His Obsession is My Sweetest Revenge
Nawala ang mga magulang ni Talitha dahil sa kagagawan ng pamilya Salvador. Kaya ang paghihiganti ang tanging tibok ng kanyang puso.
Upang magkawatak-watak ang mga ito, pumasok si Talitha sa mansion nila bilang isang katulong. Ang kaniyang plano? Akitin ang ama ng tahanan at ang nag-iisang anak nilang lalaki. Naniniwala si Talitha na madali niyang maisasagawa ang kaniyang plano—dahil siya ang palay na kusang lalapit sa mga manok.
Ngunit nang makilala niya si Locke Salvador, ang tanging tagapagmana, nagbago ang lahat. Si Locke ay singlamig ng yelo at tila walang interes sa sinuman. Kaya ang laro ay bumaliktad: Mula sa pagiging mang-aakit, bigla siyang naging biktima ng mapanganib na atensyon ni Locke.
Ngayon, hindi na lamang paghihiganti ang laro. Kailangang maging handa si Talitha na gamitin ang nakakapasong obsesyon ni Locke para matapos ang misyon na nagsimula sa paghihiganti at pighati.