Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Woman of Heisen

The Woman of Heisen

Carmela Beaufort
Tatlong taon na ang nakararaan, may nangyari sa pagitan nina Tahira at ang kilalang most wanted na illegal firearm dealer na si Heisen Lindbergh. That night was obviously a mistake on her part, ang planong sanang pagkalap niya ng impormasyon tungkol sa lalaki ay nauwi sa isang one night stand. Ang masaklap, hindi niya alam na nagbunga ang gabing 'yon, saka na lamang niyang nalaman na buntis siya nang lumabas 'yon sa monthly check-up niya sa army. Bukod pa roon, mukhang nasa panganib din ang buhay niya dahil umabot sa kanya ang balitang pinaghahanap siya ng mga 'di kilalang tao. Sa huli ay nagpasya siyang magtago-tago sa takot din na madamay ang kanyang anak. Subalit hindi 'yon naging sapat nang malaman ng mga ito ang lokasyon niya. Sa pangamba na mawala sa kanya ang nag-iisa na lamang na pamilyang mayroon siya, ang kanyang anak na si Abegail. At sa hindi sinasadyang pagtatagpo muli ng landas nila ng ama ng anak na si Heisen, kinailangan niya tuloy ang tulong nito. Nagpanggap siyang lalaki at nag-apply na bodyguard nito. Isa sa benipisyo kapag nagtrabaho sa pamilya Lindbergh ay ang pangako ng mga itong proteksyon sa pamilya ng mga tauhan. Ngunit sa pananatili niya sa tabi ni Heisen may kakaiba siyang natuklasan sa ama ng kanyang anak...
Romance
3.4K viewsOngoing
Read
Add to library
The Broken Wife's Revenge: Her Husband And Sister Will Pay!

The Broken Wife's Revenge: Her Husband And Sister Will Pay!

Sa loob ng limang taon, buong pusong ipinaglaban ni Caelith Skyhart ang pagmamahal niya kay Lucienn Ashford. Siya ang lalaking itinayo niya mula sa pagkakadapa, minahal sa kabila ng lahat, at pinakasalan sa harap ng buong lungsod. Ngunit isang umagang tahimik, isang mensahe ang gumising sa katotohanang hindi niya kailanman inasahan—buntis ang kapatid niyang si Celene, at ang ama ay si Lucienn. Sa gitna ng pagkawasak, pagtataksil at sakit, kailangan ni Caelith na tumindig. Hindi para ipaglaban ang pagmamahal kundi para bawiin ang sarili at ang lahat ng itinayo nilang dalawa. Ito ay kwento ng isang babaeng minsang naging liwanag sa dilim ngunit ngayo’y naging apoy na handang lamunin ang lahat ng sumira sa kanya. Hanggang saan ka magmamahal kung ang taong pinili mo ay pinili ang iba?
Romance
10431 viewsOngoing
Read
Add to library
Abducted By My Father's Enemy

Abducted By My Father's Enemy

Halos pagsakluban ng langit si Ambria nang malaman niyang namatay sa brutal na paraan ang kanyang ama. Ngunit sa kabila ng bilin sa kanya ng kanyang ama na huwag uuwi ng Pilipinas ay hindi niya sinunod ito at umuwi siya upang ipagluksa ang pinakamamahal niyang ama. Ngunit nang pabalik na siya sa Europe upang ituloy ang kanyang Buhay ay hinarang ang kotseng sinasakyan niya patungong airport. Kinidnap siya ng armadong mga lalaki at ikinulong sa madilim na kuwarto. Hindi siya nakaramdam ng takot dahil alam niya ang kanyang kapalaran sa kamay ng mga kumidnap sa kanya at hinanda na niya ang kanyang sarili na mamatay at sumunod sa kanyang mga magulang. Ngunit paano kung hindi kamatayan kundi kasal sa Isang estranghero ang i-alok sa kanya upang makalaya? Papayag ka siya sa kasunduan? O papayag siya upang mahanap at makapaghiganti sa taong tumapos sa Buhay ng kanyang natitirang magulang?
Mafia
2.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Hiding the Engineer's Twins

Hiding the Engineer's Twins

Elara Calliope Borja is a working student. And at the age of 22, she got pregnant by her partner. Natatakot siyang ipaalam kay Xzavier dahil baka hindi nito matanggap ang kaniyang pinagbubuntis. Until one day she decided to tell Xzavier that she's pregnant. Labis ang kabang nararamdaman niya noong araw na iyon. Maayos pa ang pag-uusap nila noong una pero nang isingit na ni Elara ang tungkol sa dinadala niya ay labis itong ikinagulat ni Xzavier. Pero sa kabilang dako ay sobrang ikinatuwa ni Xzavier ang sinabi ni Elara. Hanggang sa pumasok sa isipan niya ang kaniyang ina. Ito ang dahilan kung bakit niya nasabi ang hindi niya dapat sabihin. At dahil nga sa sinabi ni Xzavier ay labis na nasaktan si Elara kaya napagdesisyonan niyang magpakalayo-layo at buhayin na lang mag-isa ang bata. Sa paglipas ng panahon ay paano na lang kung ang anak niya na mismo ang humiling na gusto nitong makita at makilala ang kanilang ama? Itutuloy pa ba ni Elara ang pagtatago sa kanila o gagawin na lang niya ang kagustuhan ng anak alang-alang sa kaligayan nila?
Romance
108.9K viewsCompleted
Read
Add to library
Hiding The Billionaire's Son

Hiding The Billionaire's Son

Handa akong tumakbo sa kahit saan maitago ko lamang ang katotohanan na nagkaanak ako at ang ama ay walang iba kundi ang boss ko. Ginawa ko ang lahat maitago lamang ang anak ko sa mga katrabaho ko hanggang sa manganak ako. Nagresign ako sa trabaho upang maalagaan ang anak ko at nang makalaki na ito ay agad akong nag-aplay ng trabaho. Sinong mag-aakala na babalik din pala ako kung saan ako nagsimula at muli kaming magkita. Umakto ako na paranng hindi kami magkakilala noon at nanatiling nakadistansiya rito. Hanggang kailan ko maitatago ang katotohanan tungkol sa pagkatao ng anak ko? Handa ba akong lunukin ang takot ko para ipagtapat ang katotohanan? O Magpapadaig na lamang ako sa takot ko at hahayaan na ang tadhana na lamang ang magdikta ng aming kapalaran? Paano kung dumating ang araw na kailanagan ko ng tulong sa ama ng anak ko upang maisalba ang buhay nito. Handa ko bang guluhin ang tahimik nitong buhay kasama ang bago nitong minahal at magulo ang tahimik na buhay na nais ko para sa anak.
Romance
103.9K viewsOngoing
Read
Add to library
The Runaway Bride Becomes The CEO's Wife

The Runaway Bride Becomes The CEO's Wife

Lumaking independent si Kalina, babad sa trabaho at walang ibang gusto kundi ma-promote at mapatunayan ang kaniyang kakayahan. Sa rami ng plano niya para sa sarili, wala rito ang matali sa kung sinong lalaking hindi naman niya mahal. Kaya naman nang malaman niyang niloloko siya ng kaniyang mapapangasawa, isa lang ang naisip niya—to runaway. Si Cain Valvares, ang anak ng may-ari ng kumpanyang pinagtatrabahuhan ni Kalina. Malupit na amo at laging seryoso kaya naman kinatatakutan ng lahat sa opisina. Para maging CEO, may binigay na kondisyon ang ama nito: kailangan niya munang magpakasal. Isang kasunduan sa pagitan ng dalawa. Isang sikretong kasal na pareho silang magbebenepisyo. Sa pagitan ng CEO at secretary, imposible nga bang may pag-iibigan na mabuo?
Romance
101.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Status: Enemies with Benefits

Status: Enemies with Benefits

Para kay Evelyn ay immortal enemy na niya si Terrence Montemayor. As in, hindi kailanman mawawala ang galit niya para sa lalaki. Ngunit sa kanilang muling pagkikita ay magiging amo niya ito kasabay ang pangangailangan niya ng pera para sa kanyang comatose na ina and Terrence is offering her help kapalit ng kasal at wala siyang choice kung hindi ang pumayag. Mabago kaya ng pagsasama nila ang tingin ni Evelyn kay Terrence? Mapigilan kaya niya ang sarili na mahulog ang loob sa lalaking sinumpa na niyang maging kaaway hanggang kamatayan kung sa bawat pang-aakit nito sa kanya ay unti-unting nanlalambot ang kanyang mga tuhod? They’re enemies and they benefited from each other. Status: Enemies with Benefits.
Romance
105.4K viewsOngoing
Read
Add to library
THE BILLIONAIRE SWEET NANNY

THE BILLIONAIRE SWEET NANNY

Isabela? Caroline? Patricia? Vivian? Nakasubsob si Enrique sa gitna ng puting satin sheet at tinitigan ang blonde na may umaagos na buhok na natutulog sa tabi niya, pero wala siyang ideya kung sino ang babaeng iyon... Na para sa kanya ay normal lang, dahil tuwing gabi ay iba ang babae. nakahiga sa kanyang kama. Si Enrique ay isang batang bilyonaryong CEO na palaging nasa kanyang mga kamay ang lahat ng gusto niya... Mga mansyon, magagarang sasakyan at maging ang mga babae. Ang malamig, sarado at ganap na brutis na lalaki ay namumuhay sa isang madilim at mapanglaw na buhay na sarado sa sarili niyang mundo, ang hindi niya inaasahan ay ang isang matamis na yaya na may magandang kalooban at mapang-akit na ngiti ay magpapabaligtad sa kanyang buong mundo.
Romance
1.8K viewsOngoing
Read
Add to library
HIRAYA The Blind Lady

HIRAYA The Blind Lady

Chelsea Lee Winchester
BLURB HIRAYA THE BLIND LADY “Ikaw ang gusto kong makasama habambuhay, mahal kita mula noon hanggang ngayon at mamahalin pa magpakailan man!” Hindi makapaniwala si Haya sa kanyang mga narinig, kahit sa kanyang panaginip ay hindi niya iyon inasahan. Si Hiraya o mas kilalang Haya ay ipinanganak na bulag, ngunit ayon sa pagsusuri ng doctor sa kanyang mga mata ay maaari pa siyang makakita. Siya ay lumaki sa orphanage na kung saan nakilala niya ang kambal na sina Gaius at Galen, sila ay anak ng isa sa sponsor ng orphanage, na kung saan lubos na nakatulong kay Haya. Sa kabila ng kanyang kondisyon ay lumaki siyang punung-puno ng pag-asa na makita ang totoong kulay ng mundo at mahanap ang kanyang pinagmulan. Hindi naging hadlang ang kanyang kapansanan upang mamuhay ng normal at matagpuan ang lalaking magmamahal sa kanya ng tunay at tapat. Ano kaya ang gagawin ni Haya kung ang kapalit ng katuparan ng pangarap niyang makakita ay ang kanyang minamahal? Paano kaya matatanggihan ni Haya ang taong lubos na tumulong sa kanya na magkaroon ng bagong buhay mula sa isang desisyon na kailangan niyang panindigan habambuhay? Paano rin kaya niya tatanggapin ang katotohanan tungkol sa kanyang pinagmulan?
Romance
2.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Minamahal Lang Ako ng Tatay Ko Pagkamatay Ko

Minamahal Lang Ako ng Tatay Ko Pagkamatay Ko

Ang anak ng first love ng tatay ko ay nagdusa sa heatstroke dahil iniwan ito sa sasakyan, kaya itinali niya ako sa galit at ikinulong ako sa loob ng kotse. Tinignan niya ako nang may labis na pagkamuhi at sinabing, “Wala akong malupit na anak na tulad mo. Manatili ka rito at pagnilayan mo ang sarili mo.” Nagmakaawa ako sa kanya, humingi ako ng kapatawaran sa kanya, at nakiusap na palabasin niya ako, pero ang nakuha ko lang bilang kapalit ay ang kanyang malupit na utos. “Maliban kung mamatay siya, walang sinong pwedeng magpalabas sa kanya.” Nakaparada ang kotse sa garahe. Walang makarinig sa akin kahit gaano kadaming beses akong sumigaw. Makalipas ang pitong araw, sa wakas ay naalala niya ako at nagpasyang palabasin na ako. Gayumpaman, wala siyang ideya na namatay na ako sa loob at hindi na muling magigising.
Read
Add to library
PREV
1
...
3738394041
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status