Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Unlucky girl is billionaire

The Unlucky girl is billionaire

"P-Pa..bat nyo naman ako iniwan" sabi ko sa malamig na bangkay ni papa na nasa loob ng kabaong,umalis lang ako saglit pagdating ko patay na sya. "Ano pang ginagawa mo dito?" Napatingin ako kay tita habang nakapamewang sya. Napayuko nalang ako dahil pinagtitinginan kami ng mga tao dito. "T-tita--" "Wag mo akong matita tita dyan! Ikaw ang malas sa buhay namin! Pati asawa ko namatay dahil sa kamalasan mo!! Ngayon layas!!" Malakas na sigaw nito,nagbubulungan na ang ibang tao. "T-tita wala p-po akong m-matutuluyan e" Umiiyak na sabi ko kay tita.Bigla nya akong kinaladkad palabas ng mansyon. "Pag sinabi kong layas! Layas!!" Sigaw nanaman nito dahilan para mapatingin maging ang mga tao sa labas ng gate. Umiiyak na tumayo ako,nagmamakaawang wag naman sana nya akong palayasin. "Malas ka samin alam mo ba yun?! Ha?! Dahil sayo nawalan ng pake sakin ang asawa ko! Nasa sayo ang atensyon nya! Huh! Bakit nga ba ganun?! E AMPON KA LANG NAMAN!!" Malakas na sigaw nanaman nito kaya mas lalong lumakas ang mga bulungan. "Mom whats happening here?" Tanong ni Stella....anak nya. "Pinapalayas ko na sya" maawtoridad na sabi ni Tita,tumawa naman si Stella. "So ano pang ginagawa mo? Layas na! Chupi! Bawal ang malas dito!" Sigaw nito. Wala akong nagawa kundi ang tumakbo ng tumakbo.Siguro nga malas ako,wala na si Papa sakin...wala na rin akong matutuluyan,bakit pa ako nabuhay?!
Other
822 viewsOngoing
Read
Add to library
Triplets and a Second Chance

Triplets and a Second Chance

Nagluluksa si Amara Alcantanra sa burol ng kaniyang ina habang abala ang kanyang asawa sa pagdiriwang ng kaarawan ng unang babaeng minahal nito—punong-puno ng kasiyahan at engrande ang selebrasyon. Klarong-klaro ang lahat kay Amara. Kung hindi siya mahal ng lalaki, ayaw na rin niya dito. Iniwan niya ang kasunduan ng diborsyo sa ibabaw ng mesa at piniling ipalaglag ang dinadala, at lumakad palayo nang mag-isa. Limang taon ang lumipas. Sa isang marangyang subastahan, lumitaw ang chief auctioneer nakasuot ito ng isang hapit na makabagong Filipiniana na backless, may mataas na slit sa hita, at natatakpan ng puting belo ang kanyang mukha. Lahat ng mata ay kusang tumigil sa kanya. Napasimangot si Argus De Luca, bahagyang nanliliit ang mga mata. "Ang pangalan niya'y Reina?" Tumango ang kanyang assistant. "Yes, Sir. May nabalitaan rin akong minsan may nag-alok ng sampu-sampung milyon kapalit ng pagkakataong makita ang tunay niyang mukha pero tinanggihan niya." Sa wakas, natagpuan na ni Argus De Luca ang babaeng matagal na niyang hinahanap sa loob ng limang taon. Kinagabihan ay hinarang niya ito sa isang kanto. "Auctioneer Reina, hanggang ngayon ay tinatakbuhan mo pa rin ako o mas tamang sabihin kong Amara?" "Argus, hiwalay na tayo." "Hindi ko kailanman sinang-ayunan 'yon. Nasaan ang anak ko?" "Mukhang nakalimot ka, Argus… ikaw mismo ang dahilan kung bakit nalaglag ang bata, limang taon na ang nakalipas!" Ngunit ngumisi si Argus, at may inilantad sa harap niya. "Kung gayon, ipaliwanag mo ito." Triplets na limang taong gulang ang nakatayo sa harap nila.
Romance
9.356.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Vengeance of the Reborn CEO’s Wife

Vengeance of the Reborn CEO’s Wife

📖 S Y N O P S I S Vengeance of the Reborn CEO’s Wife Sa paningin ng lahat, si Aurora Steele ay may perpektong buhay — asawa ng makapangyarihang negosyanteng si Xavier Steele, ina ng isang mabait at maganda nilang anak na si Amara, at ginagalang ng lipunan bilang huwarang babae. Ngunit sa likod ng magarang ngiti at marangyang tahanan, nakatago ang malamig na distansya, mga lihim, at mga kasinungalingang unti-unting sumisira sa kanyang mundo. Pagbalik ng kanyang kambal na si Lilith, dala ang isang batang lalaki na may parehong mga mata ni Xavier, nagsimulang mabunyag ang mga lihim na matagal nang inilihim sa kanya. Hanggang sa isang gabi ng trahedya, lason ang pumatay sa kanyang anak — at ang tiwala ni Aurora ay tuluyang gumuho. Pinagkamalan siyang baliw, tinuligsa ng asawang minsan niyang minahal, at iniwan sa dilim ng sariling pagkawasak. Ngunit hindi doon nagtatapos ang kanyang kuwento. Sa misteryosong pag-ikot ng tadhana, nagising si Aurora — isang taon bago mangyari ang lahat. Ngayon, dala niya ang lahat ng sakit, ang lahat ng alaala, at ang lahat ng dahilan upang magbago. Hindi na siya ang babaeng umiiyak sa dilim. Hindi na siya ang asawang nagmamakaawa ng pansin. Ngayon, siya na ang reina ng sariling laban — tahimik, matalino, at mapanganib. Sa ilalim ng mapanlinlang na ngiti, itatago niya ang kanyang mga plano. Sa bawat salita, itatali niya muli ang mga taong minsang sumira sa kanya. Ngunit sa oras na bumalik ang mga anino ng nakaraan, isang bagay ang malinaw: Ang babaeng minsang tinalikuran, ngayon ay muling isinilang — hindi para magmahal, kundi para gumanti.
Romance
10354 viewsOngoing
Read
Add to library
Unmarried Wife

Unmarried Wife

Lunayvaiine
Isang kasalanan ang nagdala kay Riyana sa isang masalimuot na buhay may asawa. Nabuntis siya ng nobyo ng kapatid niya, napilitan siyang pakasalan ni Elthon para makuha nito ang mana na iniwan ng yumao niyang ama. Nangibang-bansa si Monica nang malaman niyang magkakaroon na ng anak ang kapatid niya at ang nobyo niya ang ama. Masakit kay Monica ang nangyari hindi niya akalain na ang kapatid niya pa mismo ang magta-traydor sa kaniya. Nagpaubaya siya para sa bata. Lumipas ang ilang taon si Monica pa din ang mahal ni Elthon, kahit kailan ay hindi niya mamahalin si Riyana dahil nabuntis niya lang ito noong pareho silang nalasing. Hindi sinasadya at hindi niya inaasahan. Nasangkot si Elthon sa isang sindikato. Napagbintangan siya na isa siya sa mga myembro nito dahil siya ang nahuli nang magkaroon ng raid sa mismong lugar ng pinangyarihan. Nakulong ng ilang buwan hanggang sa napatunayan na wala siyang kinalaman sa drugs. Hanggang sa nalaman ni Elthon na namatay si Monica dahil binigay nito ang puso niya kay Riyana. Nabaril si Riyana nang mga sindikatong naglagay kay Elthon sa kapahamakan. Hindi niya alam mahina pala ang puso ni Riyana at may sakit si Monica noong pumunta ito ng ibang bansa. Halos gumuho ang mundo ni Elthon ng malaman niya ang nangyari. Sinisi niya si Riyana sa lahat. Nawala ang kaisa-isang babaeng minahal niya at pinangakuan niya ng kasal. Lahat ng pangarap niya para sa kanilang dalawa ni Monica ay nawala dahil kay Riyana. Kaya ginawa niyang miserable ang buhay nito sa piling niya.
Romance
51.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Framed the Prince to be My Baby Daddy

Framed the Prince to be My Baby Daddy

aiwrites
Gumuho ang mundo ni Aldrick Laureus nang piliin ng babae na pinakamamahal niya ang kan'yang kapatid sa ina. Sa ikalawang pagkakataon ay iniwan siya na lugmok at luhaan ng prinsesa na inalayan niya ng buong mundo niya. Nagpasiya siya na tuluyan nang lumayo at kalimutan ang nakaraan nila ngunit dahil sa isang pakiusap ay mapipilitan siya na muling harapin ang pait ng kahapon na ayaw na sana niyang balikan pa. Isang misyon ang ipinakiusap sa kan'ya: hanapin ang prinsesa na naglayas upang takasan ang isang arranged marriage. Sounds familiar, right? Russia Mercado has been living a good life, but that is until she falls stupidly in love with the wrong person. In a blink of an eye, things have not been easy, especially when she decided to run away from home. Napasok siya sa isang magulong sitwasyon dahil lamang sa pagtalikod niya sa sariling pamilya niya at pagpili sa maling tao. She made the biggest mistake of her life, and now she is paying all the consequences of her actions. She needs to reclaim her life and her freedom, and for her to do that, she needs to complete one mission. Isang misyon na maglalapit sa kan'ya sa isang bagay na pilit na niya na tinatakasan: ang salitang pagmamahal. Pag-ibig ang sumira sa kan'ya, ngunit pag-ibig din kaya ang muling bubuo sa pagkatao niya? Can she frame the prince to be her baby daddy and still find love in the end? Love comes in the most unexpected way at the most uncertain times. Dalawang taong galit sa salitang pag-ibig at hindi na naniniwala sa salitang pagmamahal ang pagtatagpuin ng tadhana upang guluhin ang kanilang paninindigan. Pagmamahal na isinumpa o pagmamahalan na aabot hanggang sa sumpaan? Handa na nga ba sila na muli na sumugal sa magulong mundo ng pag-ibig?
Romance
101.9K viewsOngoing
Read
Add to library
I'm His Broken Ex-Wife

I'm His Broken Ex-Wife

Thaliyan
*** I was complete but useless, when I met him. He was my saviour that time. He enlightened me and gave meaning to my useless life. He became my happiness but at the same time my sadness, that turns out to be my nightmare. I thought that he will be my first and last, but I'm wrong 'coz it's just lust. I gave everything to him, my life, my body and also my heart but he broke it. I was so dumb and became useless again but the worst part is he made me feel so loved but left me afterwards. Nung unang kita niya sa akin para akong isang bimpo na madumi na kanyang ni linisan at inalagaan... But after that, things turns upside down... Nagising na lamang ako ng mag isa at doon ko lang din na realized na panandalian lamang ang lahat. Sana pala hindi na niya ako pinulot pa kung mas malala pala ang huling babagsakan ko. Ang O.A ba ng explanation ko? O.A na kung O.A. But, you can't blame me. Nasaktan ako, nag dusa at nag tiis sa sakit ng iniwan niya ko. Wala siyang tinira pati ata ang kaluluwa ko dala niya. He left me hanging while falling apart. Lahat ng saya noong na kasama ko siya ay na palitan ng isang milyon na sakit nung iwan niya ako. Para akong lobo na bigla na lang binitawan pag katapos pag sawaan. Yes. That's me, the EX- Wife of that monster Zeke Ethan Harmes. I want to know the reasons why he throw me? Why he left me dumbfounded? I need an explanation. I need his acceptable reason. I need him and I love him. Pero mas gusto alamin kung minahal niya ba ako o ginamit niya lang ako para sa yaman?
Romance
614 viewsOngoing
Read
Add to library
Contracted Surrogate of the Zillionaire

Contracted Surrogate of the Zillionaire

Dahil sa hindi mabayarang utang na iniwan ng ama ni Ahtisa sa kaniya, kailangan niyang tanggapin ang kontratang maging surrogate ng tagapagmana ng bilyonaryong CEO na si Kairon Watson at ng girlfriend nitong si Celine Valdez. Apat na taon nang nagsasama si Kairon at Celine pero hindi pa rin sila nabibiyayaan ng anak dahil may problema si Celine sa kaniyang obaryo. Iyon ang dahilan kung bakit tutol ang mga magulang ni Kairon na magpakasal sila dahil kailangan nila ng tagapagmana, hindi sila p'wedeng mag-ampon dahil ang gusto ng mga magulang ni Kairon ay sarili dapat nilang apo at kadugo ang magmamana sa yaman nila. Doon nila napagdesisyon na kumuha ng surrogate na magdadala ng tagapagmana ni Kairon at iyon ay si Ahtisa. Dinala ni Kairon si Ahtisa sa pribadong isla upang itago at maproteksyonan siya. Sa halos araw-araw na pagtatalik ni Kairon at Ahtisa, hindi sila nabigong magbunga ito sa loob ng isang buwan. Sa pagdadalang-tao ni Ahtisa, namuo ang inggit sa kaniya ni Celine, lalo na kapag nakikita niya kung paano siya protektahan ni Kairon. Hindi maiikaila ni Ahtisa na nahuhulog na ang kaniyang loob kay Kairon at alam niya sa sarili niyang hindi niya na kayang ibigay sa kanila ni Celine ang batang dinadala niya dahil minamahal niya na rin ang batang nasa sinapupunan niya. Ano na ang gagawin ni Ahtisa? Paano niya kahaharapin ang galit sa kaniya ni Celine? At paano niya lalabanan ang pagmamahal na nararamdaman niya kay Kairon kung sa una palang ay mali na ito? Wala sa kontrata nila ang umibig siya sa ama nang pinagbubuntis niya!
Romance
9.621.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall

Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall

Pitong taon na silang kasal, ngunit laging malamig ang pakikitungo ni Eduardo, Monteverde kay Luna Santos. Ngunit si Luna ay palagi paring nakangiti, dahil sa mahal na mahal niya ito. Naniniwala rin siya na darating ang araw, mapapainit niya ang puso nito. Ngunit ang kanyang inaantay na pag-ibig ng lalaki ay napunta sa ibang babae, at ang kanyang pakikitungo sa babaeng ito ay mabuti. Nanatili pa rin siyang determinado sa kanilang kasal. Hanggang sa kaarawan niya, lumipad siya ng libo-libong milya patungo sa ibang bansa para makasama ang lalaki at ang kanyang anak na babae, ngunit dinala nito ang kanilang anak, para samahan ang babaeng iyon, iniwan siyang mag-isa sa walang laman na silid. Tuluyan ng sumuko si Luna matapos niyang makita na ang kanyang anak na babae ay gustong palitan siya ng ibang babae bilang ina. Hindi na siya nag dam-dam pa, nag-iwan siya ng sulat sa sobre para sa kasunduan ng diborsyo, isinuko niya ang kustodiya, at umalis ng may estilo. Mula noon, hindi na niya muli itong pinansin at hinihintay na mailabas ang sertipiko ng diborsyo. Itinuring niya ang kanyang pag-alis sa kanyang pamilya bilang isang pagkakataon para bumalik sa kanyang karera. Siya, na dating hinahamak ng lahat, ay madaling makakuha ng kayamanan na umaabot sa daan-daang bilyon. Ngunit sa kanyang mahabang paghihintay, ay ang hindi lamang pagdating ng sertipiko ng diborsyo, kundi ang lalaking ayaw mang-uwi noon ay mas madalas ng umuwi ngayon, at mas lalong nagiging malapit ito sa kanya. Nang malaman niyang gusto na niyang makipaghiwalay, ang karaniwang tahimik at malamig na lalaki ay sinunggaban siya at sinabi, “Diborsyo? Imposible.”
Other
102.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Under His Temptation

Under His Temptation

Tatlong taon na ang nakalipas simula noong maghiwalay sina Eloise at Cassian dahil matinding awayan ng kanilang mga pamilya. Napagtanto ni Cassian na mahal niya pa rin si Eloise kahit ilang taon pa ang nakalipas, nagsisi siya kung bakit iniwan niya ang babaeng pinakamamahal at sinisi sa kasalanang hindi naman siya ang may gawa. Muli siyang bumalik sa Pilipinas at desididong hanapin si Eloise. Nais niyang makabawi sa lahat ng sakit na idinulot niya rito at sa pag-asang tatanggapin siyang muli nito at ipagpatuloy ang naudlot nilang relasyon. Ngunit nalaman niyang nalubog na sa utang ang pamilya ni Eloise. Nakita itong oportunidad ni Cassian upang muling kumonekta sa dalaga. Inalok niya ito ng kasal kapalit ng pagtulong niya sa pagbayad ng utang ng kaniyang pamilya. Kahit na mayroong pag-aalinlangan sa dibdib ni Eloise ay tinanggap niya ang kasunduan at naging tulay ito upang ipagpatuloy nilang muli ang nagwakas nilang pag-ibig. Sa kabilang banda naman ay ang kanilang kasiyahan ay panandalian lamang nang malaman ni Carsen, nakababatang kapatid ni Cassian ang muling pakikipag ugnayan sa pamilya ni Eloise, na sanhi ng pagkamatay ng kanilang ina. Dulot ng matinding galit ay handang gawin ni Carsen ang lahat upang maputol ang namumuong ugnayan ng dalawa. Gagawin niya ang lahat upang mawala sa paningin nila si Eloise kahit pa ang tanging paraan lang ay kamatayan. Ang matinding pagkamuhi ba ng kanilang pamilya sa isa't isa ang magiging rason sa tuluyang paghihiwalay ng dalawa? O sapat ba ang kanilang pag-ibig upang puksain ang namumutawing poot na bumabalot sa kanila?
Romance
9.93.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Pantalon Mong May Bakat

Pantalon Mong May Bakat

"Di ko siya jowa. Di ko siya crush. And yet, I let him do things to my body." Sabi nila, ang pinaka-masakit na heartbreak ay hindi ‘yung iniwan ka—kundi ‘yung never ka namang pinili in the first place. Nakatayo siya sa dulo ng reception hall, hawak ang baso ng alak habang pinapanood ang lalaking minahal niya ng matagal… na masayang ikinakasal sa iba. Kitang-kita niya kung paano nito tinititigan ang babae—isang titig na kailanman ay hindi niya natanggap. Masakit. Pero imbes na magmukmok, Cass did what any heartbroken girl would do—nagpakalunod sa alak. Kung hindi na siya ang pipiliin, edi dapat kalimutan na lang, diba? Kahit isang gabi lang. At dahil lasing na lasing siya, she made a reckless decision—she had s*x with a stranger. No names, no backstories. Isang taong hindi niya kilala. Pero paggising niya kinabukasan, mas matindi pa sa hangover ang sumalubong sa kanya. Ang lalaking nakasama niya sa kama? Hindi lang basta kung sino lang— Anak ng teteng! He’s the cousin of the man she had loved for years. Napatayo siya agad, hinatak ang kumot sa katawan, pero ngumisi lang ito. "Easy ka lang," he chuckled. "Last night, you were like a needy cat—clinging, pressing against me. Ngayon, parang gusto mo akong itulak sa bangin.” Nanlamig siya sa kahihiyan. Pero mas lalo siyang natulala sa sunod nitong sinabi— "Kung gusto mong kalimutan siya, I can help you. Pero hindi lang isang gabi. Hanggang sa hindi mo na maalala ang pangalan niya." Tatanggapin ba niya ang alok nito? O lalabanan ang tukso ng matamis na kasalanan?
Romance
107.9K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
212223242526
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status