Love Revenge Game
Tinitiyak ko pa naman na punong-puno iyon ng katas at napakatamis pa.
“You know what, Niah, I easily understand your insight about this thing.” Ngumiti ito. “In fact, pare-pareho lamang tayong empleyado rito, saka alam ko rin na nagtatrabaho ka nang masigasig upang iahon ang iyong pamilya sa kahirapan kaya naiintindihan ko ang nararamdaman mo.” Dinampot niya mula sa kaniyang bag ang isang maliit na hugis parisukat na naglalaman nang makapangyarihan na salita ng Diyos. “'Donʼt be afraid, just believe', says in Mark 5:36.” Ibinigay niya ito sa akin. Manghang-mangha ako sa disensyo rito at itoʼy gawa lamang sa isang tabla.