Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Mine Even After Divorce

Mine Even After Divorce

Habang nasa ika-anim na buwan ng pagbubuntis, nahuli ni Marikit Valejo ang sariling asawa na may ibang babae sa mismong araw ng kaniyang prenatal checkup. Mabigat ang kaniyang katawan dahil sa pagdadalantao, gusot ang buhok, at hirap siyang alalayan ang lumolobong tiyan habang palihim siyang pinagtatawanan ng mga tao sa ospital. Mas masakit pa rito, tinawag siyang “losyang” ng bata at magandang kabit ng kaniyang asawa—habang walang pakialam na hinayaan iyon ng lalaki. Ngunit bago naging ganoon ang lahat, si Marikit Valejo ang dating pinakamarikit na babae sa kanilang panahon—tulad ng kanyang pangalan. Subalit naniwala si Mikael na ginamit lamang ni Marikit ang kaniyang katawan upang makapasok sa alta sociedad at mapalapit sa pamilyang Altaverde. At dahil doon, malamig nitong inihain ang divorce paper, bago pa man siya makapanganak. Pagkatapos manganak, nilagdaan niya ang mga papeles at tuluyang naglaho. Limang taon ang lumipas. Nagbalik si Marikit bilang isang makapangyarihang negosyante sa industriya ng cosmetics at luxury brands. Mas maganda, mas makapangyarihan, at isa nang business tycoon na may hundred of billions networth. Bukod pa roon, siya na ngayon ang babaeng pinag-aagawan ng mga elite bachelor sa Pilipinas. Habang ang lalaking dating itinapon siya— si Mikael Altaverde hindi pa rin pala tuluyang naka-move on. Dahil kahit matagal na silang hiwalay, hindi pa rin pirmado ni Mikael Alteverde ang annulment papers. At nang mag-file muli si Marikit para tuluyan na siyang makalaya sa kasal na iyon, bigla na lamang naging baliw sa selos ang lalaking minsang tumanggi sa kaniya. “Subukan mong magpakasal sa iba, Marikit…” paos nitong bulong. “at susunugin ko ang buong mundo para pigilan ka.”
9.7106.8K viewsOngoingAdded to Library 2.4K Times as dramacool com pa
Show Reviews (29)
Read
+Library
Shirly Mangaong Manuel
Sana gawin mong 10 ang kabanata ms.author,,,nakaka nerbiyos naman yung mga eksena ngayon,,sana pakiligin mo naman kami konti sa love story ni Mari at Karl,, basta sila yung team ko hanggang ending...happy family pa rin..ngayon pa lang nagluluksa na si tisoy ,raiko professor at si afam,,,huhuhu...
Alyssa Ynnas Navier Al-yanne
feel ko author itong c raiko May alam sa feelings ni Kael hindi LNG Nia masabi sabi. baka my mga lihim sila na DPA tlga na ekwento.hmm interesting tlga,lalo pa at my picture c Kael Ky Mari..naku author kng magpapa quiz ka baka masagot na nmin ung iba haha.haysst uunahan tlga c author e.
Read All Reviews
Love in the Line of Fire

Love in the Line of Fire

Bata pa lamang si Anya ay ang pangarap nya lamang ay mamuhay ng simple at payapa. Pero mukhang 'di naaayon sa kanya ang kapalaran ng maging ulila at magpalaboy laboy sa lansangan. Hanggang sa ma kindnap siya ng pinaka malaking crime syndicate sa bansa. Kinailangan nyang gawin at sundin lahat ng iaatang na mission sa kanya upang mabuhay. Sa kabila ng lahat ay pangarap nya pa ring mamuhay ng simpleng tao lamang. Isang mission ang nilaan para sa kanya kapalit ng kalayaan nya. Ang magpanggap bilang ibang tao at maging fiance ni Christian Oliver Carter. Paano kaya matatagalan ni Anya ang ugali nito? Magagawa nya kaya ang mission na 'to kong ang lihim ng nakaraan ay mabubunyag? Paano kong hindi na naman sumang-ayon sa kanya ang kapalaran at gusto na namang guluhin ang buhay nya? Makakalaya pa kaya siya sa mundong ginagalawan nya?
107.6K viewsOngoingAdded to Library 174 Times as dramacool com pa
Read
+Library
Kabit Ako Ng Kabit Ako

Kabit Ako Ng Kabit Ako

"Masama man ay naakit akong makipag-relasyon. Kahit pa, maging kabit ako ng kabit  ko." —Eve Blurb    I'm Kaytei  Aghubad, bata pa lamang ay pinangarap kong magkaroon ng buo at masayang pamilya. Katulad sa Mommy at Daddy ko. Hanggang sa mawala sila ay hindi nila iniwan ang isa 't isa. Nakilala ko si Renton, unang nobyo ko. Akala ko ay siya na ang tutupad sa pangarap ko. Ngunit nauwi sa wala ang aming pagsasama. Lumipas ang isang taon nakilala ko si Hardin. Muli akong sumugal sa pag-ibig, dahil naniniwala ako sa kasabihan na nasa ikalawang asawa ang swerti. Tama naman sila, dahil naging masaya ako sa piling niya. Tuluyan niya akong iniuwi at hindi ko aakalain ang daratnan sa bahay nila ang kambal niya na si Lordin. Masama man ay naakit akong makipag-relasyon. Kahit pa, maging kabit ako ng kabit  ko...
101.1K viewsOngoingAdded to Library 21 Times as dramacool com pa
Read
+Library
A LOVE HIDES BY FATE

A LOVE HIDES BY FATE

Fiercelywrites
Paano kung ang lalaking nakabuntis sa iyo ay ang lalaking pinapangarap mo ngunit siya rin kapatid ng kasalukuyan mong nobyo? Ano ang gagawin mo? Si Cherry Lastimosa ay may lihim na pagtingin kay Lennox Villiariano, ang kapatid ng kanyang nobyong si Lennon Villariano. Dahil sa isang gabing pagkakamali, nangyari ang hindi dapat. Lihim nang iniibig ni Cherry si Lennox noon pa man ngunit alam niyang hindi siya gusto nito kaya ginamit niya ang kapatid nitong si Lennon upang mapalapit dito. Isang gabing pagkakamali, kapalit ng buong buhay niyang pagsisisi. Handang panagutan ni Lennon si Cherry kahit pa alam niyang hindi siya ang ama ng dinadala nito. Ngunit paano kung malaman ni Lennox na siya ang tunay na ama ng dinadala ni Cherry? Makuha pa kaya niya ito gayong handa ang kapatid niyang panagutan ang babaeng dapat ay sa kanya?
102.2K viewsOngoingAdded to Library 70 Times as dramacool com pa
Read
+Library
Maid for YOU

Maid for YOU

Dala-dala ni Sofia ang kanyang nakuhang gamit nang tumakas ito sa kanilang mansyon. Narinig kasi nito na kailangan nyang makasal sa isang biyudong matandang bilyonaryo na kaibigan ng pamilya nito kaya naman sa takot nito ay naisipan nyang maglayas na lamang. Namasukan bilang maid si Sofia sa mansyon ng mga Monteverde, at naitago nito ang kanyang katuhan bilang isang heredera ng pamilyang Del Mundo. Pero habang naroon si Sofia sa mansyon ay unti-unting nakikilala nito ang pagkatao ng binata at hindi inaasahan ay nagkamabutihan ang dalawa at minsan pang nagsalo sa isang mapusok na tagpo. Lumipas pa ang buwan ay mas nakikilala ni Sofia ang kasintahan na si Benedict. Dumating ang kinatatakutan ni Sofia nang malaman nito na ang lalaking mahal nito ay apo ng matandang bilyonaryo na nakatakdang ipakasal sa kanya kaya agad itong umalis sa mansyon. Lumipas pa ang ilang buwan ay hindi pa rin natatagpuan ni Benedict ang babaeng kanyang pinakamamahal, ilang mga detectives na rin ang inutusan nito para hanapin ang dalaga, maging ang pamilya ni Sofia ay hindi na rin mapakali kung nasaan ang kanilang nag-iisang heredera. Hindi na malaman ni Benedict kung makikita pa ba niya ang dalaga o mananatili na lang isang masayang alaala ang pag-iibigan nilang dalawa?
101.5K viewsOngoingAdded to Library 46 Times as dramacool com pa
Read
+Library
My Love From The Year Of 1942

My Love From The Year Of 1942

malditah
Si Lilac Bacani ang nag-iisang babaeng heneral na namuno at lumaban sa mga hapon kasama ang kanyang hukbo noong panahon ng pangalawang digmaang pandaigdig. Isa siyang matapang na heneral at nirerespeto ng lahat. Ngunit dahil sa pagtatraydor ng taong pinagkakatiwalaan niya ng labis ay in-ambush sila ng mga sundalong hapon na nagdahilan ng pagkamatay ng mga sundalo niya at pati na rin siya. Ngunit sa halip na umakyat sa langit ay nag-travel ang kanyang kaluluwa patungo sa taong 2022 at nagising siya sa katawan ng isang twenty years old na babaeng bagong kasal pa lamang na si Gwen Del Rio na kamukhang-kamukha niya. Paano mapaninindigan ni Lilac ang kanyang bagong katauhan sa makabagong mundo na hindi niya kabisado ang kapaligiran at sa katauhan pa ng isang dalagang binu-bully ng mga kamag-anakan nito? At paano kung umibig siya sa asawa ni Gwen ngunit matutuklasan naman niya na may isa pang katauhan si Lander na inililihim nito sa lahat? Makakaya ba niyang harapin ang pangalawang pagta-traydor na magaganap sa kanyang buhay? Makakaya pa ba niyang patuloy na mahalin ang apo ng taong dahilan kung bakit siya namatay kasama ang kanyang mga kasundaluhan noong nasa taong 1942 pa siya at ang taong nag-iwan ng malalim na pilat sa kanyang dibdib?
1.6K viewsOngoingAdded to Library 49 Times as dramacool com pa
Read
+Library
OBSESSION SERIES 1: Harley Callanta

OBSESSION SERIES 1: Harley Callanta

Miss_Terious02
Harley Callanta is one of the youngest governor in San Miguel. At the age of 25, he is already a governor. He followed the footsteps of his father who was also a former governor of San Miguel. Kaya bilang isang governor ng kanilang lalawigan ay dapat malinis ang kaniyang pangalan. Ngunit nang makita niya ang isang babae na mas bata sa kaniya ay mukhang gagawin niya ang lahat kahit na madungisan pa ang kaniyang pangalan. Ayaw niyang maagaw pa ng iba ang babaeng matagal niya ng hinihintay. Nasa tamang edad na rin si Jane Requez kaya hindi na napigilan pa ni Harley na bakuran na ang dalaga. At dahil takot sa sasabihin ng mga tao sa kaniya, pinipilit umiwas ni Jane kay Harley. Ngunit ang governor naman ang lapit nang lapit aa kaniya. Hindi niya kayang ipaglaban ang nararamdaman niya para kay Harley. Takot siya sa sasabihin ng mga tao. Nang malaman ng mga tao ang tungkol sa kanila ni Harley ay nag desisyon si Jane na umalis ng San Miguel at ipinagpatuloy ang matagal niya ng pangarap-ang maging fashion designer. At sa muli nilang pagkikita ay hindi pa rin sumusuko si Harley na ipaglaban ang nararamdaman niya para kay Jane. Ngunit kaya na bang ipaglaban ni Jane ang nararamdaman niya para sa Governor ng San Miguel?
1.5K viewsOngoingAdded to Library 32 Times as dramacool com pa
Read
+Library
The Substitute Bride of The Billionaire

The Substitute Bride of The Billionaire

Nangangailangan si Sapphire ng malaking halaga upang maoperahan sa puso ang kanyang ina kaya tinanggap niya ang alok ng kanyang ama, ang maging substitute bride. Ayaw kasi ng half-sister niyang si Fiona na magpakasal sa isang bilyonaryo na lumpo na nga, bulag pa at masama pa daw ang ugali. Aanhin daw ni Fiona ang pagiging bilyonaryo nito kung hindi niya ito maipagmamalaki sa kanyang mga kaibigan. Ngunit dahil nga pabagsak na rin ang kumpanya ng kanilang ama ay kailangan isa sa kanila ay magpakasal dito. Napatunayan nga ni Sapphire na masungit si Kaiden sa ilang linggong pananatili sa bahay nito. Pero inintindi na lang iyon ni Sapphire dahil sa kalagayan nito. Noong una nga ay nagalit pa ito dahil alam ni Kaiden na hindi siya ang dapat niyang papakasalan. Pinagbintangan pa siya ni Kaiden na pera lang at apelyido ang habol nito sa kanyang pamilya. Pero hindi sumuko si Sapphire hanggang sa unti-unti niya nakilala si Kaiden, napagtanto niyang isa itong mabuting tao at asawa sa kanya. Ngunit dito naman dadating ang iba't ibang pagsubok na susubok sa kanilang pagiging mag-asawa. Mga lihim na akala nila ay maibabaon na nila sa lupa. Malalampasan kaya nina Sapphire at Kaiden ang mga ito? O tuluyan na magkakaroon ng lamat ang kanilang pagsasama na hahantong sa pagkawasak nito.
10878 viewsOngoingAdded to Library 21 Times as dramacool com pa
Read
+Library
Me And My Husband's Paramour

Me And My Husband's Paramour

Buong akala ni Azariah na magiging masaya ang pagsasama nila ni Damon bilang bagong mag asawa pero magiging impyerno pala ang buhay niya kasama ito. Napaka babaero nang asawa niya kahit pa noong nobyo niya pa lamang ito. Hindi siya nag atubili nang binigyan niya ito nang maraming chance sa pag aakalang mag babago pa ito. Kaya niyang mag tiis sa lahat nang pananakit nito sa kaniya at mga pambababae nito pero ang hindi niya ma atim nang ibinahay nito ang isa sa mga babae sa sarili nilang pamamahay. Kaya kahit na masakit para sa kaniya ay siya na ang kusang lumayo at iniwan ang asawa niya. Kung hindi nito kayang mag bago para sa ikaaayos nang pag sasama nila wala nang halaga ang manatili pa sa tabi nito. Hanggang sa muling pag tagpuin nang tandahana ang landas nila nang dati niyang kaibigan. Nang mag tapat ito nang nararamdaman sa kaniya ay hindi niya na ito pinakawalan pa. Mabait ito at masasabi niyang malayong malayo ang ugali nito sa ex-husband niya. Ito na nga ba ang lalaking mag mamahal sa kaniya nang totoo at hindi siya sasaktan? mahanap niya kaya rito ang pag mamahal na matagal niya nang inasam asam? o katulad lang din ba ito nang dati niyang asawa na sasaktan lang siya at lolokohin.
105.5K viewsCompletedAdded to Library 143 Times as dramacool com pa
Read
+Library
Savage Billionaire Series 3: Romano Silerio

Savage Billionaire Series 3: Romano Silerio

Nadurog ang puso ni Analyn nang matuklasan niya ang relasyon ng nobyo niyang si Josh at ng matalik niyang kaibigang si Cristina ilang araw na lang bago ang kasal niya sa binata. And the worst of all, binaliktad pa siya ng dalawa at pinalabas na siya ang nagloko para hindi masira ang imahe ng mga ito. Brokenhearted, she went to a resort and spent one week there to pick up the broken pieces of her life. Sa pananatili niya sa resort ay nakilala niya ang isang gwapo at matipunong lalaki— si Romano Silerio. Dahil sa labis na pighati ay nagpakalasing siya sa resort hanggang sa nagising na lang siya nang sumunod na araw sa hotel suite ng binata, naked and feeling the soreness in between her thighs. It was when she realized that she had a one-night stand with the man! Ang buhay niyang dati nang magulo ay sadya pang nagimbal dahil sa pagdating nito sa buhay niya. At may pakiramdam siyang mas magugulo pa iyon lalo pa't muling pinagtagpo ang mga landas nila ni Romano pagkatapos ng mainit na gabing pinagsaluhan nila sa resort. May tiyansa pa bang bumalik sa normal ang buhay niya ngayong may isang proposition na inaalok sa kanya si Romano? "Don't stay broken because of what your cheater boyfriend did. Forget him and just marry me instead..." Would Analyn accept it?
1045.8K viewsCompletedAdded to Library 1.6K Times as dramacool com pa
Read
+Library
PREV
1
...
1920212223
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status