Betrayed by the Billionaire, Wedded to the Tycoon
Ethan was the perfect man-sweet, gentle, at mahal ni Alyanna. O iyon ang akala niya.
Sa likod ng lahat ng iyon ay isang matinding pagtataksil na tuluyang sumira sa paniniwala niya sa pag-ibig. Ang babaeng inakala ni Ethan na mahina ay nawala na.
Ngayon, siya na si Arabella Selene Madrigal Dela Vega-malamig, matapang, at hindi na kailanman magpapagamit muli.
Isang arranged marriage ang nagbuklod sa kanya kay Giovanni Octavian Russo, isang makapangyarihang business tycoon na sanay makuha ang lahat ng gusto niya. At ang gusto niya ngayon-si Arabella.
Dalawang beses nang nauwi sa wala ang kanilang kasal dahil sa pagtutol niya. Pero sa pangatlong pagkakataon, hindi na siya pakakawalan ni Giovanni.
Sa ilalim ng iisang bubong, unti-unting mabubuo ang damdaming hindi nila inaasahan. Mga lihim ang mabubunyag. Ngunit nang bumalik ang unang lalaking minahal ni Arabella-ang lalaking sumira sa kanya-napilitan siyang mamili.
Between the past that broke her and the tycoon who refuses to let her go, will Arabella surrender to love... or lose herself again?