Ang Talaarawan ni Corazon
Ngunit mali ng pag-aakala ang don, dahil nagtitimpi lamang ang ginoo at nagbabalak na pabagsakin ang sariling ama at ang pamilya nito.
Ang pagbabantay sa mga paghahakot ng palay at pagtatago nito sa bodega ay nagbigay ideya kay ginoong Gregorio kung paano pabagsakin ang sakim na pamilya. Nakilala niya dito si Jose Alfarero, isang ama na kabalikatran sa kaniyang sariling ama. Nagkaraoon ng kasunduan ang dalawa na pabagsakin ang pamilya Fetalino kaya inutusan niya itong maglista ng kung ilan ang mga itinago at ibenenta ng mga Fetalino. Magkaiba man ang kanilang dahilan, parehas naman ang kanilang layunin.