From Cradle to Heart: The Billionaire’s Hired Nanny
- Tuition Fee I: ₱200,000
- Tuition Fee II: ₱325,000
- Tuition Fee III: ₱350,000
- Laboratory Fee: ₱60,000
- Basic Tuition per Semester: ₱150,000
- Additional Fee per Unit: ₱475,000"
Ipinakita ni Cresia ang breakdown ng gastos sa isang top university para sa medisina.
Namulagat si Reinella sa mga numerong nakita.
"Ito kung makakapasa ka sa university na ito. Kung hindi, pwede kang sumubok sa iba," aniya, habang inaabot ang isa pang brochure.
Lalong sumikip ang dibdib ni Reinella nang makita ang presyo. Kahit anong ipon niya, hindi ito aabot. Kung hindi siguro sa mga Montgomery siya nagtatrabaho ay baka mahirapan siyang bunuin ang malaking halagang utang niya kay Carmina, at buwan-buwan pang
Bab Populer