Lucky Me! Instant Mommy?
"H-Hindi kasi pwede. Dalawa ang masasagasaan ko. Kapatid ko, pamangkin ko. Kung hahayaan kong maging sila, alam kong kaya ko ang sarili ko. Siguro masasaktan din ako, pero alam kong makakamove on din ako. Saka baka infatuation lang ‘to o ano kasi palagi kaming magkasama. Kumbaga parang nadevelop lang ako sa kanya. Pero alam mo, ang daya naman, eh. Palpak ‘yang si kupido! Pumana na lang, sablay pa! Duling ba ‘yon?"
"Siguro nga. Madalas sablay siya. Ang dami kayang tao na napofall din sa maling tao. Pero sayang kayo girl. First love mo yang si Carter di ba? Hindi mo talaga bibigyan ng kahit konting chance man lang? Ang saya kaya mainlove."
"Ah, kaya pala malungkot ka rin ngayon kasi masaya mai