Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
TIE OF LOVE

TIE OF LOVE

Hanggang saan nga ba ang kaya mong gawin para sa iyong minamahal? _ Paano nga ba niya paiibigin ang isang taong mayroon nang ibang minamahal? Isang hamon iyon sa puso ni Aleyha, sabi nga nila walang pusong bato sa matiyaga kung umibig. Kaya handang gawin ni Aleyha ang lahat makuha lang ang puso ni Ivo Sebastian. Dahil kailangang umibig ito sa kanya kahit may Althea Mauricio pa sa pagitan nilang dalawa. Sisiguraduhin niyang sa huli sa kanya magpapatali si Ivo at siya ang iibigin nito. Dahil siya ang mas karapat-dapat sa puso at pagmamahal ni Ivo. _ Ngunit karapat-dapat nga ba talaga siya sa puso ng binatang bilyonaryo, hindi ba isa siyang babaing naninira ng relasyon at pumapasok sa pagitan ng dalawang pusong nagmamahalan? ***** 06-06-25 Story Written By: LadyGem25
Romance
267 viewsOngoing
Read
Add to library
TEACHER DAHLIA

TEACHER DAHLIA

"Oo, isa akong guro, at may nais akong turuan ng leksyon." --- Walang ibang tutulong sa kaniyang matinding pagdurusa kundi ang kaniya lamang sarili. Si Dahlia Perez o mas kilala bilang teacher Dahlia ang mismong aalam sa madilim na nangyari sa kaniyang ama sa nakaraan. *** Nagtuturo sa isang paaralang elementarya si Dahlia Perez. Baguhan lamang siya sa isang lungsod. Dahil nakapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo, kinuha niyang trabaho ang maging isang guro. Ngunit sa halip na ang kaniyang propesyon ang kaniyang isinaalang-alang ay iba ang sadya niya sa pamamagitan nito.
Mafia
719 viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Play-Off

The Billionaire's Play-Off

Rhenkakoi
Si Joanna Rissa Lico, nawala sa kaniya ang lahat dahil sa panloloko ng kaniyang boyfriend. Kinuha na nito lahat ng yaman niya, pati mukha niya ay sinunog nito. Dahil sa pinagdaanan ni Joanna na dumurog sa puso niya ay binalak niyang magpakamatay pero hindi 'yun natuloy dahil kay Marvin Guevarra, isang gwapong bilyonaryo na masungit at walang modo para kay Joanna. Inalok siya ni Marvin na tutulungan siya nito sa paghihiganti sa dating nobyo ni Joanna sa pamamagitan ng isang kasal, wala man naibigay na dahilan ng pagtulong ay kinuha ni Joanna ang pagkakataon na 'yun upang makapaghiganti sa dati niyang nobyo. Pero paano kung sa paglipas ng mga araw ay biglang makipaglaro si Marvin kay Joanna na mahuhulog ito sa kaniya, mapigilan kaya ni Joanna ang kaninyang nararamdaman upang manalo sa larong inumpisahan ni Marvin? Maging totoo kaya ang larong ginawa nila?
Romance
1.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Tayo Na Lang (Habibi Boyz Series)

Tayo Na Lang (Habibi Boyz Series)

Rain Sevilla
Lihim sa mga kabanda ni Jhonel Hosoda ang relasyon niya sa co-singer sa dating pinagtatrabahuan niya sa Japan, not until he proposed to Akime, upang matanggap lamang ang rejection mula rito. Ang matagal niyang pinaghandaan at inasam ay nasira sa isang sandali lang. Ngunit kung bakit sa gitna ng pag-iwan ni Akime sa kanya ay biglang may isang babaeng nais pumalit sa ex-girlfriend niya para maging asawa. Sa labis na awa at concern ay inalok ni Laceyleigh ang kamay niya kay Jhonel para siya na lang ang pakasalan nito, pero sa halip ay pinagtawanan siya. But her guts reached to its next level. She kissed him, and then... he kissed her back! Mula niyon ay umiwas na siya rito. Sadyang mapagbiro lang ang tadhana dahil sa kagagawan ni Jhonel ay nag-viral sa social media ang pictures niya, hindi dahil sa gusto siya nitong makita kundi para mabawi ang engagement ring na ninakaw niya. Mahanap pa kaya muli nila ang isa’t isa?
Romance
1.9K viewsOngoing
Read
Add to library
BAGAC

BAGAC

ArLaSan
Isang maganda at nakapang-aaya na pook ang BAGAC. Subalit sa aming paglalakbay sa ilang bahagi nito ay di sinasadyang naakit naming sumama sa aming hanay ang ilang paranormal na nilalang na siya ring naging saksi sa aming mga makamundong pagnanasa, malikot na pag-iisip, at pagtatahi-tahi ng mga pinagmulan at solusyon sa aming mga pakikipag-engkwentro sa kanila. Ako si Hardy. Tuklasin ang pusok at pakikipagsapalaran ko at ng aming mga kaibigan, kalaguyo at kapamilya laban sa mga taga-ibang dimensyon.
107.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Rejected Wife of A Heartless CEO

Rejected Wife of A Heartless CEO

Sabi nila, isa raw sa magagandang araw sa buhay ng isang babae ay ang maikasal sa lalakeng mahal niya. Pero hindi ako. Dahil iniwan ako ng lalakeng nangako sa akin na sasamahan ako habang buhay sa mismong seremonya ng aming kasal. Iniwan niya akong nag-iisa sa altar at mas pinili ang nakababata kong kapatid. Hindi lahat ng kasal ay masaya. Isinumpa ko ang araw  na iyon at nangako sa sariling maghihiganti. Pero paano pa ako makapaghihiganti kung namatay ako mismo sa araw na iyon?
Romance
8.532.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Palitan ang Tadhana, Bagong Simula

Palitan ang Tadhana, Bagong Simula

Sa mismong araw ng aming kasal, ang childhood sweetheart ni Hansel Lennox na si Nara Sullivan, ay nagbantang tatalon mula sa isang gusali. Hindi niya ito pinansin at itinuloy ang kasal. Ngunit nang talagang tumalon si Nara, saka siya nag-panic. Simula noon, palagi na siyang pumupunta sa simbahan, unti-unting naging isang deboto. Pinipilit pa niya akong bigkasin ang mga banal na kasulatan at lumuhod habang nagdarasal—lahat sa ngalan ng pagsisisi sa aking mga kasalanan. Dahil sa kanya, nawala ang aking anak. Sa araw na nakunan ako, gusto ko nang makipag-divorce. Ngunit sinabi niyang pareho naming pinagkakautangan si Nara, kaya dapat kaming magsisi nang magkasama. Ginamit niya ang aking pamilya upang takutin ako at panatilihin sa kanyang piling. Inaksaya ko ang buong buhay ko para sa kanya. Ngunit pagmulat ko ng aking mga mata, bumalik ako sa mismong araw ng aming kasal. Sa pagkakataong ito, ako mismo ang magtutulak kay Hansel kay Nara. Ako naman ang magpapahirap sa kaniya.
Short Story · Romance
1.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Luna Rossa

Luna Rossa

Tan Jiro Alvez
Payapang namumuhay si Dea kasama ang kaniyang pamilya sa isang kagubatang malayo sa sentro ng Malefica-ang kaharian ng mga mangkukulam. Ilang taon na silang naninirahan dito upang makaiwas sa namumuong sigalot sa pagitan ng mga kauri niyang mangkukulam at bampira. Ngunit isang madaling araw, isang halimaw ang umatake sa kanilang tirahan at walang awang pinaslang nito ang kaniyang ina at nakatatandang kapatid na babae. Hindi pa nakuntento ang halimaw at ginawaran ng isang sumpa ang kaniyang bunsong kapatid. Naging isang mabangis na halimaw ang kaniyang kapatid at halos hindi na makilala pa dahil sa pagbabagong anyo nito. Sa araw ding iyon, nagtagpo ang landas ni Dea at ang reyna ng mga mangkukulam. Sinabi nito sa kaniyang isang bampira ang halimaw na lumusob sa kanilang tahanan at ang may kagagawan sa lahat ng kaguluhang nangyayari sa buong Malefica. Ang pangalan ng bampirang ito ay Trevor Hemlock. Namuo ang matinding galit sa puso ni Dea at nangakong ipaghihiganti ang sinapit ng kaniyang pamilya.
105.9K viewsCompleted
Read
Add to library
Chasing Justice

Chasing Justice

Dalawang puso ang tumitibok at naglalayong magpaalab ng sumibol na pag-ibig sa hindi inaasahang pagkakataon at panahon. Ang pag-ibig na hindi mapapantayan ang inaalay ni Brael Montegarde at Hasumi Mitsunabi sa isa't isa. Ilang beses na pinaghiwalay ng tadhana subalit muling natatagpuan ang mga sariling tapat na sumisinta sa isa't isa at pinipiling iraos ang pag-ibig na pilit hinahadlangan ng mga taong nakapaligid sa kanila. Isang trahedya sa nakaraan ang muling binabalikan ng kasalukuyan. Ang madugong pagpatay sa mga magulang ni Brael at ang bangungot na patuloy na gumugulo kay Hasumi ay tila ba konektado.  Sa pagsiwalat ng katotohanan ay magugulantang ang mga pusong nagiibigan. Ang pumatay sa mga magulang ni Brael ay ang babaeng minamahal niyang si Hasumi.  Layunin ni Brael Montegarde ang maghiganti sa taong pumaslang sa mga magulang niya. Subalit guguluhin ng pagmamahal niya ang paghangad niya ng hustisya.  Kaya niya bang paslangin ang babaeng mahal niya? O mananaig ang pag-ibig na napunla sa mga puso nilang lubos na nagmamahal sa isa't isa?
Romance
104.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Destined to be the Billionaire's Wife

Destined to be the Billionaire's Wife

Pilit na ipapakasal si Ayesha ng kanyang mga magulang sa lalaking hindi naman nya kilala upang matulungan na makaahon ang kanilang kumpanya. Dahil sa inis ni Ayesha ay nagpunta sya sa isang bar kung saan may naka one night stand sya. Hindi nya inaasahan na magbubunga pala ang pakikipag one night stand nya sa isang lalake dahil sa kanyang kalasingan. Nang malaman ng mga magulang ni Ayesha na nagdadalang tao sya ay hindi na pinatuloy ng mga ito ang kasal pinaalis siya ng kanyang mga magulang sa syudad at pinatira sa isang probinsya hanggang sa ito ay manganak. Lilipas ang ilang taon at magbabalik si Ayesha sa syudad at kinailangan nyang maghanap buhay para sa kanila ng anak nya dahil wala na syang ibang aasahan pa ngayon kundi ang sarili na lamang nya. Sa pagbabalik nya sa syudad, hahanapin pa ba nya ang lalaking naka one night stand nya? Makikilala pa kaya nya ang lalakeng nakasama nya noong gabi na yun gayong lasing sya ng mga panahon na yun?
Romance
9.752.3K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status