Pretty You
“Naiintindihan ko. Basta kapag kailangan mo ako ha, magsabi ka.”
Sumaludo naman ako sa kaniya.
“Yes, master.”
Ngumiti naman siya at naglakad palapit sa akin pagkatapos ay inakbayan niya ako. Felize is a very transparent person. Kapag masaya siya, makikita iyon sa ekspresiyon ng kaniyang mukha. Ganoon din kapag malungkot siya o hindi kaya kapag may pinagdadaanan. Habang ako naman ay walang sinuman ang kayang magbasa ng emosyon ko. Puwede akong ngumiti kahit may pinagdadaanan ako. At kapag nakita nilang nakangiti ako, ang nasa isip nila, okay ako, na masaya ako kahit hindi naman talaga.
Bab Populer