Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
UNEXPECTEDLY "YOU"

UNEXPECTEDLY "YOU"

Nabuntis ng hindi kilalang lalaki si Bryanne at dahil sa takot sa kanyang pamilya ay nagpasya siyang magpakalayo-layo. Apat na taon ang matuling lumipas, nakilala niya ang bagong CEO ng kompanyang kanyang pinagta-trabahu-an, si Roman Contreras. G'wapo sana pero antipatiko kaya hindi sila magkasundo ng lalaki hanggang sa isang araw ay bigla siya nitong alukin ng kasal. A contract marriage to be exact. Roman wants to get rid of his ex-girlfriend and Bry needs a huge amount of money para sa operasyon ng kanyang anak. Saan sila dadalhin ng relasyong nagsimula lamang sa matinding pangangailangan?
892 viewsOngoingAdded to Library 24 Times as damsel plot
Read
+Library
Mistress By Contract

Mistress By Contract

Sa gitna ng kawalan ng pag-asa, napilitan si Amara na pirmahan ang isang kontrata. Isang kasunduang magtutulak sa kanya na maging exclusive mistress ng isang makapangyarihang CEO, si Dominic Severino. Ang kapalit:, malaking halagang kailangan niya upang mailigtas ang buhay ng kanyang kapatid. Ngunit malinaw ang kondisyon ng kontrata, hindi siya dapat mahulog kay Dominic. Para kay Dominic, ang relasyon nila ay dapat manatiling lihim at walang kasamang emosyon. Para kay Amara, ito ay sakripisyo, isang kasinungalingang kailangan niyang itago sa lahat, lalo na’t ang tunay niyang pagkatao ay hindi niya maaaring ipaalam. Subalit habang lumilipas ang mga gabi, nagsisimulang mabali ang mga patakaran. Nagiging possessive si Dominic, ayaw siyang pakawalan kahit pa malinaw ang kasunduan.
458 viewsOngoingAdded to Library 16 Times as damsel plot
Read
+Library
Signed to Marry My Ruthless Boss (SPG)

Signed to Marry My Ruthless Boss (SPG)

"You need financial freedom. I need a bride. One signature—and your debt’s gone." *** Kira Navarro thought she had everything under control. Maayos ang trabaho, may konting ipon, at kahit papaano'y nakakaraos sa buhay. Dahil sa sobrang pagod at stress, napa-oo siya sa mga kaibigan na mag-unwind sa bar. Hindi niya inakalang ang simpleng gabing ‘yon ay mauuwi sa isang mainit na encounter kasama ang isang estranghero—na hindi niya alam, ay ang bagong CEO ng Salvatore Holdings, kung saan siya nagtatrabaho bilang architect. Kinabukasan, halos himatayin siya sa gulat nang makaharap ang lalaki sa opisina—ang cold and ruthless CEO na ngayon ay boss niya. Pero hindi siya pinansin. Parang hindi siya kilala. Parang walang nangyari. Pagbalik niya sa ospital kung saan naka-confine ang ina niyang may sakit sa puso, dumating ang mas masakit na balita—wala na ito. Cardiac arrest. Gumuho ang mundo ni Kira. Wala na ang ina niya. Nabaon siya sa utang. At nanganganib pa silang mapalayas sa inuupahan nila ng kapatid niya. Desperada siyang humingi ng cash advance sa HR, pero tinanggihan. Wala na siyang ibang malapitan kundi ang taong ayaw na ayaw sana niyang lapitan—si Anthony Salvatore. Pero sa halip na tulong o sermon, isang kontrata ang inabot nito. Pakakasalan daw niya si Anthony kapalit ng limang milyong piso at pagbabayad ng lahat ng utang nila. Sa harap ng mundo, asawa siya ng CEO. Pero sa loob ng mansion, parang boarder lang siya. Hanggang kailan niya kailangang tanggapin na papel lang ang ginagampanan niya sa buhay ng lalaking unti-unti niyang minamahal?
1056.9K viewsOngoingAdded to Library 1.6K Times as damsel plot
Show Reviews (28)
Read
+Library
You and me 💐
Highly recommended. Sobrang ganda ng book one. From walang-wala at pinagkaitan ng mundo to yumaman, nagkaroon ng sariling kompanya. Salute sa iyon, Miss A! Para ito sa mga breadwinners talaga. Tagos sa puso ang linyahan lalo na sa Navarro sister.
Donna H. Dimayuga
Grabee ang kwentung ito. Dalang dala ako ng bawat chapter. Yung walang wala sila magkapatid hangang umangat at maging successful. Kwentung maraming aral tungkol sa pamilya at magmamahal. Thankyou po Ms. D sa napakagandang Kwentu ni Anthony at kira. Loveyou po. Excited much ky ella at Neil. Ayieee
Read All Reviews
Secretly Married To My CEO

Secretly Married To My CEO

Malaking halaga ang kinakailangan ni Colleen Perez para mabili ang bahay na kanyang nais para sa kanila ng kaniyang kapatid. Ngunit dahil hindi sapat ang kanyang ipon ay pumunta siya sa bangko para kumuha ng loan. At ang housing loan lamang ang available para sa halaga na kinakailangan nya. Hindi naging madali ito dahil hindi pa siya pasado sa kwalipikasyon. May kinakasama o dapat kasal na ang maaaring maka avail lamang ng loan na ito. Dahil dito tinanggap niya ang alok ng kakilala niyang lola na makipag blind-date sa kaniyang apo at pumayag sa alok nitong kasal. Ang hindi niya lang inaasahan ay boss niya sa trabaho ang magiging ka blind-date niya at agad siyang pumayag sa idea na sila ay magkaroon ng isang contractual relationship sa loob lamang ng isang taon.
718 viewsOngoingAdded to Library 15 Times as damsel plot
Read
+Library
WILD NIGHT WITH HER BOSS

WILD NIGHT WITH HER BOSS

‎⚠️ WARNING ⚠️ ‎🔞 ||R-18, SPG|| 🔞 ‎‎Dahil sa kataksilan ng boyfriend ni Canna Villegaz. Mag-isang nagtungo sa bar ang dalaga. She drinks a couple of drinks which led to her being tipsy. Ang kanyang papunta sa bar ay nauwi sa mainit na kagabi kasama ang lalaking hindi niya makilala dahil sa kanyang kalasingan. ‎ ‎Kinaumagahan, nagising na lamang siyang katabi ang Boss, si Azrael Cervantes. Tinakbuhan niya ito bago pa man magising at makita siya. Ngunit kaagad din itong agad nakagawa ng paraan para hindi siya tuluyang makatakas. Pinipilit ng kanyang Boss na panindigan ang nangyari sa kanila. ‎ ‎Nagtagumpay naman si Azrael sa kanyang plano. Ngunit nang mangyari ang hindi inaasahang trahedya, lahat ay biglang nagbago. ‎Kinasusuklaman na siya ni Azrael at pinagbibintangan sa kasalanang hindi naman siya ang may gawa. Pinili niyang layuan ang lalaking natutunan niyang mahalin sa maikling panahon upang hindi madamay ang bata sa kanyang sinapupunan. But fate is cruel and stubborn. When their paths cross again, Azrael meets the son he never knew existed. Secrets unfold. Old wounds reopen. ‎Makayanan niya kayang harapan ang galit ni Azrael? Paano kung ang tingin ni Azrael sa kanya ay isa na lamang babaeng nagpapainit ng gabi nito? Hanggang saan niya kayang magsakripisyo? ‎
1067.1K viewsCompletedAdded to Library 2.3K Times as damsel plot
Show Reviews (5)
Read
+Library
FrezscheuzstStrre_18
Hello, Starries! Finally, natapos na rin ang story ni Azrael at Canna. Sana nagustuhan ninyo kahit maraming kulang at medyo magulong. Pero sinubukan ko naman ang makakaya ko. Pero hanggang doon lang talaga. Pero sa susunod na kwento ni Jaric at Zea. Aayusin ko na po. Ang kasunod na kabanata ay
Analyn Bermudez
thank you ms A sa update..pero ms A napaisip ako ,ano ba tlga ang totoong nangyayari sa nanay ni Azrael? akala ko pa NMN tapos na ung problema ,, akala ko pa NMN ending na yun PLA meron pa natitira twist May kalaban pa pala sila ..sino kaya ????.....
Read All Reviews
My Ex Left Me in the Cold; His Rival Kept me in his Bed.

My Ex Left Me in the Cold; His Rival Kept me in his Bed.

“Freedom, Astra. Freedom to do whatever you want to do and wherever you go. Marry me, and I'll set you free from the people who force you to be the person you never wanted to be." — Rhys Clayton Almazan ***** Sa kagustuhan ni Solane Astra Alfonso na huwag maipakasal sa lalaking hindi niya naman mahal, nagtangka siyang tumakas kasama ang boyfriend niya na si Jacob Sanchez. Ngunit lingid sa kaalaman niya na niloloko rin pala siya ng boyfriend niyang si Jacob sa half-sister niyang si Janelle Hernandez, the first love of the man who is set to marry her. Kaya imbes na si Jacob ang makita niya sa lugar kung saan balak nilang magkita upang tumakas, ang lalaking nais niyang takasan ang dumating. Paano niya matatakasan si Rhys, nagsasabing hindi siya gusto nito at gusto lang nitong tuparin ang pangarap nang pamilya niya na maikasal sa kanya, ngunit iba naman ang pinaparating nang galaw nito. At paano nya rin iiwasan ang tukso ng isang babaerong Rhys Clayton Almazan, kung ang sarili nya na mismo ang tumatrahidor sa kanya sa tuwing magkadikit ang mga katawan nila?
73 viewsOngoingAdded to Library 2 Times as damsel plot
Read
+Library
Akin Ka. Hanggang Langit (SSPG)

Akin Ka. Hanggang Langit (SSPG)

Perpekto na sana ang buhay ni Aria bilang tagapagmana ng isang mayamang angkan at mapapangasawa bilyonaryong at future Mayor na si Paulo Santillanes. Ngunit sumabog ang isang madilim na lihim: hindi siya ang tunay na anak. Pinalayas, inalisan ng yaman, at pilit inilalayo kay Paulo. Ipinaglaban nila ang isa't isa, ngunit isang sinadyang aksidente ang tuluyang naghiwalay sa kanila. Inakala ng lahat na patay na si Aria. Makalipas ang tatlong taon, muling nagkrus ang landas nila. Si Paulo ay isa nang malamig, walang-awa, at kinatatakutang Alkalde. Samantala, si Aria ay nabubuhay na bilang si "Melissa"—isang mahirap na dalagang walang alaala sa nakaraan at may ibang lalaking nagpoprotekta. Hindi man siya makilala ni Melissa, hinding-hindi makakalimutan ng katawan ni Paulo ang nag-iisang babaeng pag-aari niya. Dahil sa matinding selos at obsesyon, gagamitin ng Alkalde ang lahat ng kanyang kapangyarihan at yaman para ibaon sa utang ang pamilya ni Melissa at ikulong ang dalaga sa kanyang mansyon. Wala siyang pakialam kung limot na nito ang nakaraan. Aariin niya ito gabi-gabi, hanggang sa ang mismong katawan ni Melissa ang makaalala kung sino ang nag-iisang lalaking nagmamay-ari sa kanya. Hanggang langit.
105.0K viewsOngoingAdded to Library 114 Times as damsel plot
Read
+Library
THE BILLIONAIRE'S VULNERABLE HEART (GORGEOUS MEN SERIES 27)

THE BILLIONAIRE'S VULNERABLE HEART (GORGEOUS MEN SERIES 27)

Nagmahal at nasaktan. Sinubukan ni Ashera na magpaliwanag sa kanyang mga magulang kung bakit sa pag-uwi nila galing sa ibang bansa ay may bata ng kasama si Ashera. Handa itong magpaliwanag ngunit itinakwil siya ng kanyang mga magulang at sa pag-asa na ipagtanggol siya ng lalaking mahal niya ay bigla nalang itong lumayo sa buhay niya. At sa pagkikita muli ng kanyang ex-boyfriend ay masasakit na salita at panunumbat ang narinig niya. Buo ang loob ni Drake na kung magkita pa muli ang landas ng dating kasintahan ay nangako ito na gawing miserable ang buhay ng dalaga dahil sa pangloloko na ginawa niya. Ngunit may natuklasan ang binata na nakapagbabago ng mga plano niya. Gaano ba siya kahina sa ngalan ng pag-ibig kung may dalawang tao siyang nasasaktan?
103.2K viewsOngoingAdded to Library 110 Times as damsel plot
Read
+Library
My Cold-Hearted Husband Wanted Me Back

My Cold-Hearted Husband Wanted Me Back

Matagal nang pinapangarap ni Aerial si Diego. Nang magkaroon siya ng pagkakataong makalapit dito, naganap ang isang gabing puno ng kalasingan na nagbunga ng isang batang babae, na nagbigay-daan kay Aerial upang matupad ang kanyang pangarap na maging asawa ni Diego Natividad. Sa kabila ng katuwang na pangarap, nagdulot din ito ng galit at pagkamuhi ni Diego sa kanya, dahil pinakasalan lamang siya nito dahil sa kanyang dinadala. Napagkasunduan nilang ipawalang-bisa ang kanilang kasal matapos niyang ipanganak ang kanilang anak. Sa loob ng siyam na buwan ng kanilang pagsasama bilang mag-asawa, unti-unti niyang naramdaman na walang patutunguhan ang kanyang pagmamahal, lalo pa’t patuloy na malamig si Diego sa kanya. Nang muling banggitin ni Diego ang paghihiwalay, agad siyang pumayag. Wala na siyang maaasahan at nais na niyang muling buuin ang sarili na matagal na niyang tinalikuran para sa pagmamahal kay Diego. Kailangan na niyang lumayo upang tuluyang makalimot sa sakit na dulot nito. Ngunit sa oras na handa na siyang magbago at kalimutan ang lahat, si Diego ayaw na siyang pakawalan.
376 viewsOngoingAdded to Library 14 Times as damsel plot
Read
+Library
Spying my Billionaire Husband

Spying my Billionaire Husband

Alyana Lopez, isang raketerang babae, ulila at layunin ay makaipon ng maraming pera, mga sampung milyon para makapamuhay ng komportable sa buong buhay niya, kaya naman tinatanggap niya ang kahit na anong trabaho o raket na inaalok sakaniya. Nilapitan siya ng isang kaibigan na isa ring raketera at inalok siyang maging spy sa isang kilalang bilyonaryo na si Jeffrey Anderson, kailangan niyang malaman ang mga susunod nitong hakbang sa loob ng anim na buwan tungkol sa mga investments, deals, at negotations ng korporasyon nito. Inaral ni Alyana ang lahat ng detalye tungkol rito at namasukan siya bilang sekretarya at personal assistant nito. Hindi inasahan ni Alyana ang karismang taglay ni Jeffrey, at ang inaakalang puro trabaho lang ang gagawin niya sa pagpapangap bilang sekretarya ay nagulat siya nang alukin siya nitong maging asawa lang sa papel. Mula sa pagiging spy, pagpapanggap bilang sekretarya, hanggang sa pagiging asawa sa papel, mapasubo kaya si Alyana sa pinapasukang raket para makaipon ng sampung milyon? O hahayaan niya ang lahat ng pinaghirapan kapalit ng konsensya niya at ang namumuong damdamin para kay Jeffrey?
103.3K viewsOngoingAdded to Library 73 Times as damsel plot
Read
+Library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status