Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
ANG LIHIM NA ASAWA NG BILYONARYO

ANG LIHIM NA ASAWA NG BILYONARYO

Sa loob ng dalawang taong pagsasama ay puno ng pag-asa si Annie na matututunan rin siyang mahalin ni Lucas ngunit laking pagkakamali niya dahil sa araw mismo ng second anniversary nila ay inabot nito sa kaniya ang divorce agreement. Puno ng sakit at pagkadismaya ay pumayag siya kahit na noong araw sana na iyon ay gusto na niyang sabihin rito na buntis siya, ngunit bigla na lamang namatay ang lolo ni Lucas at hiniling nito na kung pwede ay huwag na lamang silang maghiwalay at ayusin nila ang kanilang pagsasama kaya sinabi niya na susugal siya muli at aasa na baka isang araw ay matutunan na siyang mahalin ni Lucas. Hanggang sa isang araw ay nasangkot siya sa aksidente kung saan ay ang una niyang tinawagan ay si Lucas para magpasaklolo, gusto niyang mabuhay, gusto niyang mabuhay ang mga anak niya. "Iligtas mo ako, iligtas mo ang mga anak natin... " "Tumigil ka! Palagi tayong gumagamit ng proteksiyon! Kaya napakaimposible ng sinasabi mo!" Doon siya nagising sa katotohanan na hanggang sa mga oras na iyon ay walang ibang mahalaga rito kundi ang unang minamahal nito, mas inuna nitong puntahan ito kaysa ang iligtas siya at ang anak nila. Patatawarin niya ba ito sa kabila ng pagkawala ng mga anak niya sa ngalan ng kanilang pagsasama kahit na labis ang pagsisisi nito sa nangyari? O tuluyan na niya na itong palalayain at hahayaang maging masaya sa piling ng pinakamamahal nitong babae?
Romance
9.8564.9K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Ang Lihim Na Dalaga ng Amo

Ang Lihim Na Dalaga ng Amo

Si Bellerien, isang kasambahay na lihim na umiibig sa kanyang amo, si Damien—isang makisig at makapangyarihang lalaki—ay nakaranas ng gabing tuluyang nagbago ang kanyang buhay. Isang hindi inaasahang sandali, sa gitna ng kanyang manipis na pangtulog, ang nagtulak kay Damien sa tukso. Ang matagal nang nakatagong pagnanasa ay tuluyang sumiklab. Bagama’t una siyang nagpumiglas, hindi maikakaila ni Bellerien ang katotohanan—ang pagkakataong maranasan kung paano maging si Sofia, ang babaeng iniibig ni Damien, ay hindi niya matanggihan. Ngunit sa likod ng matinding pagnanasa, may kirot, pag-aalinlangan, at pagsuko. Para kay Bellerien, ang gabing iyon ay magiging isang matamis ngunit mapait na alaala na hindi niya malilimutan. Para naman kay Damien, isa itong kasalanang mananatiling multo sa kanyang konsensya.
Romance
1023.5K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO

ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO

Isang kasambahay na walang pake sa pag-ibig. Isang bilyonaryong sanay sa kontrol. At isang gabing ‘di nila inaasahan... na hahantong sa kasalan?! Si Roxane Hermenez ay simpleng babae: trabaho, uwi, tulog, ulit. Ang pangarap niya? Makaipon, makaalis sa pagiging katulong, at mabigyan ng maayos na buhay ang pamilya. Walang oras sa landi-landi lalo na’t ang amo niya ay si Dark Nathaniel Villamonte — mayaman, suplado, at ubod ng arte. Pero isang gabi, dahil sa kakaibang pagkakataon, isang basong alak, at isang sira ang elevator… may nangyari. At noong malaman ni Dark Nathaniel na may “posibleng bunga” ang gabing iyon, hindi siya nagtago— Siya pa ang nagpumilit magpakasal! “Hindi puwedeng wala akong responsibilidad. Puwede na ang kasal sa Huwes!” Ngayon, si Roxane ang natataranta. Sino ba’ng babae ang pinipikot ng sariling amo?! Pero teka… kung responsibilidad lang ang dahilan, bakit parang nagiging possessive, sweet, at seloso si Dark? May pag-ibig na ba talagang nabubuo? O baka naman… trip lang talaga siya ng bilyonaryo? Saan hahantong ang damdamin ni Roxane sa kanyang gwapong apo kung patuloy siyang susuyin nito kahit alam niyang may mga kontra barata sa ginagawang iyon ni Dark Nathaniel?!!!!
Romance
101.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
"Alipin Ng Bulag Na Pag-ibig"

"Alipin Ng Bulag Na Pag-ibig"

Si Rheana Belmonte,20years old ,Bulag na umiibig sa taong nagpa-ibig sa kanya. Na sa buong akala ni Rheana ay si Darvey ang magsisilbing tagapagtanggul nito,Ngunit siya pala ang magsisilbing pasakit at magbibigay sa kanya ng matinding parusa. "Lalo na nung Makilala ni Darvey Gonsalo si Cindy Buena ,Nagmistulang katulong nalang si Rheana sa kanyang mismong asawa. Harap harapan niyang ,Nakikita ang kalaswaang ginagawa nila sa mismong pamamahay nilang mag-asawa. At ang pinakamasakit sa lahat, Ipinakilala siyang katulong lang sa mismong angkan ni Darvey Gonsalo. Hanggang saan hahantong ang pagiging Marter ni Rheana Belmonte!'' Lalaban ba siya o mananatili nalang siyang bulag sa harapan ng lahat!"
Romance
101.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Sukdulan ng Buhay

Sukdulan ng Buhay

Si Alex ang batang master ng pinakamayamang pamilya sa buong mundo, ang lalaking gustong pakasalan ng maraming prinsesa. Gayunpaman, mas masahol pa sa katulong ang trato ng bayaw niya sa kanya.
Urban
9.2914.6K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Ang Misteryosong Asawa Ng Nakakaakit Na CEO

Ang Misteryosong Asawa Ng Nakakaakit Na CEO

Si Zarina Alcantara ay isang misteryosang babae. Walang nakakakilala sa kanya ng lubos. Tahimik, maganda, at tila may tinatagong lihim na hindi maabot ng sino kahit pa ang kanyang future husband. Si Damian Hidalgo naman ay isang CEO. Guwapo, masungit, ngunit mapagmahal na apo sa kanyang lolo. Hanggang isang araw, ang dalawang tao na ito ay pinagtagpo sa pamamagitan ni Matthew, kung saan ipinagkasundo silang ikakasal ayon sa gusto ng matanda. Para kay Lolo Matthew, nagkasundo ang dalawa. Hindi maganda ang una nilang pagtatagpo dahil sa simula, hindi pag-ibig ang nagdala sa kanila sa pagsasama kung hindi isang kasunduan lamang. Ngunit, paglipas ng panahon, hindi napigilan ng dalawa ang mahulog sa isa't-isa sa kabila ng kanilang magkaibang mundo. Hanggang saan ang kanilang pagsasama kung balang araw ay natuklasan nila ang lihim ng isa't-isa? Pipiliin ba nila ang kanilang pag-iibigan o hayaan ang mga sikretong wasakin silang dalawa…
Romance
991 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Alipin Ng Tukso

Alipin Ng Tukso

Tumakas si Khaliyah Dadonza sa mansyon nila nang madinig niya sa papa niya na ipapakasal siya sa pangit na anak ng isang Mafia boss bilang bayad sa malaking utang niya rito. Kaya naman, agad-agad ay pumunta si Khaliyah sa probinsya, sa bahay ng kaibigang niyang si Moreya. Pero imbis na ang kaibigan niya ang madatnaan doon ay ang hot tito ni Moreya ang nakita niya. Ito na pala ang nakatira doon dahil nasa ibang bansa na ang kaibigan niya. Wala na siyang ibang mapupuntahan dahil nag-iisa lang si Moreya sa totoong kaibigan niya, kaya naman nakiusap siya sa Tito Larkin ni Moreya na doon muna siya magtatago at mag-stay, pero kapalit nito ay isang kasunduang magiging alipin siya sa bahay ni Tito Larkin Colmenares. Alipin ng isang hot tito na type na type niya ang katawan at mukha. Dahil sa sobra-sobrang pagmamakaawa ni Khaliyah, nagkaroon sila ng contract na ginawa ni Tito Larkin. Magiging mag-asawa sila habang doon nagtatago si Khaliyah. Pinakasalan siya ni Tito Larkin para hindi siya makasuhan ng kidnapping. Magiging mag-asawa lang sila dahil sa papel, pero sa loob ng bahay, alipin lang talaga siya ni Tito Arkin. Ayos lang kay Khaliyah ang maging alipin, lalo na’t isang Hot Tito ang paglilingkuran niya. Kaysa magbuhay princessa at magpakasal siya sa isang mayamang anak na mafia boss pero sobrang sama naman ng itsura ng mukha. Akala niya’y madali lang ang lahat ng ginagawa niya roon, magluto, maglinis, maglaba at sumunod sa mga utos nito Tito Larkin. Pero paano kung mas mahirap palang labanan ang tukso? Sa bawat araw na kasama niya si Tito Larkin ay lalo siyang nauuhaw sa isang bagay na hindi niya dapat pagnasaan. Magtatagal kaya si Khaliyah bilang alipin ni Tito Larkin, o tuluyan na siyang magpapasakop sa tukso?
Romance
1018.0K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Alipin ng bilyonaryo

Alipin ng bilyonaryo

Matapos ang ilang taon na pamamalagi sa America, muling bumalik sa Pilipinas si Kiara, upang alagaan ang inakalang may sakit na mga magulang. Ngunit napunta s'ya sa kamay ng isang bilyonaryo at mafia boss na si Tristan Mondragon, matapos siyang gawing pambayad-utang ng kanyang mga magulang. At sa hindi inaasahan, muling nagsanga ang landas nila ng kanyang ex-boyfriend na nagtaksil sa kanya at muling humihingi ng kanyang kapatawaran. Magawa pa kayang takasan ni Kiara ang bagong masalimuot niyang mundo? O mananatili siyang alipin ng kanyang kasalukuyan at nakaraan? May pag-asa pa kayang mapalambot niya ang puso ng mala-leon na si Tristan?
Romance
109.7K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Ganti ng Inapi

Ganti ng Inapi

iamsimple
Angela, a nerdy and shy girl was forced by her father to marry Eric Laruso; the top employee of her father's company. On her wedding day, her father died of a heart attack. It was also the day that her like-a-princess life suddenly changes. Her mother-in-law and sister-in-law bullied her and her husband cheated on her. Hindi pa nakuntento ang asawa niya, he tried to kill her with the help of his mistress; no other than her cousin Lucy. But luckily, she manage to stay alive and escaped from them. While trying to get away, she was hit by the car of the widow billionaire, Mrs. Carmina Howardly and then becomes her daughter. After five years, Angela came back to the Philippines with her new identity as Mavi. Isang babaeng matapang, palaban at hindi magpapa-api sa kahit kanino man. Nagbalik siya sa bansa para bawiin ang lahat ng mga inagaw sa kanya ng kanyang dating asawa. Para ipatikim sa mga taong nang-api sa kanya kung paano maghiganti ang isang Angela Dela Serna. She meets Gabriel Lacuesta again, a man that she met on her wedding day and gave her a strange feelings she never felt to any man before. Ano naman kaya ang magiging papel sa buhay niya ng binata? Magiging kakampi ba niya ito o magiging hadlang sa kanyang planong paghihiganti?
Romance
103.2K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Abo ng Pagtataksil

Abo ng Pagtataksil

Sa kaarawan ng anak ko, ang asawa ko ay hiniling sa kanyang first love na sunduin ang anak namin sa bahay. Noong nagpupumilit akong tumanggi na payagan siyang umalis, nagkaroon ng malaking sunog sa hallway habang nag-aaway kami. Tinamaan ako ng mga bumabagsak na piraso ng nasusunog na kahoy, at nagsimulang tumulo ang dugo mula sa ulo ko. Pero, ang anak ko ay ligtas habang nakahiga sa ilalim ko. Ang asawa ko, na bumbero, ay iniligtas kami. Pero ang binigyan niya ang nag-iisang gas mask sa kanyang first love. “Mahina ang pangangatawan ni Miss Leia. Ama, pakiusap ilabas mo muna siya. Ma, hintayin mo na iligtas ka ng ibang mga bumbero!” Pinanood ko silang umalis habang nakangiti ako ng ng mapait. Mukhang pareho na nilang nakalimutan na may matinding asthma ako at ang katotohanang mamamatay ako dahil wala akong gas mask.
Maikling Kwento · Romance
493 viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
PREV
123456
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status