Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Broken Wife's Revenge: Her Husband And Sister Will Pay!

The Broken Wife's Revenge: Her Husband And Sister Will Pay!

Sa loob ng limang taon, buong pusong ipinaglaban ni Caelith Skyhart ang pagmamahal niya kay Lucienn Ashford. Siya ang lalaking itinayo niya mula sa pagkakadapa, minahal sa kabila ng lahat, at pinakasalan sa harap ng buong lungsod. Ngunit isang umagang tahimik, isang mensahe ang gumising sa katotohanang hindi niya kailanman inasahan—buntis ang kapatid niyang si Celene, at ang ama ay si Lucienn. Sa gitna ng pagkawasak, pagtataksil at sakit, kailangan ni Caelith na tumindig. Hindi para ipaglaban ang pagmamahal kundi para bawiin ang sarili at ang lahat ng itinayo nilang dalawa. Ito ay kwento ng isang babaeng minsang naging liwanag sa dilim ngunit ngayo’y naging apoy na handang lamunin ang lahat ng sumira sa kanya. Hanggang saan ka magmamahal kung ang taong pinili mo ay pinili ang iba?
Romance
10506 viewsOngoing
Read
Add to library
Seducing My Ex’s Billionaire Uncle

Seducing My Ex’s Billionaire Uncle

Nagunaw ang mundo ni Odessa Gabriel nang mahuli niya ang boyfriend na si Samuel na nakikipagtalik sa kaniyang best friend na si Mila. Hindi niya akalain na magagawa siyang lokohin ng kasintahan sa mismo niyang kaibigan, at dahilan pa nito, nagawa niya lang iyon dahil hindi pumapayag ang babae na makipagtalik sa kanya. Lubos na pinahahalagahan ni Odessa ang pagkababae, kaya naman inilalaan niya ang una nilang gabi kapag ikinasal na sila, ngunit hindi nakapaghintay ang nobyo. Dumagdag pa sa problema ni Odessa ang utang ng yumaong ama na kailangan niyang bayaran. Wala siyang pamilya at wala siyang ibang aasahan kundi ang sarili niya. Agad siyang nag-apply bilang sekretarya sa malaking kompanya. Hindi siya nakapagtapos ng kolehiyo, pero likas siyang matalino kaya naman pinalad siya at natanggap. Huli na niyang nalaman na ang boss niya pala ay walang iba kundi si Nicholas Romero, tiyuhin ni Samuel, ang itinuturing ng ama at taong tinitingala ng dating kasintahan. Guwapo, matipuno, at matalino, ngunit mailap sa mga tao si Nicholas. May pumasok na hindi magandang ideya sa isip ni Odessa… Ang akitin si Nicholas. Maganda siya at maganda rin ang katawan kaya naniniwala siyang kaya niya iyon. Alam niyang nilalagay niya sa panganib ang sarili sa gagawin, ngunit desperada siyang makaganti sa dating nobyo. Kaya naman ginawa niya ang lahat upang mapansin ni Nicholas. Madalas na siyang mag-ayos at magsuot ng magagandang damit. Ngunit tila bato ang amo dahil hindi ito nadadala sa mga pang-aakit niya. Pero lahat ay may hangganan, isa na roon ang pagtitimpi ni Nicholas.
Romance
10438 viewsOngoing
Read
Add to library
Abducted By My Father's Enemy

Abducted By My Father's Enemy

Halos pagsakluban ng langit si Ambria nang malaman niyang namatay sa brutal na paraan ang kanyang ama. Ngunit sa kabila ng bilin sa kanya ng kanyang ama na huwag uuwi ng Pilipinas ay hindi niya sinunod ito at umuwi siya upang ipagluksa ang pinakamamahal niyang ama. Ngunit nang pabalik na siya sa Europe upang ituloy ang kanyang Buhay ay hinarang ang kotseng sinasakyan niya patungong airport. Kinidnap siya ng armadong mga lalaki at ikinulong sa madilim na kuwarto. Hindi siya nakaramdam ng takot dahil alam niya ang kanyang kapalaran sa kamay ng mga kumidnap sa kanya at hinanda na niya ang kanyang sarili na mamatay at sumunod sa kanyang mga magulang. Ngunit paano kung hindi kamatayan kundi kasal sa Isang estranghero ang i-alok sa kanya upang makalaya? Papayag ka siya sa kasunduan? O papayag siya upang mahanap at makapaghiganti sa taong tumapos sa Buhay ng kanyang natitirang magulang?
Mafia
2.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Falling for the Mysterious CEO

Falling for the Mysterious CEO

Naintriga si David Samonte nang makita niya si Helaena na desperadong umiiyak sa isang sulok ng office room. Namumugto ang mga mata at namumula ang ilong sa kaiiyak. At ang nakaiintriga nang higit kay David ay hindi siya kilala ng dalaga. And for the life of him, he was there and coaxed her to pour out to him her problems. And on top of all that, inalok niya ang sarili sa dalaga bilang rebound ng taksil nitong boyfriend. Subalit paano pakikibagayan ng isang tulad ni Helaena ang isang man of the world na kung tawagin ay Big boss na tulad ni Nathaniel David Samonte.
Romance
7.9K viewsCompleted
Read
Add to library
The Unforgettable Night With You

The Unforgettable Night With You

YlatheDreamer
Wala sa bokabularyo ng isang Clement Kit ang pagpapakasal, kahit nga ang salitang "commitment" ay hindi sumagi sa isipan niya. Everyone calls him a playboy, but not for so long dahil nakatakda na siyang ikasal. Natagpuan niya na lang ang sarili sa isang bar bago ang araw ng kaniyang kasal. Sa hindi malamang dahilan ay naagaw ng isang babaeng nakatayo sa entablado ang kaniyang pansin. Sa kabilang banda, nakatayo si Fauvine Lavar sa isang entablado. Sa dami ng taong naroon ay humihiling siya na sana ay may tumulong sa kaniya. Kaya laking gulat na lang niya ng may lalaking humila sa kaniya at inalalayan siya pababa. Nauwi sila sa isang mainit na gabi. Isang gabing kapwa hindi nila malimutan. Kapwa tumatak sa isip ng bawat isa pero tumatak din kaya sa puso ng bawat isa? Ngunit paano si Fauvine kung nakatakda na ikasal si Clement?
Romance
3.6K viewsOngoing
Read
Add to library
KIDNAPPED

KIDNAPPED

!!!WARNING!!! Explicit content. Not for young readers parental is a must!!! Lumaki siya at nagkaisip sa isang napakalayong Isla. Lumaking napakainosente at salat sa kaalaman kung ano talaga ang reyalidad at tunay na nangyayari sa labas ng islang tinuring na niyang mundo.  Mayroon siyang mapagmahal na ama ngunit mahigpit siyang pinagbabawalang umalis palabas ng Isla, mapanginib daw sa labas at tanging isla lamang ang ligtas na lugar para sa kaniya.  Mayroon din siyang kapatid na lalake na sa hindi niya malaman na dahilan ay iba ang turing sa kaniya. Her own brother was lusting over her, desiring her body.  He then, seduced her, pero bakit naaakit din siya?  Bakit nag-iiba ang tingin niya sa sariling kapatid?  Hanggang sa nagising na lamang siyang nalulunod sa mga halik at yakap nito. Ang sabi niya normal lang sa magkapatid ang ginagawa nilang dalawa. Totoo ba, na normal lamang na ma-in love ang magkapatid sa isa't isa? Paano kung unti-unti niyang matuklasan ang lihim ng mga taong itinuring niyang pamilya?  Paano kung malaman niyang ang tinuturing niyang kapatid at pinagkakatiwalaan ng lahat-lahat sa kaniya ay isang kinatatakutang pinuno ng sindikato na tinatawag nilang, Mafia? Paano kung matuklasan niyang pawang kasinungalingan lamang ang lahat ng tungkol sa buhay niya? Paano kung matuklasan niyang isa rin siya sa mga naging biktima ng KIDNAPPED?!
Romance
9.969.8K viewsOngoing
Show Reviews (39)
Read
Add to library
Sugar Aquino
Hindi ko mapigilan ang sarili ko basahin kahit nasa ibang flatform to sobrang ganda still waiting ako sa POV ni Sin ..hindi ko pa tapos humahabol ako worth it ang araw araw kong check in... congratulations Miss A the best ka talaga gumawa nang Story ...
Asliey
subra ganda at sulit na sulit po basahin paulit ulit ko binabasa sa tuwing myrun update.sana po ms A.pg matapos to gawa ka din ng ganito story na halos bawat chapter marami ganap at mananabik ulit sa sunod na chapter.super the best po kayo ms.A.north sinister pangalan palang yummy na......️
Read All Reviews
Carrying My Ex-Boyfriend's Child

Carrying My Ex-Boyfriend's Child

Sa araw na nalaman ni Nikita na siya'y nagdadalang-tao, nakipaghiwalay si Kent sa kaniya, upang makipagbalikan kay Lauren, ang dati nitong kasintahan. Pinili niyang ilihim na lamang dito ang tungkol sa pagbubuntis niya sa isiping ayaw niyang mapilitan ang binata na magpakasal sa kaniya upang panagutan lamang ang anak nila. Ayaw niyang mamuhay sa isang pilit na pamilya ang anak kung kaya't minabuti nalang nitong huwag sabihin sa lalaki. Nang malaman ni Nikita na ikakasal na si Kent at Lauren, nagdesisyon itong sumama sa kaibigang si Hanz papunta sa ibang bansa upang doon manirahan at palakihin ang anak nila ni Kent. Si Hanz ay may lihim na pagtingin sa babae. Nang umamin ang kaibigan kay Nikita sa kaniyang totoong nararamdaman ay sinubukan ulit ng babaeng buksan ang puso niya para sa pagmamahal. Sino ang mananaig sa puso ng dalaga, ang ama ng anak niyang minsan na siyang iniwan o ang kaibigang matagal ng may pagtingin sa kaniya na walang ibang ginawa kung 'di ang mahalin sila at ang anak nila ni Kent? Pipiliin mo ba ang buong pamilya o ang masayang pamilya? Maaayos pa ba ang relasyon sa pagitan nila Kent at Nikita o mabubuo ang bagong relasyon sa pagitan ng dati pang dalawang matalik na magkaibigan?
Romance
1022.9K viewsCompleted
Read
Add to library
Haplos Ng Kasalanan [ SPG ]

Haplos Ng Kasalanan [ SPG ]

Nang dahil sa hirap ng buhay walang nagawa si Elyze kundi humingi ng tulong pinansyal sa kaniyang long time boyfriend na si Renz nang lumala ang sakit ng kaniyang ate Hope na asthma at nagkaroon pa ito ng komplikasyon sa puso. Kaya lang nagalit si Renz nang mag usap sila sa labas ng Hospital. Nag away silang dalawa at nauwi sa sumbatan. Naghiwalay sila dahil hindi matanggap ni Elyze na pagsasalitaan siya ng hindi maganda ni Renz. Narinig naman ni Oliverio ang pag uusap nang dalawa at nang tumakbo palayo si Elyze bumangga siya sa nakapaguwapong Bilyonaryo walang iba kundi si Oliverio, na siya ring CEO ng kompanya kung saan nagtatrabaho ang dalaga. Nakilala naman ni Elyze ang Boss kaya mas lalo siyang nahiya dahil naiyak siya nang mga oras na iyon. Hindi naman pinalampas ni Oliverio ang pagkakataon at inalok ng Kontrata tungkol sa kasal ang dalaga kapalit ng pagtulong nito sa problema niya. Dahil walang ibang pagpipilian pumayag si Elyze para maisalba ang kapatid. Ikinasal sila at napagamot ang kaniyang ate. Habang tumatagal nahulog sila sa isa't isa at nanatili silang in denial sa nararamdaman. Hahamakin kaya nila ang lahat para sa pag ibig?
Romance
1022.2K viewsOngoing
Read
Add to library
A Playboy's Touch

A Playboy's Touch

'Kasal muna bago ang lahat.' Isang tradisyunal na paniniwala ni Sunday Morales na kaniyang labis na pinahahalagahan. Kaya nga kahit gusto ng nobyo niyang may mangyari sa kanila ay umaayaw s'ya. Nang isang araw ay naabutan niya itong halos gumawa na ng kababalaghan kasama ang isang babae. At noon din nama'y nakilala niya ang isang estrangherong lalaki na parang may dalang sumpa at hindi niya matanggihan. Isang gabing kaniyang pagsisisihan dahil ibinigay niya ang kaniyang pinakaiingatang dangal. Isang lalaking mahilig sa babae. Mapaninindigan kaya niyang ilayo ang sarili dito gayong patuloy ito sa paglapit at pang-aakit sa kaniya?
Romance
108.0K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Unrequited Love

The Billionaire's Unrequited Love

Ang tanging gusto lang ni Hastiana Florence sa buhay niya ay mapansin at mahalin ng isang Connor Sullivan kagaya ng pagmamahal niya para dito kaya naman ibinigay niya ang sarili niya dito sa pag-aakala na magiging parehas ang nararamdaman nilang dalawa pero nangangarap lang pala siya dahil kahit kailan ay hindi nito kayang suklian ang pag-ibig niya. Napuno siya ng lungkot at takot lalo na nung nalaman niya na nagbunga ang ginawa nila ni Connor. Upang maiwas sa kahihiyan ang mga magulang ay mas pinili niyang magpakalayo nalang at kalimutan ang lahat. Paano kung isang araw ay magparamdam si Connor sa kaniya?
Romance
1011.8K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
4142434445
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status