Chasing Solace
Hindi na niya kailangang tanungin ng marami, nabasa na niya agad ang pagkatao nito, sa bawat kumpas ng daliri at pagpungay ng mata.
Mahilig sa lalaki. Mahilig mag-seduce. At higit sa lahat, halatang sanay makipaglaro. Maganda si Karley Javier, ang nag-iisang tagapagmana ng Javier Luxury Hotel na nakabase sa Taguig, isang prestihiyosong negosyo na kilala sa high-end na accommodations. Kung tutuusin, impressive ang background ng babae, at may katuturan ang mga koneksyon ng pamilyang Javier sa mundo ng negosyo.