Perfectly His, A Billionaire's Private Obsession
Sa loob ng maraming taon, naging biktima si Elara Castillo ng walang humpay na panlalait dahil sa kanyang 180-pound na timbang. Ngunit ang sukdulan ng kasamaan ng kanyang stepsister na si Danica ay nangyari sa isang gabi ng pagtatraydor, nilagyan nito ng gamot ang kanyang inumin at itinulak siya sa bisig ng isang misteryosong lalaki sa dilim.
Imbes na kahihiyan, doon natuklasan ni Elara ang init at halagang ipinagkait sa kanya ng mundo bilang isang "matabang babae." Sa gitna ng pagnanasa, nakaramdam siya ng kapangyarihan. At bilang ganti sa gabing iyon, nag-iwan siya ng limang piso sa ibabaw ng nightstand bago tumakas, isang bayad sa serbisyo ng lalaking hindi niya man lang nakita ang mukha.
Isang taon ang lumipas. Ang dating biktima ay muling nagbabalik bilang isang nagniningning na diyosa. Wala na ang takot, dahil ang tanging hangad ni Elara ay pagbayarin ang kanyang madrasta at kapatid.
Sa kanyang paghahanap ng hustisya, makakaharap niya ang kinatatakutang bilyonaryo at business tycoon na si Alessandro Valderama. Isang kasunduan ang inalok nito: A Marriage of Convenience.
Para kay Elara, ang kasal na ito ay isang business deal lamang para mapabilis ang kanyang paghihiganti. Ngunit hindi niya inasahan na ang lalaking kinatatakutan ng buong mundo ay ang mismong lalaking "binayaran" niya ng barya matapos ang isang gabi ng pagsasama.
Paano kung malaman ni Alessandro na ang babaeng nagpababa ng kanyang dangal sa halagang limang piso ay ang babaeng asawa na niya ngayon? Sa isang kasunduang nakasulat lamang sa papel, may puwang pa ba ang tunay na pag-ibig kapag nabuksan na ang mga sikreto ng nakaraan?