Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Luna Rossa

Luna Rossa

Tan Jiro Alvez
Payapang namumuhay si Dea kasama ang kaniyang pamilya sa isang kagubatang malayo sa sentro ng Malefica-ang kaharian ng mga mangkukulam. Ilang taon na silang naninirahan dito upang makaiwas sa namumuong sigalot sa pagitan ng mga kauri niyang mangkukulam at bampira. Ngunit isang madaling araw, isang halimaw ang umatake sa kanilang tirahan at walang awang pinaslang nito ang kaniyang ina at nakatatandang kapatid na babae. Hindi pa nakuntento ang halimaw at ginawaran ng isang sumpa ang kaniyang bunsong kapatid. Naging isang mabangis na halimaw ang kaniyang kapatid at halos hindi na makilala pa dahil sa pagbabagong anyo nito. Sa araw ding iyon, nagtagpo ang landas ni Dea at ang reyna ng mga mangkukulam. Sinabi nito sa kaniyang isang bampira ang halimaw na lumusob sa kanilang tahanan at ang may kagagawan sa lahat ng kaguluhang nangyayari sa buong Malefica. Ang pangalan ng bampirang ito ay Trevor Hemlock. Namuo ang matinding galit sa puso ni Dea at nangakong ipaghihiganti ang sinapit ng kaniyang pamilya.
105.9K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Dela Cerna's Other Woman.

Dela Cerna's Other Woman.

BLURB, Napilitan si Nica Mae Romero na mamasukang katulong/ driver sa mansyon ng mga dela Cerna, kung saan namamasukan bilang family driver ang kanyang ama. Ngunit nagkasakit naman ang kanyang ama kaya kailangan nitong tumigil sa pagtatrabaho. Dahil sa marunong naman din siya at maalam sa mga sasakyan ay siya na ang kinuhang kapalit na driver, dahil na rin sa pakiusap ng kanyang ama at ng tiyahin niya na mayordoma sa mansyon. Sa pagpasok niya bilang katulong at driver sa mga dela Cerna, ay hindi niya inaasahan na mahuhulog ang loob niya sa kanyang among lalaki. Alam niyang hindi pwede ang kanyang nararamdaman, dahil nakatali na ang puso ng lalaking kanya ng minamahal. Paano niya mapipigilan ang kanyang damdamin kung sa araw-araw ay nakakasama n'ya ang lalaki? Papaano niya pa susupilin ang nararamdaman, kung alam niyang nahuhumaling na rin sa kanya ang amo niya? Magkaroon kaya ng happy ending ang nararamdaman nila para sa isa't isa, gayung kasal si Arnel kay Romary?
Romance
1020.0K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Palitan ang Tadhana, Bagong Simula

Palitan ang Tadhana, Bagong Simula

Sa mismong araw ng aming kasal, ang childhood sweetheart ni Hansel Lennox na si Nara Sullivan, ay nagbantang tatalon mula sa isang gusali. Hindi niya ito pinansin at itinuloy ang kasal. Ngunit nang talagang tumalon si Nara, saka siya nag-panic. Simula noon, palagi na siyang pumupunta sa simbahan, unti-unting naging isang deboto. Pinipilit pa niya akong bigkasin ang mga banal na kasulatan at lumuhod habang nagdarasal—lahat sa ngalan ng pagsisisi sa aking mga kasalanan. Dahil sa kanya, nawala ang aking anak. Sa araw na nakunan ako, gusto ko nang makipag-divorce. Ngunit sinabi niyang pareho naming pinagkakautangan si Nara, kaya dapat kaming magsisi nang magkasama. Ginamit niya ang aking pamilya upang takutin ako at panatilihin sa kanyang piling. Inaksaya ko ang buong buhay ko para sa kanya. Ngunit pagmulat ko ng aking mga mata, bumalik ako sa mismong araw ng aming kasal. Sa pagkakataong ito, ako mismo ang magtutulak kay Hansel kay Nara. Ako naman ang magpapahirap sa kaniya.
Cerita Pendek · Romance
1.1K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Destined to be the Billionaire's Wife

Destined to be the Billionaire's Wife

Pilit na ipapakasal si Ayesha ng kanyang mga magulang sa lalaking hindi naman nya kilala upang matulungan na makaahon ang kanilang kumpanya. Dahil sa inis ni Ayesha ay nagpunta sya sa isang bar kung saan may naka one night stand sya. Hindi nya inaasahan na magbubunga pala ang pakikipag one night stand nya sa isang lalake dahil sa kanyang kalasingan. Nang malaman ng mga magulang ni Ayesha na nagdadalang tao sya ay hindi na pinatuloy ng mga ito ang kasal pinaalis siya ng kanyang mga magulang sa syudad at pinatira sa isang probinsya hanggang sa ito ay manganak. Lilipas ang ilang taon at magbabalik si Ayesha sa syudad at kinailangan nyang maghanap buhay para sa kanila ng anak nya dahil wala na syang ibang aasahan pa ngayon kundi ang sarili na lamang nya. Sa pagbabalik nya sa syudad, hahanapin pa ba nya ang lalaking naka one night stand nya? Makikilala pa kaya nya ang lalakeng nakasama nya noong gabi na yun gayong lasing sya ng mga panahon na yun?
Romance
9.752.3K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Chasing Justice

Chasing Justice

Dalawang puso ang tumitibok at naglalayong magpaalab ng sumibol na pag-ibig sa hindi inaasahang pagkakataon at panahon. Ang pag-ibig na hindi mapapantayan ang inaalay ni Brael Montegarde at Hasumi Mitsunabi sa isa't isa. Ilang beses na pinaghiwalay ng tadhana subalit muling natatagpuan ang mga sariling tapat na sumisinta sa isa't isa at pinipiling iraos ang pag-ibig na pilit hinahadlangan ng mga taong nakapaligid sa kanila. Isang trahedya sa nakaraan ang muling binabalikan ng kasalukuyan. Ang madugong pagpatay sa mga magulang ni Brael at ang bangungot na patuloy na gumugulo kay Hasumi ay tila ba konektado.  Sa pagsiwalat ng katotohanan ay magugulantang ang mga pusong nagiibigan. Ang pumatay sa mga magulang ni Brael ay ang babaeng minamahal niyang si Hasumi.  Layunin ni Brael Montegarde ang maghiganti sa taong pumaslang sa mga magulang niya. Subalit guguluhin ng pagmamahal niya ang paghangad niya ng hustisya.  Kaya niya bang paslangin ang babaeng mahal niya? O mananaig ang pag-ibig na napunla sa mga puso nilang lubos na nagmamahal sa isa't isa?
Romance
104.3K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
LOVE GAME WITH THE COLD CEO

LOVE GAME WITH THE COLD CEO

Forbidden Flower
Minahal ko siya sa kabila nang malamig niyang trato sa akin, ngunit sa huli ay parang basura niya lang kung itapon ako sa pagbabalik ng kaniyang unang pag-ibig. Pero hindi ako papayag na mauwi sa wala ang mga araw na natitira sa akin. Hindi mo na ako maaangking muli, President Riego!
Romance
1.6K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Seduce my husband CEO tagalog

Seduce my husband CEO tagalog

Maagang Nakipagasawa si lovely sa lalaking Akala niya ay mahal siya. At sa kagustuhan din Ng ama Ng binta na makasal Ang mga ito. Pero Hindi Pala niya alam na Ang taong pinakasalan niya ay may ibang mahal. Lagi siyang sinasaktan ito. At lagi niyang pinaparamdam sa kanya na Wala siyang gusto dito. Kaya iniwanan niya ito dahil na Rin sa Hindi na niya matiis Ang lahat Ng pinaggagawa ni Kiel sa dalaga. Dahil na Rin sa tulong ni Joel na isang CEO Ng golden Builders Company ay nakaalis si lovely sa puder ni Kiel. Pero sa Hindi niya inaasahan ay buntis Pala ito sa anak ni ni Kiel. Nakapahanap ito Ng magandang trabaho dahil engineering Ang kinuha nito ay nakapag apply siya sa malaking company sa ibang bansa.Pero sa pagbabalik ay gagawin niya. Ang lahat para makuha Ang atensyon Ng dating Asawa.
Romance
122.8K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
The CEO's Rival Bride

The CEO's Rival Bride

Para sa kanilang kompanya, si Shaniqua ay pumayag sa isang arranged marriage sa lalaking kanyang pinakakinaiinisan—si Elijah Dominique Falviom. Kilala si Elijah Dominique bilang pinakabata ngunit successful na CEO sa buong Pilipinas. Kilala rin siya because of his looks and being the top student sa kanilang paaralan. Sa kabilang dako, si Shaniqua Vesper Aguincilló naman ay anak ng may-ari ng kompanyang palubog na sa utang. At para maisalba ang kompanya, napilitan si Shaniqua na ikasal kay Elijah, ang kanyang academic rival sa parehong paaralan. Matapos ang kanilang minadaling kasal ay nagkasundo silang magpanggap na sweet married couple sa harap lamang ng pamilya nila at pumayag naman si Shaniqua sa kasunduan na ito. Pero paano kung sa hindi inaasahang mga pangyayari, ang pagpapanggap na iyon ay naging katotohanan? Unti-unting nahulog ang loob nila sa isa’t isa nang hindi nila namamalayan.
Romance
10415 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
UNEXPECTED LOVE

UNEXPECTED LOVE

Dark Ash
Napilitan siyang pakasal sa isang lalaking hindi naman niya minahal,,kong para sa iba ito ang Ideal man nila,nasa kay Tyrone Kim na ang lahat,Gentleman,gwapo,mayaman at kilalang magaling na Doctor,pero tinalikuran nito na profession para sa posisyon sa kompanya. Kaya lang tunay ngang hindi matuturuan ang puso na magmahal,,Dahil para kay Vanessa si Kent Zhang lang ang lalaki para sa kaniya.. Ang matagal na niyang pangarap,ang binatang hinintay niya ng matagal,,ang lalaking pinaglaanan niya ng pagmamahal..Magagawa niya kayang pagtaksilan ang asawa para kay Kent Zhang? Sa hindi inaasahang pagkakataon dumating sa buhay nila ang isang batang babae! Ano kaya ang ugnayan nito sa kanila! Nagkataon lang ba ang lahat? O may tinatagong lihim sa kaniya ang asawa! Sino ba talaga ang batang babae na bigla nalang dumating sa buhay nila! Position ba talaga sa kompanya ang dahilan kong bakit nagpakasal sa kaniya si Tyrone o may mas malalim pang dahilan! Paano kong Malaman mo na ginagamit ka lang niya para makaganti sa pamilya Ng iyong Asawa ?at Ang taong halos isuka Muna ay unti-unting lumalayo na sayo?
Romance
1.4K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Dark Boss 1: The Glass Slippers

Dark Boss 1: The Glass Slippers

cicatrizexxx
Hindi makatarungan ang pagaaruga ng kanilang mga magulang sa kanilang magkapatid. Mas pinapaburan ng mga ito ang kanyang kakambal. Nang dahil lamang sa isang kasunduan, itinakda ang kanyang kapatid sa isang lalaki. Sa araw ng kasal ay nakiusap si Bella sa kanya na siya ang humalili rito upang itali sa lalaking kailanman ay hindi niya pa nakikita ang mukha. Nabuhay siyang malungkot at nag-iisa sa loob ng mga taong siya ay may asawa na. Taliwas ito sa kanyang nakasanayang pamumuhay bilang isang suwail na anak. Nakukuha lamang nitong suportahan siya sa kaniyang mga pinansyal na pangangailangan. Dahil rito parang nabuhay ulit ang dating siya. Hindi siya makakapayag na maging sunod-sunuran sa lalaking kailanman ay hindi niya pa nakikilala. Parang nakikisama sa kanya ang pagkakataon at nakadaupang-palad niya ang kanyang kababata na binigyan niya noon ng kanyang babasaging tsinelas at sa hindi inaasahang pagkakataon ay hindi niya mapigilan ang tawag ng laman ng kanyang pumipintig na pagkababae. Handa na ba makipagsapalaran si Hyacinth Herrera sa init na kaniyang pinasok? Mananaig kaya ang sensasyong hatid ng kababatang si Thaddeus Siriad Vanesteri o ng asawang si Dairis Vaughn Conor?
Romance
101.5K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
3536373839
...
50
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status