One Night Stand with a Stranger
“Queen Bee? Ano yun?”
Tumango siya, parang proud na proud. “Oo, Queen Bee. Yan ang pangalan ng air ambulance namin Alam mo ba, ako mismo ang nagpangalan d’yan?”
“Bakit naman ‘Queen Bee?’” tanong ko, curious.
Ngumiti siya, halatang pinag-isipan talaga ang sagot. “Kasi ang Queen Bee sa isang beehive, sobrang mahalaga ang role. Siya ang gumagawa ng paraan para maayos ang lahat. Ginagawa niya ang lahat para sa hive. Ganon din ang ambisyon ko para sa air ambulance na ’to. Kahit sa mga lugar na imposible nang abutin, nagiging posible sa tulong nito.”