Mga Anak ng Bilyonaryo
Napapagod na rin siya at ayaw na niyang umasa.
"Kung para sa'tin, ibibigay at ibibigay iyon ng Diyos, Madam," pagpapaintindi pa ni Gael sa kanya.
Tahimik siyang tumango. Isusuko na lang niya lahat sa Diyos.
"Kung meron, thank you, kung wala, thank you pa rin. Mas importante ka sa'kin, Madam. Hindi naman kita minahal para lang magka-anak," bulong pa muli sa kanya ni Gael.