Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Dear Ex-husband, Look At Me Now

Dear Ex-husband, Look At Me Now

Minsan nang inialay ni Sydney ang puso kay Vince pero tinanggihan siya nito… pati ang anak na hindi niya alam na ipinagbubuntis ni Sydney. Pagbalik ni Sydney matapos ang anim na taon, iba na ang babae sa harap niya at hindi na siya madaling saktan. Pero sa muling pagtatagpo, ang lalaking minsang nagpaalis sa kanya ay siya ngayong takot siyang bitawan. Pag-ibig pa ba ito na may pangalawang buhay, o panibagong sugat lang na naghihintay?
Romance
245 viewsOngoing
Read
Add to library
LOVED TOO LATE: THE COLD HUSBAND'S REGRET

LOVED TOO LATE: THE COLD HUSBAND'S REGRET

Akala ni Margaret, sapat na ang pagmamahal para buuin ang isang pamilya. Pero matapos ang pitong taon ng malamig na pagtrato, pagtataksil ng asawa, at pangungutya ng sariling anak, napuno na siya. Iniwan niya ang lahat—at muling binuo ang sarili. Ngayon, isa na siyang sikat na fashion designer at pintor na hinahangaan sa buong mundo. Pero ngayong wala na siya, bigla silang ayaw siyang pakawalan. Bakit kailangang mawala siya bago nila mapagtanto ang halaga niya?
Romance
9.520.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Kapag Naniwala Ka (Filipino/Tagalog)

Kapag Naniwala Ka (Filipino/Tagalog)

Youniqueen
Nagimbal ang mundo ng labinpitong taong gulang na si Elyne nang matuklasan ang isang sikretong matagal na panahong inilihim sa kan’ya. Dala ng matinding galit, unti-unting binago ng masakit na katotohanang iyon ang tahimik niyang buhay. Iyon din ang nag-udyok sa kan’ya upang tahakin baluktot na landas na hindi niya ginusto. Kailanman ay hindi niya naisip na ganitong kapalaran ang ibinigay sa kan’ya ng mapaglarong tadhana. Ni sa hinagap ay hindi rin niya naisip na magiging magulo ang kan’yang buhay. Maniniwala pa kaya siya na babalik din ang lahat sa dati? Maniniwala pa kaya siya na darating ang araw na mararanasan niyang maging masaya ulit? Maniniwala pa kaya siyang pagsubok lang ang lahat ng nangyayari? Maniniwala pa kaya siyang mayro’n pang natitirang pag-asa? Pero paano nga ba niya magagawang maniwala kung pakiramdam niya, pati ang Diyos na lumikha’y kinalimutan na rin siya?
1030.1K viewsCompleted
Read
Add to library
LOVE RETURNS WHEN SEPARATED

LOVE RETURNS WHEN SEPARATED

Sa loob ng tatlong taong pagsasama ay tunay na pagmamahal ang ipinaramdam ni Agatha Dela Cruz-Ibañez sa asawa niyang si Daniel Ibañez. They were childhood friends kaya nang sinabi ng mga magulang nila na sila ay magpapakasal ay hindi siya tumutol doon. Bagkus ay tinanggap niya iyon ng buong puso dahil umaasa siya na mamahalin din siya ng kaniyang kaibigan. Nawasak ang ilusyon niya nang direktang sinabi sa kaniya ni Daniel na wala siyang maaasahan dahil may iba nang nagmamay-ari sa puso nito. Ang mas masakit ay gagamitin ni Daniel ang arranged marriage nila upang pagselosin ang first love nito. Agatha tried everything to make him fall for her. She became the best housewife for him by giving up her booming career. She stayed by his side kahit na ilang beses pa siya nitong ipagtabuyan. “Hinding-hindi ako papayag na magkaanak tayong dalawa. You are free to choose kung anong uri ng abort10n ang gagawin mo. Ang mahalaga lang sa akin ay hindi iyan mabubuhay upang tawagin akong ama,” iyon ang katagang binitawan ni Daniel noong nalaman nito na sinabi niya na siya ay buntis. Labis na nasaktan si Agatha sa sinabi ni Daniel. Sapat na iyon para tuluyan niyang bitawan ang kasal na siya lang ang may gusto. Isang mapait na ngiti ang ibinigay niya sa asawa, “Kung ayaw mo sa bata ay wala na akong magagawa. Tapos na ako sa responsibilidad ko sa iyo bilang iyong asawa,” sabi niya bago pa man niya hinubad ang wedding ring na matagal din niyang iningatan.
Romance
21 viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaires Regretted Fury

The Billionaires Regretted Fury

Ahhhhh...... Tama na Luther maawa ka, maawa ka sa magiging anak natin... Umiiyak na pagmamakaawa ni Abby ng maramdaman niya na tumama sa likod niya ang latigo na inihampas sa kanya ng kanyang asawa na si Luther. Puro pasa na din ang aking mukha at katawan sa walang tigil na pananakit nito sa akin. Sobrang sakit nito at pakiramdam ko matatanggal pati balat ko tuwing hinahampas sa akin ang latigo na gamit nito. Nakadapa ako sa lapag habang walang tigil sa pananakit sa akin si Luther. May mga bakas na din ng dugo sa sahig na nanggaling sa akin. "Your Slut Abby... Pagbabayaran mo ang lahat ng ito. Alam mong ayaw ko sa lahat ang niloloko ako. Sigaw ni Luther sa akin sabay hawak sa aking mukha ng mariin at sinampal ako. Halos mabagok ang ulo ko sa sahig sa lakas ng impact nito. Nandito kami sa basement ng mansion. Alam kong walang makakarinig sa akin kahit na ilang beses akong sumigaw para humingi ng tulong. Parang mga bingi ang mga tauhan ni Luther sa pagmamakaawa ko. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Hindi ko na mabilang kong ilang suntok, sampal, at latigo ang tumama sa aking katawan. Siguro kailangan ko ng tanggapin na hanggang dito na lang ako. Marahan kong kinapa ang aking tiyan. "Sorry anak, hindi kita magawang ipagtanggol. Siguro hanggang dito na lang tayo. Pangako mamahalin kita sa kabilang buhay." anas ko sabay pikit.
Romance
10121.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Pregnant With Her Boss

Pregnant With Her Boss

WennieWrites
Tatlong araw pa lang nagtatrabaho sa kompanya si Cresilda ay hindi na niya maiwasan ang hindi mainis sa boss nila. Ubod ito ng sungit, at hindi man lang ngumingiti. Parating galit at perfectionist pa. Kaya naman ng dumating ang araw ng ika-78th anniversary party ng kompanya ay wala siyang balak na dumalo. Pero ipinag-utos ng boss nila na ang hindi dumalo ay walang Christmas bonus na matatanggap. Kaya naman, walang choice si Criselda. Halos ubusin na niya ang wine sa wine counter sa sobrang inis habang nasa party. Pero ganon na lamang ang gulat niya nang magising siya kinabukasan na walang suot na damit at katabi ang boss nila.
Romance
723 viewsOngoing
Read
Add to library
THE SEVEN DORK'S BOSS.

THE SEVEN DORK'S BOSS.

@SimplyMarjo
Hindi na nagdalawang isip pa si Yanie Seo-ri na tanggapin ang isang trabaho na inaalok sa kanya ng isang BTS (Bangtan Sonyeondan) Manager. Nakitaan kase siya nito ng galing sa pakikitungo sa mga kpop idols na dumarayo sa isang mamahaling bar kung saan talaga siya nagtatrabaho. Permanente siya roon ngunit mas maganda ang magiging sweldo niya kung ang pagsisilbihan niya ang pinaka sikat na Boy group sa buong mundo. Sa dami rami ang naghangad na pagsilbihan ang pitong binata na ito ay siya na nga siguro ang isa sa pinaka swerte. Maiituring nga ba niyang swerte o kailangan lamang niyang panindigan ang trabahong tinanggap niya?
Romance
1.4K viewsOngoing
Read
Add to library
My Ex-Boyfriend's Comeback (FILIPINO)

My Ex-Boyfriend's Comeback (FILIPINO)

Si Sydney ay iniwan ng kanyang dating kasintahan sa kadahilanang ikakasal na ito sa iba. Dahil dito ay hindi niya na nakuhang ipaalam sa nobyo na siya'y nagdadalang-tao. Sa paglipas ng anim na taon, muling pagtatagpuin ang landas nila. Ngunit kagaya ng ipinangako ni Sydney sa sarili, ay hinding-hindi na siya kailanman magpapa-apekto sa dating kasintahan na nanakit at nanloko sa kanya. Ngunit gano'n pa man, ay hindi niya habambuhay na maitatago sa anak kung sino ang ama nito, sa kadahilanang unti-unti na itong nagtatanong sa kanya.
Romance
9.657.6K viewsCompleted
Read
Add to library
Loving, Mr. Chef

Loving, Mr. Chef

Isang simpleng babae si Beatrice Vallencia na lihim na nagmamahal kay Jefferson Griffin. Isang sikat na Chef, makisig at higit sa lahat babaero. Pero nabago ang lahat simula ng makilala niya si Caye Flores na buong akala niya ay ito na ang mamahalin niya habang buhay. Nagbago ang lahat noong gabi na may nangyari sa kanila ng babae na hindi niya maalala ang mukha. Mahahanap kaya niya ang babae? Paano kapag nalaman niyang si Bea ito? Mapapa-sakanya kaya ito kung pag-aari na ito ng iba? Hanggang saan ang kaya mong gawin para sa pag-ibig?
Romance
1063.8K viewsCompleted
Read
Add to library
HIDDEN MAFIA HEIR'S

HIDDEN MAFIA HEIR'S

Sa likod ng isang maamo at mala-anghel na mukha, nagtatago ang bangis at tapang. Iyan si Natasha Mendez Cordoja, na kilala nang lahat bilang si Yanna. Sa kabila ng maganda at maayos na buhay, ay kailangan niyang gampanan ang sariling misyon para hanapin ang mga taong may malaking atraso sa kanya. Ngunit magkakasangga ang mga landas nila ng isang kilalang mafia leader na si Xander Montero, matapos nilang pagsaluhan ang isang gabi at magiging malapit sa isa't isa. Kapwa sila may mga sariling misyon sa buhay na ginagampanan. Ngunit nakahanda nga ba silang isantabi na lang ang kanilang layunin para bigyang-daan ang kanilang mga pansariling damdamin? Nakahanda nga ba si Yanna sa mga bagong matutuklasan, lalo na sa likod ng kanyang tunay na pagkatao? At paano kung mahulog na siya sa bitag ni Xander? Magawa pa kaya niyang makalabas sa butas na lalong nagpapasikip sa kanyang mundo?
Romance
1055.7K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status