Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Revenge of the Billionaire

Revenge of the Billionaire

Si Evren Morales, mabait at masipag, ngunit dahil sa kahirapan, hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral. Nagtrabaho siya para kumita ng pera at para na rin sa kaniyang ina. Ngunit pinagbintangan siya sa kasalanang 'di naman niya ginawa. Habang nasa kulungan nakilala niya ang isang matandang lalaki, nalaman nito na hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral, kaya tinulungan at tinuruan siya nito. Dumating ang araw ng paglaya nito, kaya nangako ito kay Evren na tutulungan nito ang binata na makalaya. Isang buwan ang nakalipas, tulad ng pangako ng matanda tinulungan nito si Evren na makalaya, gamit ang pera at sa tulong ng mga matataas na kakilala nito. Sa tulong ni Don Ronaldo, malaki ang naging pagbabago sa buhay ni Evren, siya'y naging makisig, guwapo at may pinag-aralan. Upang malaman ang tunay na nangyari sa pagkamatay ng dating amo, muli itong pina-imbestigahan ng binata. Doon niya nalaman na planado ang kaniyang pagkakakulong at laking gulat niya ng malaman kung sino ang may pakana. Kaya naman nais niyang maghiganti, sa tulong ni Don Ronaldo, ibinigay sa kaniya ang isa sa mga negosyo nito. Pinalitan din niya ang kaniyang pangalan at ipinaiilala sa publiko bilang si Calvin Del Fierro. CEO nang isang sikat na magazine, ang CDF magazines. Ngunit paano niya gagawin ang balak kung ang asawa ng tao na kaniyang paghihigantihan ay asawa na ng dati niyang kasintahan. Magawa ba niyang maghiganti, kung malalaman niya na mahal pa rin siya nito?
Romance
6.0K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
UNEXPECTED SEX

UNEXPECTED SEX

Meet a beautiful lady and brave who named Sheena Ramos a lady of full of love. Palagi siyang nasasangkot sa gulo dahil sa ipinagtatanggol niya ang kanyang sarili. She is now 22 years old,malaya na niyang nagagagawa ang anumang gusto niyang gawin sa buhay. Subalit sa isang gabi ay hindi niya inaasahan na merong mangyayari na babago sa buhay niya. Gino Fernandez Montejero a handsome and serious man and the one and only heirs of the company "EMPIRE". And now he is a professional CEO. Malakas ang appeal niya kaya madalas siyang pinag aawayan ng mga kababaihan, pero meron ng nag mamay ari ng kaniyang puso si Cindy Morales,engage na sila at magkakaroon na ng anak. Pero sa isang gabi ay meron siyang nakatalik na babae na si Sheena,parehas nilang hindi kilala ang isa't isa,dahil parehas nga silang walang alam sa nangyari. At sa pagtatalik na iyon ay merong nabuong sanggol. Sa gabing iyon ay may nalaman si Gino na kritikal ang buhay ng kaniyang fiancee at ang mas malala ay nalaman nitong wala na ang kaniyang magiging anak. Pero dahil meron siyang kapatid na prosecutor na si Ethan Montejero ay hindi siya nahirapan na matuklasan kung sino ang pumatay sa magiging anak sana nila ni Cindy,at iyon ay si Sheena Ramos. Magkaroon kaya muli ng pagkakataon na magkita sila Gino at Sheena? Makilala kaya nila ang isa't isa? Ano kaya ang mangyayari kapag nalaman ni Gino na buntis pala si Sheena at siya ang ama,ngayong pinatay naman nito ang magiging anak sana nila ng kaniyang fiancee?
Romance
1057.2K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Single Mom

Single Mom

Si **Luna Reyes** ay isang 18-anyos na estudyante sa kolehiyo mula sa probinsya na nabuntis ng **Alexander "Alex" Montemayor**, anak ng isang bilyonaryo. Nang malaman ng ama ni Alex, si **Ricardo Montemayor**, ang pagbubuntis, inalok niya si Luna ng malaking halaga ng pera kapalit ng paglayo sa buhay ni Alex. Dahil sa takot sa kapangyarihan ni Ricardo, pumayag si Luna at lumipat sa Maynila upang buhayin ang kanyang anak na si **Mateo**. Pagkalipas ng labing-dalawang taon, namatay si Ricardo at sa pagbabasa ng testamento, lumabas ang isang probisyon na ang yaman ng Montemayor ay mapupunta lamang sa anak o apo. Nagkaroon ng duda si Alex tungkol sa pagkakaroon ng anak niya kay Luna. Kasama ang pulis na kaibigan, si **Miguel Santiago**, sinimulan niyang imbestigahan ang nakaraan. Nagkita muli sina Alex at Luna sa isang event, at sa kanilang pag-uusap, inamin ni Luna na si Mateo ang kanilang anak. Habang lumalapit si Alex kay Mateo, naging mapanganib ang sitwasyon dahil kay **Sofia Aguilar**, ang magiging asawa ni Alex na hindi makapagkaanak at nagpasya na patayin si Mateo upang mapanatili ang kanyang kapangyarihan sa pamilya Montemayor. Nakipag-ugnayan si Luna kay Miguel upang mapanatili ang kaligtasan ni Mateo. Nang maganap ang mga insidente ng pag-atake kay Mateo, nahuli si Sofia at ang kanyang kasabwat, si **Carmen Morales**. Sa kabila ng lahat ng nangyari, nagkaroon ng pagkakataon sina Luna at Alex na magbuo muli ng kanilang pamilya. Ang nobela ay nagwakas sa isang simpleng kasal na puno ng pagmamahal at pag-asa, na simbolo ng bagong simula para sa kanilang pamilya.
Romance
5.6K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1234567
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status