Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
My Billionaire Daddy

My Billionaire Daddy

Matapos ma-frame ng kanyang boyfriend at matalik na kaibigan, si Jennica ay nagpalipas ng gabi kasama ang isang misteryosong estranghero. Lubusan siyang nag-enjoy sa hindi inaasahang pagkikita, ngunit nang magising siya kinaumagahan, hindi niya maiwasang makaramdam ng sama ng loob sa kanyang ginawa. Ang lahat ng kanyang kasalanan, gayunpaman, ay nahugasan nang makita niya ang mukha ng lalaki na nakahiga sa kanyang tabi. “He’s... handsome,” bulong niya, napanganga sa nakikita. Ang kanyang pagkakasala ay mabilis na napalitan ng kahihiyan, at ito ang nagtulak sa kanya na iwanan ang lalaki ng kaunting pera bago siya umalis. Nagulat si Darf. ‘Ang babaeng sinubukang bayaran ako? Parang baliw?’ naisip niya, na-offend. "Tanungin mo ang manager ng hotel para sa CCTV record," maawtoridad na utos niya sa kanyang assistant, na kumunot ang kanyang mga kilay. May determinadong ekspresyon sa mukha niya. "Gusto kong malaman kung sino ang nasa kwarto ko kagabi." ‘At kapag nahanap ko na ang babaeng iyon, tuturuan ko siya ng leksyon!’ Saan kaya pupunta ang kanilang kuwento?
Romance
8.717.1K viewsOngoing
Read
Add to library
CLAIMED BY THE HOT GOVERNOR

CLAIMED BY THE HOT GOVERNOR

Nang mawalan ng trabaho si Cordelia o Cordie, ang huling inaasahan niya ay mapunta sa loob ng marangyang mundo ng pinakamakapangyarihang lalaki sa probinsya. Sa rekomendasyon ng kanyang tiyahin, tinanggap niya ang trabaho bilang nanny ng anak ng malamig at istriktong Gobernador—si Cassian Romano. Tahimik, malayo ang loob, at palaging may distansya—iyon ang Gobernador sa mata ng lahat. Ngunit may lihim ang Gobernador. Matagal na palang nakatago sa puso ni Cassian ang damdaming pilit niyang nilalabanan. Bata pa si Cordie noon nang una niya itong makilala, at bilang isang ama at politiko, natutunan niyang itago ang atraksiyong iyon sa ilalim ng yelo ng kanyang katauhan. Ngunit ngayong magkasama na sila sa iisang bubong, kasama ang anak niyang unti-unting minamahal ni Cordie, lumalabo ang mga linyang dati niyang malinaw na naiguhit. Ang bawat ngiti nito, bawat titig, ay nagbabalik ng damdaming pilit niyang nililibing. Si Cassian ay isang duwag pagdating sa pag—ibig pero hanggang kailan niya kakayaning pigilan ang babaeng matagal na niyang minamahal nang palihim?
Romance
1012.2K viewsCompleted
Read
Add to library
Beneath the Billionaire's Mask

Beneath the Billionaire's Mask

“Magiging asawa mo ako, Vespera. Hindi dahil gusto ko—kundi dahil wala kang takas.” Si Thorne Valtor, ang malamig at walang-awang CEO ng Valtor Enterprises, pinilit ng kanyang lolo na magpakasal upang iligtas ang pamilya at ang kompanya mula sa eskandalo. Hindi niya inaasahan na ang pipiliin niyang “pang-cover” ay ang bagong maid sa penthouse niya—si Vespera Lang. Pero hindi ordinaryong katulong si Vespera. Limang taon na ang nakalipas, isang mainit na gabi ng one-night stand ang nagtapos sa sakit nang sirain ni Thorne ang negosyo ng pamilya niya at itulak ang ama niya sa bangin ng kahirapan. Nawala siya noon, nagbago ng pagkatao, at ngayon ay bumalik siya—disguised, determined, handang magnakaw ng ebidensya at wasakin ang imperyo niya mula sa loob. Sa ilalim ng kontrata ng kasal, nagiging sunog ang bawat haplos, bawat tingin, bawat away. Si Thorne, na sanay mag-utos at mag-angkin, ay unti-unting nahuhulog sa babaeng akala niya kontrolado niya. Si Vespera naman, na puno ng galit, ay nahihirapang pigilan ang init na muling sumisiklab sa pagitan nila. Hanggang saan ang kaya niyang itago ang kanyang paghihiganti? At hanggang kailan kaya niyang itanggi na ang lalaking sinisira niya ang buhay ay siya ring lalaking hinahanap ng kanyang puso? Makakatakas ba sila sa trap na ito… o susunugin sila ng apoy na sinimulan nila pareho?
Romance
231 viewsOngoing
Read
Add to library
DESTINED TO BE HIS BRIDE

DESTINED TO BE HIS BRIDE

SYNOPSIS – DESTINED TO BE HIS WIFE Hindi niya siya pinili. Ngunit siya ang pinilit. Si Ayesha Dela Vega ay isang babaeng lumaban sa lahat—maliban sa sarili niyang pamilya. Isang kasunduan ang nagbago ng buhay niya. isang arranged marriage sa lalaking hindi niya kilala—ang malamig at misteryosong Rohan Villarreal, tagapagmana ng pinakamakapangyarihang angkan sa bansa. Ngunit sa mismong araw ng kasal, isang katotohanang hindi niya inaasahan ang sumabog. ang lalaking pinakasalan niya ay ang kabataang minahal niya noon, ang kalarong bigla na lang nawala, at akala niya’y patay na. Sa simula, inakala ni Ayesha na tadhana ang nagbabalik sa kanila. Hanggang sa isang gabi ng putok, dugo, at sigaw— nang barilin si Rohan sa harap niya, at sa sumunod na sandali, isang lalaking kamukha ni Rohan ang lumitaw mula sa dilim. Ngayon, habol ng pamilya Villarreal, tinutugis ng mga lihim na pilit itinago ng panahon, si Ayesha ay kailangang pumili kung sino ang paniniwalaan— ang lalaking minahal niya noon, o ang an inong nagdadala ng pangalan ng asawa niya ngayon. Ngunit sa mundong nilamon ng kapangyarihan at kasinungalingan, ang katotohanan ay may kabayarang dugo. At sa pagitan ng dalawang lalaking may parehong mukha, isa lang ang dapat mabuhay. “DESTINED TO BE HIS WIFE” — isang kwento ng pag-ibig, lihim, at kapalaran. Kung saan ang puso ay sandata, at ang bawat halik ay maaaring maging sumpa.
Romance
520 viewsOngoing
Read
Add to library
Hired As The Multi-millionaire CEO's Sex Slave (SPG)

Hired As The Multi-millionaire CEO's Sex Slave (SPG)

"You don't need money or connection here. You'll be hired. You just have to accept my condition and do your work well." *** Hindi inakala ni Jaxen na ang huling sabak niya ng paghahanap ng trabaho para iligtas ang kaisa-isang babaeng mahalaga sa kanya ay ang pagbebenta ng sarili niyang katawan. Sa harap ng napakaganda ngunit napakalamig na milyonaryong si Kestrel Vianne Montero, dalawang kontrata ang nakalatag—parehong para sa trabaho sa kompanya at para sa trabahong kailangan ay pagsilbihan siya. He was hired to be more than just an employee. He was hired to be her Sex Slave. Sanay si Jaxen sa laro ng apoy. Sanay siyang kumuha ng atensyon. Sanay siyang makipaglaro sa sarap. Ngunit ang dating ginagawa niya para sa sariling aliw, ngayon ay magiging isang obligasyong kailangan niyang panindigan—anumang oras, saanmang lugar, o sa kahit anong paraan dipende sa kagustuhan ng kanyang amo. Sa ilalim ng kapangyarihan ni Vianne, unti-unting lulunukin ni Jaxen ang kanyang pride kapalit ng bawat sentimong magdudugtong sa buhay ng isang ispesyal na babae sa buhay niya. Ngunit sa bawat maiinit na haplos, bawat nakakaakit na daing at bawat gabi ng pagsunod, may isang tanong ang palaging gumugulo sa kanya... "Hanggang saan niya kayang ibigay ang kanyang katawan kung ang kapalit nito ay ang unti-unting pagkaka-alipin ng kanyang puso?"
Romance
107 viewsOngoing
Read
Add to library
Till Contract Do Us Part

Till Contract Do Us Part

Dahil sa malaking problemang kinakaharap ng pamilya ni Bella, kinailangan nyang lumuwas ng Maynila upang makipag-sapalaran. Since sya lang ang inaasahan sa kanila, nag-doble kayod sya upang matugunan ang iba pa nilang pangangailangan at maisalba ang bahay at ilang ari-ariang naipundar ng kanyang mga magulang. Bukod doon, kailangan din nyang maipagamot ang kanyang amang may sakit. Dito nya makikilala ang isang lalaking magiging parte ng kanyang buhay. Isang mayamang abogado. Kapalit ng tulong na ibibigay nito sa kanya, ay ang alok naman nitong kasal pansamantala lamang. Kasal na sa mata ng lahat ay isang perpekto at masaya, ngunit sa kabila nito ay isang kontratang naglalaman ng mga kasunduan. Mapaglalabanan kaya nila ang bugso ng damdamin, o mapapanatili ang sinumpaang kasunduan?
Romance
10544 viewsOngoing
Read
Add to library
MOON BRIDE

MOON BRIDE

A MYSTERIOUS AND ANCIENT FAMILY... A GIRL LIVING A SIMPLE LIFE BUT CARRIES AN EXTRAORDINARY DESTINY... SA isang malayong bayan ng Tala, simple at tahimik ang buhay ni Ayesha. Hanggang biglang may sumulpot na mga lalaki sa buhay niya. Siya daw ang moon bride at kailangan niya mamili kung sino sa kanila ang kanyang mapangasawa para isakatuparan ang tradisyon ng mga pamilya nila mula pa noong unang panahon. Kasabay ng pagsulpot ng mga Alpuerto sa buhay ni Ayesha ay ang mga rebelasyon din ng tunay niyang pinagmulan at ang kahulugan ng mga panaginip na paulit-ulit siyang dinadalaw sa gabi. But being a moon bride is never easy. Lalo na ang magkaroon ng koneksiyon sa mga Alpuerto. Danger and darkness is lurking in the shadows. Naghihintay ng tamang sandali para pabagsakin ang pinakamatandang angkan sa kasaysayan.
Romance
1019.1K viewsCompleted
Read
Add to library
Release Me, Mr. Billionaire (Filipino)

Release Me, Mr. Billionaire (Filipino)

Rizza was kidnapped and brought to the place where Drake is living with his men. Hindi siya dinukot para ipatubos sa kanyang pamilya hindi kagaya ng mga napapanood niya sa mga drama sa telebisyon. Siya ay dinukot ng mga hindi kilalang lalaki upang bigyan ng anak na magiging tagapagmana si Drake na ayaw na mag-asawa sa takot na baka lokohin at iwan na naman ito. Pumayag kaya si Rizza sa nais ng bilyonaryong binata na bigyan niya ito ng anak na magiging tagapagmana ng lahat ng mga ari-arian at kayamanan ng pamilya nito? Paano kung tanggihan niya ang bilyonaryong binata na si Drake? Makabalik pa kaya siya sa kanyang pamilya na buhay? Kahit tanggihan niya ang bilyonaryong binata na si Drake hindi na niya matatakasan ito.
Romance
10.6K viewsCompleted
Read
Add to library
Call Me, Kuya!

Call Me, Kuya!

Nag-iisa niyang tinaguyod ni Unique ang kanyang pamilya kaya bukod sa pagtitinda ng balut sa gabi ay naisip niya na magtrabaho bilang secretary sa malaking building na naghahanap ng secretary, dahil confidence siya na matatanggap siya sa trabaho dahil nakapagtapos naman siya ng highschool. Pero sa pag-apply niya ng trabaho at sa pag-aakala ni Unique na natanggap ito bilang sekretarya ang maging trabaho niya pero iyon pala ay magpanggap si Unique na anak sa nagmamay-ari ng building na tinatrabahuan nito. Kaya niya bang tanggapin ang alok nito kapalit ng malaking halaga para sa kanyang pamilya? Hanggang kailan ang kaya niyang magpanggap kung sa kabila ng lahat may nararamdaman na siya na pag-ibig sa anak ng kanyang tinuturing na magulang?
Romance
8.826.8K viewsCompleted
Read
Add to library
Maling Akala

Maling Akala

Pagkatapos ng matagumpay na business deal sa Batangas, nanatili si Jericho sa isang resort upang magpahinga at magdiwang. Gayunman, nabalewala ang kanyang pahinga nang tawagan siya ng ama upang ipaalala ang nalalapit na pamamanhikan para sa nakaayos na kasal ng kanyang kapatid. Ipinakita rito ang impluwensya ng pamilya at tradisyon sa kanilang buhay—mga desisyong tila nakaplano na kahit hindi pa sila handa. Ngunit malinaw ang paninindigan ni Jericho: siya mismo ang pipili ng babaeng pakakasalan niya. Sa gitna ng kanyang pagod at kalasingan, isang hindi inaasahang pangyayari ang gumising sa kanya—ang pagdating ni Danica, anak ng kanyang business partner. Tahasang ipinakita ng babae ang kanyang pagnanasa at balak na mapalapit kay Jericho, maging walang commitment man. Lumalabas na nais din ng ama ni Danica na maging manugang si Jericho. Ngunit matatag siyang tumanggi. Ayaw niya ng sapilitang relasyon o kasal na hindi niya pinili. Sa unang kabanata pa lamang, nahahayag na ang karakter ni Jericho bilang isang lalaking may prinsipyo, hindi basta nagpapadala sa tukso, at handang labanan ang dikta ng iba para sa sariling kalayaan.
Romance
210 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3839404142
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status