Dear Husband: You Love Me Too Late
"Try to divorce me, I will make you suffer even more. I will destroy you!" ika niyang nanggagalaiti sa galit. Hawak niya sa leeg si Ysabella. Ang likod nito ay nakasandig na sa pader. Wala na itong kawala pa.
Imbes na takot. Imbes na umiyak at magmakaawa, napahalakhak si Ysabella. Napaubo lamang siya nang humigpit ang nanginginig na kamay ni Daniel sa kaniyang leeg. Pasakal.
"Destroy? Wala ka nang sisirain pa, Daniel. Wala na dahil hindi mo lang sinira, winasak mo pa. Winasak mo hindi lang pagkatao ko..." Asik niya. Walang mababakas na emosyon sa kaniyang mukha. Manhid na siya sa lahat ng kalupitan ng kaniyang asawa.
"Ang pilat sa likod ko ang magpapatunay ng kalupitan mo. Ang mga kalyo sa kamay ko ang ebidensya sa hirap na dinanas ko. Para kumain. Lumaban ako para mabuhay. Ang payat kong pangangatawan ang resulta ng pagdurusa ko ng dahil sa iyo. Daniel, lahat ng ito, sa pisikal lang na sakit. Nagpapaalala lang ng pagkakamali kong minahal kita. Walang wala sa buong pagkatao ko na winasak mo ng pinong-pino!
Napailing si Daniel. Ayaw tanggapin ang mga salitang namutawi sa bibig ni Ysabella. Nang babaeng mahal na mahal siya. At nagsasabing...
Pagod na itong mahalin siya.
"You will love me again. Bubuuin kitang muli. Just stay! As my wife..."
Umiling si Ysabella. "You love me too late, Daniel. Too late..."
She was hated. Destroyed! And now loved?
For her, it's too late.
For him, he needs to start anew.
But fate will decide for them.
Does love have a second chance this time?