Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Patikim, Ninang

Patikim, Ninang

Hindi akalain ni Reinna na isang kapirasong papel lang pala ang tatapos sa mahabang pagsasama nila ng kanyang asawa na si Jacob Salazar, sa loob ng 14 years of marriage. Dala ng sakit at pagkabigo dahil sa pagtataksil nito ay lumayo siya. Ngunit sa oras ng kanyang pagkabigo at kalungkutan ay dumating naman ang isang lalaki at tahasang umamin ng pagmamahal sa kanya. Si Z, ang binatang inaanak niya. Ano ang gagawin ni Rei, kung ang pag-ibig na inaalay nito sa kanya ay bawal? Ano ang paiiralin at susundin ni Reinna? Dikta ng isip niya na gawin ang dapat at tama o pagmamahal na sigaw ng puso niya para kay Z?
Romance
10934 viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Obsession (Tagalog)

The Billionaire's Obsession (Tagalog)

Mayaman. Maganda. Tinitingala ng lahat. Iyan ang kadalasan na maririnig sa tuwing binabanggit ang pangalan ng sikat na artistang si Rasheeqa Laurent. Perpekto na ang buhay niya kung tutuusin at hindi maipagkakailang hinahangaan siya ng karamihan dahil sa taglay niyang husay sa pag-arte. Sa kabila ng mala-perpekto niyang buhay, ano ang mangyayari kapag malaman ng publiko na may sekreto siyang anak? Paano niya mapapanatili ang kanyang reputasyon at kredibilidad gayong hindi niya kontrolado ang sasabihin ng iba? At higit sa lahat, paano niya ipapaliwanag sa ama ng kanyang anak na siya ang ama nito gayong simula't sapol, ang lalaki na mismo ang nagputol sa ugnayang meron sila?
Romance
9.6649.9K viewsCompleted
Show Reviews (68)
Read
Add to library
Mercy Santiago
Very interesting at mas nakain love ang bawat episodes. Hanggang sa huling episode nakakatrill. Thank you very much kahit medyo matagal basahin o mabagal ang mga free episodes nakaka thrill ang bawat episodes. May halong thrill at very loving ang mga bida sa sa bawat episodes. More power and tnx.
?abby??
i like this novel very much!!..it was a very very nice,good,lovely!!i don't know what to but i love this very much!!mahal kuta author ipagpatuloy mo ito author😊😊🌺🌺❤❤!!i can't believe na kahit sa mga bonus lang na u-unlock ko pa din ang mga chapters😊🌺❤mahal kita author😊😊❤🌺🌺❤❤
Read All Reviews
REVENGE OF INNOCENT WIVES

REVENGE OF INNOCENT WIVES

Ang inaakala ni Nadine Cruz na maginhawang buhay sa piling ni Jayson Saavedra ay isa palang bangungot. Isa lang pala siya sa apat na naging asawa ng bilyonaryong gwapo. Isa lang pala siya sa sasaktan, pahihirapan at pinaghihigantian nito dahil sa kasalan ng nauna nitong asawa sa kanya. Hindi niya kayang lumabang mag-isa. Kailangan niya ng tulong ng dalawa pang pinakasalan ng akala niya, solo niyang asawa. Ngunit ano nga ba ang magagawa nilang tatlong inosente? Kaya ba nilang pantayan ang lakas at kapangyarihan ng kanilang demonyong asawa?
Romance
1012.0K viewsCompleted
Read
Add to library
My Crush, My Groom (Tagalog)

My Crush, My Groom (Tagalog)

Penelope Samiento ang isang babaeng hindi man gano'n ka talino at kagandahan ngunit siya naman ay puno ng saya, nangangarap ng isang lalaking kinahuhumalingan niya si Darrel Lim, isang vocalista ng banda sa school nila. Suplado pero gwapo at higit sa lahat matalino. Paano kaya kung pagbuklodin sila ng tadhana at itinakdang ikasal para sa isang kasunduan? Magiging masaya kaya sila sa kabila ng pagiging magka-iba?
9.856.1K viewsCompleted
Read
Add to library
The Mafia's Hidden Angel (Tagalog)

The Mafia's Hidden Angel (Tagalog)

"Boss! Nasa panganib pong muli ang buhay ng asawa mo!" wika ng kanang-kamay ni Kaizer. "Ihanda mo ang mga tauhan at ililigtas natin siya!" malakas na sigaw ng mafia boss. Mabilis na kumilos ang mga tauhan ng Devil's Angel Mafia Organization. Lahat sila ay handang ialay ang buhay para sa kanilang reyna. Buong tapang na sumakay si Kaizer sa sasakyang naghihintay sa kan'ya. Ngunit ang mga mata niya ay punong-puno ng lungkot. Tumatagos doon ang sakit na nararamdaman ng kaniyang puso. Siya ang asawa ngunit ang puso ng babaeng mahal niya ay nahahati sa dalawa. Hindi siya pwedeng gumamit ng dahas dahil baka tuluyang mawala sa kan'ya si Kryzell. Ang babaeng una at pinangakuan niyang huling iibigin. Sa pag-ibig kung saan ay nakikihati lamang siya, hanggang kailan ni Kaizer kayang maging biktima? May halaga ba ang pagiging mafia boss kung ang mafia's hidden angel ay magdesisyon na muling mabuhay ng payapa at malayo sa magulong mundo na meron siya?
Romance
9.8240.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Alexaiver Martinez: My boss My secret Lover

Alexaiver Martinez: My boss My secret Lover

Lahat ay kayang gawin ni Chartlotte Fuentes, na kahit sariling katawan ay kaya n'yang ibenta, para lamang gumaling ang kanyang inang may sakit na leukemia. Kasama na roon ang alok ni Alexaiver Martinez. Nagkrus ang landas nila ni Alexaiver Martinez sa kinuha n'yang raket na stag party ng kaibigan ni Alexaiver na ikakasal. Inalok siya ng binata maging personal assistant at sa condo ni Alexaiver siya titira. Purely lust, no string attached. No love. Bawal din malaman ng ibang tao. Kahit magulang pa ng binata at magulang ni Chartlotte. In short, lihim na relasyon lamang ang gusto ng binata. Subalit sa tagal nilang nagsama ni Alexaiver, hindi napigilan ni Chartlotte mahulog at umibig sa binata. Sino nga ba ang hindi maiinlove rito? Siya lang naman si Alexaiver Martinez, the elusive and most handsome in showbiz entertainment industry. Isa sa anak ng business tycoon na nagmamay-ari ng isa sa sikat na TV station ng bansa. Kaya nagpasya si Chartlotte na iwanan ang binata kahit na ito ang magiging dahilan ng kabiguan niya.
Romance
1020.2K viewsCompleted
Read
Add to library
A LIFE TO REGRET: DEAL WITH A DANGEROUS BILLIONARE

A LIFE TO REGRET: DEAL WITH A DANGEROUS BILLIONARE

Steve, the brutal, evil man who happens to be the son of the Mafia, had his eye on a lady who had a distinctive build. Before the appearance of Steve, Ashly had everything figured out. Meet the man who intends to destroy Ashly Novanches' beautiful and innocent existence. Steve Biloner, who will become obsessed by Ashly's unique beauty and compassionate personality. Ang katapangang nananalaytay sa dugo ni Ashly Novanches ang kukuha sa atensyon ni Steve Biloner. Dahil lamang sa pagligtas ng dalaga sa buhay ng binata sa isang insidente, malapit sa kanilang paaralan kung saan doon sila mismo unang nagkita, ay doon na nag-umpisa ang kahindik-hindik na pagkahumaling sa kan'ya ng lalaki. Dahil hindi maalis alis sa sistema ng binata ang dalaga ay nakuha n'yang gawin ang pinakadelikadong plano. Pagkaraan ng limang taon ay kinidnap ni Steve si Ashly at inalok ng marriage contract kapalit ng kaligtasan ng pamilya n'ya. Mahuhulog kaya si Ashly at babaguhin ang binata? O sasabay s’ya sa agos na gusto ng lalaki upang makuha ang tiwala nito, dahilan para mapabagsak n'ya si Steve Biloner?
Romance
9.5432 viewsOngoing
Read
Add to library
Blue Williams (The Governor's Dilemma)

Blue Williams (The Governor's Dilemma)

Isang gobernador na sugatan ang puso, dahil sa mga nakaraang pagtataksil ng kanyang dating nobya. Ay binigyan ng tungkulin na alagaan ang apo ng kanyang mahal na yaya. Ang inaasahan niyang simpleng gawain ay naging isang bagyo ng damdamin nang makilala niya si Aya, isang nakakaakit na dalaga.
Romance
101.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Noong Gumuho Ang Lahat

Noong Gumuho Ang Lahat

Anibersaryo ng kasal namin nang mag-post ang high school sweetheart ng asawa ko ng sonogram picture sa kanyang social media, na may caption na public thank-you sa asawa ko: [Salamat sa lalaking nandiyan para sa akin sa loob ng sampung taon, at sa pagbibigay sa akin ng anak.] Umikot ang kwarto, at namuo ang galit sa akin habang mabilis akong nagkomento: [So, proud ka sa pagiging homewrecker?] Halos kaagad, tumawag ang asawa ko, puno ng galit ang boses. "Paano mo nagawa na mag isip ng nakakasuklam na bagay? Ang ginawa ko lang ay tulungan siya sa IVF, natupad ang pangarap niyang maging single mom.” "At oo nga pala, kailangan lang ni Ruby ng isang subok para mabuntis, habang ikaw ay may tatlong round ng walang resulta. Walang kwenta ang katawan mo!" Tatlong araw lang ang nakalipas, sinabi niya sa akin na pupunta siya sa ibang bansa para sa negosyo—hindi pinapansin ang aking mga tawag at mensahe sa buong panahon. Akala ko busy lang siya. Gayunpaman, sa huli ay kasama niya pala si Ruby, dumadalo sa prenatal checkup nito. Makalipas ang kalahating oras, muling nag-post si Ruby, na ipinakita ang isang mesa na puno ng masasarap na pagkain. [Nagsawa ako sa French food, kaya ginawa ni Ash ang lahat ng paborito kong pagkain. The best talaga siya!] Napatitig ako sa pregnancy test sa kamay ko, ang saya na naramdaman ko kanina, ngayon ay tuluyan ng nawala. Matapos ang walong taong pag-ibig at anim na taon ng paglunok ng aking pride para lang manatiling buhay ang kasal, sa wakas ay handa na akong bumitaw.
Short Story · Romance
1.4K viewsCompleted
Read
Add to library
THE WIDOWER'S FIRST LOVE

THE WIDOWER'S FIRST LOVE

Bb.Taklesa
Sa edad na 35 ay nabiyudo na si Ambrose at naiwan sa kanyang pangangalaga ang limang taong gulang na lalaki at bagong silang na kambal na babae. Mag-isa niyang pinasan ang responsibilidad na palakihin sila. Pagkalipas ng limang taon, lalo niyang nakita ang pangangailangan ng kalinga at pagmamahal ng isang ina sa kanyang mga anak. Sinubukan niyang lihim na makipag-date ngunit walang tumanggap sa kanyang tatlong anak. Hindi nila kayang panindigan ang pagiging instant mommy para sa kanila. Hinanap ng kanyang mga anak sa kung kani-kaninong babae ang pagkukulang na iyon. Hanggang sa malaman niyang nakikipagkita sa isang may edad na babae si Ambrox na halos kamukha ng kanyang ina. Muli niyang nakita si Rose Anne. Nagbalik ang sakit ng nakaraan dulot ng panlilinlang na ginawa ni Roxanne. Hanggang isang gabi, hila-hila ng kambal ang babae papasok ng kanilang gate. "Daddy, I got you a wife. Meet our Mommy!” Kinindatan pa ng mga bata ang kanilang ama. At nagbago ang lahat sa pagdating ni Rose Anne sa kanilang buhay. Magkaroon kaya ng puwang ang pagpapatawad sa pagitan ni Rose Anne at Ambrose? Maging maligaya kaya sila sa pagkakataon ito upang ituloy ang kanilang naudlot na pagmamahalan o maghihiwalay na silang tuluyan sa piling ng kani-kanilang bagong minamahal?
Romance
101.2K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status