Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Hinahanap Ng Puso

Hinahanap Ng Puso

Plinano na ni Quincy na ibigay ang kaniyang virginity sa kaniyang fiancée na si Fern dahil malapit na rin silang ikasal. Ngunit isang hindi inaasahan ang nangyari matapos ang bridal shower ng gabing iyon. Imbes na si Fern ang nakatalik ni Quincy, ang kakambal nitong si Hiro ang nakasiping niya ng gabing iyon! At hindi inaasahang magbubunga ang isang gabing pagkakamali nila ng lalaking matagal na niyang kinalimutan noon.
Romance
878 viewsOngoing
Read
Add to library
Napoleon Rose

Napoleon Rose

Sa edad na bente otso ay kilalang kilala si Laura Samonte sa loob at labas ng bansa. Tinaguriang syang dead threat eater sa mundo ng pagaabugasya, marami na syang naipakulong na kilalang tao na sumalungat sa tama at katotohanan. Ayaw man pero napilitan si Laura na pumayag sa kahilingan ng kanyang Ama na maghire ng body guard na poprotekta sa kanya umaga man o gabi. Don't steal my story, this is my original. No part of this book maybe reproduced, disturbed, or transmitted in any form or by any means or stored in a datebase or retrieval system without thr prior permission of the author.
LGBTQ+
9.517.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Married to Ugly Woman

Married to Ugly Woman

Pinakasalan ni Andrew si Hannah dahil sa palugi na ang kanilang kumpanya. Napabayaan niya ito dahil sa pagkaaksidente na nangyari kay Ashley. Hindi akalain ng lalaki na ang mapapangasawa niya ay kabaliktaran ng itsura ng kanyang Girlfriend na si Ashley. Samantalang nagpapanggap lang pala si Hannah na pangit para malaman kung ano ang tunay na ugali ni Andrew. Dahil sa napilitan silang magpakasal ay hindi matanggap na isang pangit ang kanyang Asawa. Ano kaya ang magiging buhay ni Hannah sa kamay ng lalaki? Paano niya pakikitunguhan ang ang lalaki kung nandidiri ito sa kanya?
Paranormal
8.713.5K viewsOngoing
Read
Add to library
I'm Married To My Scumbag Ex's Uncle

I'm Married To My Scumbag Ex's Uncle

Natuklasan ni Lilibeth ang pagkatatksil ng boyfriend niya na si Joliever matapos niyang makita ang sex video nito sa kaniyang phone. Nagbanta si Beth na magbabayad si Joliever sa panloloko na ginawa niya. Dahil doon, napagtanto ni Joliever na upang protektahan ang kanyang reputasyon, kailangan niyang sirain una ang reputasyon ni Lilibeth. Sinet-up niya si Beth upang ipag@hasa sa iba upang kaniyang masira ang dangal na iniingatan nito. Ngunit dahil sa kamalian ng mga tauhan niya, nailagay nila si Lilibeth sa maling kwarto. Ang kwarto kung saan pinasukan ng isang estranghero na siyang sinukuan niya ng kaniyang pagkabirhen. Wala siyang kaalam-alam na ang estrangherong iyon ay walang iba kun’di si Lucio, ang uncle ni Joliever, na pinakamayamang bilyonaryo na galing sa angkan ng Floreza.
Romance
1045.4K viewsCompleted
Show Reviews (26)
Read
Add to library
Angelica Sahi
ito Yung book na sobrang napaka chill lang lahat ng greenflag na hanap ng Isang girl ee nasa character na ng guy..Sana all diba?hehe kung gusto nyong kiligin at tumaas na nman Ang standard sa Isang lalaki naku basahin nyo na to..hehe
Ma Sofia Amber Llanda
1 na namang magandang kwento ang hatid ni author sa aming mga readers maraming salamat sa patuloy mong pagjahatid sa amn Ng magagandang love stories na talaga nmn aabangan mo mula umpisa hanggang wakas
Read All Reviews
Never Tame A Beast

Never Tame A Beast

(Ship of Temptation 3) Si Olie ay inampon ng isang mayamang matandang lalaki na walang kakayahang magkaanak. Gusto ng adoptive father niya na mapalapit siya kay Cly, a mentally retarded person, for a marriage proposal. Nais ng ama ni Olie na makuha ang kayamanan ni Cly sa pamamagitan ng kasal, na iniwan ng mga magulang nito. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, nalaman ni Olie ang pagpapanggap ni Cly. Natakot siya at tumakas lalo na ng gusto ni Cly na ikulong siya at angkinin. After 8 years, nagkita muli si Cly at Olie. But this time, may boyfriend na si Olie na iba na kaibigan ni Cly. Anong gagawin ni Cly para mabawi si Olie? Magpapatuloy ba ang nasimulan nila noong una? O tuluyan ng sarado ang puso ni Olie sa kaniya?
Romance
1014.6K viewsOngoing
Read
Add to library
ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE

ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE

MATURE CONTENT ______ Sagad sa buto ang galit ni Lawrence kay Asha simula pagkabata. Sinisisi niya ang nanay nito na kabit ng kaniyang Daddy at naging sanhi ng pagkakasakit ng kaniyang Mommy na humantong sa pagkamatay nito. Pero paano kung itakda sila ng ama mismo ni Lawrence na magpakasal? Sa labis na galit ni Lawrence dahil dito ay pinarusahan niya si Asha at ginawa niyang parausan dahilan para pilitin ni Asha ang ama ni Lawrence na kanselahin na ang pagpapakasal nila. Iyon naman ang gusto ni Lawrence pero bakit habang nilalandi siya ng ibang babae ay si Asha ang naiisip niya? Maamin niya kaya sa sarili niya na ang matinding pagkamuhi na nararamdaman niya noon ay unti unti ng nagiging pagmamahal na pala?
Romance
1084.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Loved and Chained

Loved and Chained

A rebellious woman and a policeman. Will she accept that she was loved and chained by him? Tunay nga na kapag tumitigas ang ulo ng isang bata, kailangang dinidisiplina. Pero sa kaso ni Gisselle na dalaga na, hindi niya matanggap na dinidisiplina siya ng isang pulis na hindi niya naman kilala. Ang nais niya lang naman ay magrebelde dahil sa sama ng loob niya sa sarili niyang ama na dating pulis, na aniya’y tila wala naman daw sa katuwiran, at abusado sa karapatan ng kababaihan. Naging party girl siya dahil sa mga barkada niya at sinasadyang magpa-late ng uwi upang inisin ang kaniyang ama. Pero ang hindi niya alam, iyon na pala ang huling beses na magagawa niya ang mga bagay na ’yon. Nahuli siya ng mga pulis sa kalsada nang hating-gabi, at naging buena manong curfew violator sa gabing iyon. Napatawan siya ng community service sa loob ng isang buwan. Naiinis siya sa tuwing nakakakita siya ng mga pulis, lalo na ang lalaking hindi niya inaasahang makikilala niya. Naiinis siya lalo dahil desidido itong palambutin ang ulo niya. Tahimik lamang itong lalaki pero walang sinoman ang kayang bumali sa mga salita nito. Hanggang sa hindi niya namamalayan na nag-iiba na pala ang tingin at pananaw niya sa mga pulis, na hindi pala lahat ay masasama tulad ng iniisip niya noon. May tulad pa rin pala ni PCol. Carlos Joseph Guevarra na matino at disiplinadong pulis na magpapatino sa kaniyang rebeldeng pag-iisip. Lingid sa kaalaman ng dalaga, may lihim palang interes sa kaniya ang single at treinta y tres anyos na pulis. Kaya naman pala kahit na anong gawin niya ay pinapansin agad nito at todo kung makaprotekta sa kaniya. Papaano niya kaya mapipigilan ang lalaki kung siya mismo ay hindi ito magawang mapaikot sa mga kamay niya?
Other
1013.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Ang Pagbuko sa Impostor

Ang Pagbuko sa Impostor

Ikakasal na ang pinakapopular na babae sa amin noong high school. Inimbitahan niya ang lahat sa aming klase para sa kaniyang kasal. Gusto kong kumilos na parang hindi ko nakita ang message na ipinadala niya sa akin pero walang tigil niya akong tinag sa group chat. “Nagkunwari kang mayaman gaya ko noong high school, pero hindi kita masisisi sa ginawa mo. Sa totoo lang, iniimbitahan kita sa kasal ko bukas para makita mo kung paano maging isang tunay na mayaman.” Agad na nagsalita ang iba naming mga kaklase. “Napakabait mo talaga, Haley. Kaya hindi na ako magtataka kung paano mo nagawang pakasalan ang isang miyembro ng pamilya Baumer. Hindi ako makapaniwala na mapapatawad mo ang isang materialistic na kagaya ni Emma!” “Ano ba ang deserve ng isang kagaya ni Emma Larkin para makaattend sa kasal ni Haley? Masyado siyang mayabang.” Habang tumitindi ang mga pangiinsulto, umabante si Haley Stockwell para mapanatili ang kapayapaan sa chat. “Sige na, kalimutan na natin ang mga hindi maganda nating nakaraan. Hindi na ako naaapektuhan sa mga ito dahil masyado nang matagal mula noong mangyari ang mga iyon. Anyway, huwag na tayong maghinanakit kay Emma dahil masyado na itong mahirap at pangit.” Walang tigil na umulan ang mga papuri sa kaniya ng lahat sa group chat habang tinatawag siya ng ilan sa amin na mabait at inosente. Napasinghal ako sa aking nakita. Si Haley ang babaeng nagkukunwaring mayaman sa amin—ako ang tunay na tagapagmana ng isang mayamang pamilya pero pinalabas pa rin niya na sinungaling ako. Ginawa niya akong target ng mga pangiinsulto ng lahat. Tiningnan ko ang digital wedding invitation para makitang gaganapin sa aking villa ang kaniyang kasal. Mukha ring pamilyar ang kaniyang groom—hindi ba’t ito ang driver ng aking asawa? Ngumiti ako nang maisip ko ang mangyayari. Sumagot ako sa chat ng, “Sige! Kailangan kong umattend ng kasal mo!”
Short Story · Romance
795 viewsCompleted
Read
Add to library
True Love, True Heir (Filipino)

True Love, True Heir (Filipino)

Jay Sea
Yumaman na lang bigla si Stella dahil sa isang malaking bag na may lamang five hundred million pesos mula sa lalaking hindi nila kakilala ng kaibigan niya na si Janice na hinahabol ng mga kapulisan. Imbis na dalhin 'yon sa kapulisan ay hindi na lang nila ginawa sa takot na madawit pa sila. Umalis sila ng kaibigan niya sa tinitirahan nila. Gamit ang perang 'yon ay nagbago ang buhay nilang dalawa. Naging mayaman sila. Nagkaroon sila ng sariling negosyo at kompanya. Nakilala ni Stella si Elmo na nagmamakaawa sa kanya na bigyan ng trabaho dahil kailangan nito ng pera para mabuhay. Naawa siya sa lalaking ito kaya binigyan niya ng trabaho. Unang kita pa lang niya kay Elmo ay aminado na siya sa sarili niya na gusto niya ito. Naging malapit sila sa isa't isa hanggang sa magkaroon ng namamagitan sa kanila. Walang kaalam-alam si Stella na ang pagdating ni Elmo sa buhay niya ay ang magbubukas ng pinto sa nakaraan niya upang malaman niya kung sino nga talaga ang tunay niyang mga magulang at nagmamay-ari ng perang ginamit nila ng kaibigan niya na si Janice upang yumaman sila.
Romance
3.0K viewsCompleted
Read
Add to library
Woke Up Married To The Trillionaire (SPG)

Woke Up Married To The Trillionaire (SPG)

Satya Cordovez never imagined her simple life as a nanny could spiral into chaos overnight. It started with an invitation—an exclusive, high-society event na hindi niya dapat pinuntahan, pero sinama siya ng amo niyang mapilit. Sa unang pagkakataon, nakatikim siya ng mamahaling alak at sa sobrang saya ng gabing 'yun, she let her guard down. Lasing na lasing siya, her memories of the night a blur. Ang huling natatandaan niya ay ang mapanuksong ngiti ng isang lalaking hindi niya kilala at ang init ng kanyang tingin na tila ba siya lang ang nakikita nito sa buong kwarto. Kinabukasan, nagising siya sa isang kuwarto na napakalaki na parang kuwarto na ng isang hari. Napansin din niya na may suot na siyang wedding ring sa kanyang daliri. Sa tabi niya, naroon si Colter Alcazan, ang kilalang trillionaire na hindi lang makapangyarihan, kundi isa ring tanyag na bachelor na hinahabol ng lahat. “Good morning, Mrs. Alcazan,” bati nito sa kaniya na may confident na ngiti. “Wait, what?” Napaangat siya ng upo habang nanginginig ang boses at tinitingnan ang singsing sa kaniyang Daliri. “You’re my wife now,” sagot ni Colter, his voice dripping with authority. Satya’s life just turned into a whirlwind she wasn’t prepared for—and there was no way out.
Romance
103.9K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status