tessa na hindi na bumalik sa buhay ni Zander?
Romance
10259 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Love Magnet

Love Magnet

[COMPLETE] Ang makahanap ng marangal na trabaho ang naisip na paraan ng lesbianang si Maria Sienna De Dios upang makawala sa poder ng kaniyang ama na paulit-ulit siyang dinidiktahan na magpakasal sa kaniyang long-lost childhood friend. Kaya noong may inirekomendang trabaho ang kaniyang kaibigan ay pinatos niya na iyon nang walang pag-aalinlangan. Ang hindi niya lamang inaasahan ay muli niyang makakaharap ang lalaking nasapak niya noon na si Yevhen Thyne Villamayor, sa araw ng kaniyang interview. Nang makilala siya ng binata ay on the spot siyang ni-reject nito kahit na nakiusap pa siya. Mabuti na lang ay may dumating na isang mabait na ginang at kinuha siya bilang secretary ng CEO ng MARIA Corporation. Ngunit kakayanin niya kaya ang trabaho gayong si Yevhen pala ang kaniyang magiging boss? At paano kung ang tsismosang tulad niya ay may malaman sa nakatagong katauhan ng binata? Love Series 3 Yevhen Thyne Villamayor xMaligaya©October2023
Romance
1013.5K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
454647484950
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status