Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Billionaire's Nanny Contract

The Billionaire's Nanny Contract

Title: The Billionaire’s Nanny Contract Blurb: Mahirap ang buhay ni Ariana Natividad—isang simpleng saleslady na biglang natanggal sa trabaho matapos mapagbintangan sa isang bagay na hindi niya ginawa. Sa desperasyon niyang makahanap ng bagong hanapbuhay, isang kaibigan ang nag-alok sa kanya ng kakaibang trabaho: maging yaya ng isang batang hindi mapigil sa kakulitan—Emanuel Luca Madrigal, ang anak ng mayamang negosyante na si Zephyr Madrigal. Wala nang nagtatagal na yaya sa bata, at ang asawa ni Zephyr, si Noime, ay nasa hangganan na ng kanyang pasensya. Dahil aalis siya patungong ibang bansa para sa trabaho, kailangan nilang kumuha ng yaya na hindi lang magaling mag-alaga kundi… pangit. Oo, pangit—para hindi ito type-in ni Zephyr! Desidido si Ariana na kunin ang trabaho, lalo na nang marinig ang alok—sampung milyong piso bilang reward kung matatapos niya ang isang taong kontrata. Mukhang madali lang, ‘di ba? Pero paano kung ang tinaguriang “playboy billionaire” na si Zephyr ay hindi lang mahirap pagsilbihan kundi tila may ibang plano rin sa kanya? At paano kung ang yaya na dapat ay "pangit" ay unti-unting nagugustuhan ng boss na hindi dapat ma-in love sa kanya? Sa isang bahay na puno ng kalokohan, asaran, at hindi maiiwasang tensyon, kaya bang tiisin ni Ariana ang isang taon nang hindi mahulog sa patibong ng The Billionaire’s Nanny Contract? A romantic comedy na siguradong magpapatili at magpapatawa sa iyo!
Romance
1016.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Bound to the Billionaire's Desire

Bound to the Billionaire's Desire

Si Elena Madrigal, isang sikat at hinahangaang fashion designer, ay kilala sa kanyang Majesty Designs, mga obra na simbolo ng karangyaan at kapangyarihan. Ngunit sa isang iglap, ang mundong itinayo niya ay gumuho sa kamay ng mga taong minsan niyang minahal at pinagkatiwalaan, ang dating kasintahan niyang si Adrian De Leon, na ninakaw at ipinagbili ang kanyang mga disenyo, ang matalik niyang kaibigan na si Vanessa Alcaraz, na nilamon ng inggit, at ang boss niyang ginamit ang kanyang talento para sa sariling ambisyon. Habang unti-unting nabubura ang kanyang pangalan sa industriyang minsan niyang pinasiklab, isang lalaking matagal nang nakamasid sa kanya mula sa dilim ang lumapit. Si Nathan Arguelles, isang makapangyarihan at misteryosong billionaire. Tahimik ngunit mapanganib. May tinig na kayang bumura ng alinlangan. At sa isang boses na malamig at mabigat sa pangako, bumulong ito: “Be mine and marry me, Elena. I’ll give you back the world they stole from you.” Ang kasunduang ito ay hindi tungkol sa pag-ibig, kundi sa paghihiganti. Para kay Elena, ito ang tanging paraan para muling mabawi ang lahat. Ngunit sa ilalim ng mga halik na nilalabanan niya, sa bawat titig na tila binabalatan ang kanyang kaluluwa, unti-unting nagbabago ang laro. Sa pagitan ng pag-ibig at paghihiganti, kailangang  piliin ni Elena kung mananatili ba siya sa apoy ng paghihiganti o hahayaan niyang ang lalaking dapat sana’y biktima lang… ang maging dahilan ng pagbabagong hindi niya inaasahan. Paghihiganti ang dahilan niya…ngunit ang nakaharap niya, ang lalaking kayang baliktarin ang lahat.
Romance
10395 viewsOngoing
Read
Add to library
BE MY WIFE

BE MY WIFE

Para kay Dhalia Augustine Madrigal, ang buhay ay isang serye ng pagsubok—lalo na nang tanggapin niya ang trabahong maging sekretarya ng malupit at istriktong bilyonaryo, si Henri Yanno Garciaz. Habang lahat ng naunang sekretarya ay hindi nagtagal, siya lang ang nagtiis at nakasabay sa ugali nito. Ngunit hindi niya inasahan na ang trabahong ito ang magdadala sa kanya sa isang alok na magpapabago sa kanyang buhay. Isang kasal kapalit ng sampung milyong piso. Para kay Henri, si Dhalia ang perpektong sagot upang makaiwas sa isang sapilitang kasal sa kanyang unang pag-ibig. Ngunit sa kabila ng kasunduang iyon, hindi niya maitanggi ang lumalalim niyang damdamin para sa babaeng laging naroon para sa kanya. Unti-unting nagbago ang kanilang relasyon, at sa kabila ng mga pagsubok, natagpuan nila ang tunay na kaligayahan sa isa’t isa. Ngunit sa isang iglap, nagbago ang lahat. Isang rebelasyong nag-ugat sa nakaraan ang gumulo sa buhay ni Dhalia—isa pala siyang Lim, kapatid ng dating minahal ni Henri. At ang mas matinding dagok, isang larawan ang sumira sa kanilang tiwala—isang larawan na nagpatunay na may ibang babae si Henri. Sa gitna ng sakit at kahihiyan, pinili niyang lumayo, dala ang lihim na siya rin ay nagdadalang-tao. Limang taon ang lumipas, at sa kabila ng pagtatago ni Dhalia, hindi siya tinantanan ng lalaking minsan niyang minahal. Ngayon, muling bumalik si Henri sa buhay niya, handang patunayan ang isang bagay—na sa kabila ng lahat, si Dhalia lang ang babaeng nais niyang makasama habambuhay. Ngunit sapat ba ang pagmamahal upang paghilumin ang sugat ng nakaraan?
Romance
101.6K viewsOngoing
Read
Add to library
The Rejected Wife

The Rejected Wife

Matagal ng inaasam ni Elise na mapansin siya ng kanyang ultimate crush at ang makaahon sa hirap pero nais niya itong gawin sa sarili niyang pagsisikap pero paano niya gagawin iyon kung pasan niya sa kanyang balikat ang mga kapatid at mga magulang na ini ire pa lamang ata siya ay nakalista na ang mga obligasyun at mga dapat niyang gawin. Tama, isinilang lamang ata sila para maging sunod sunuran at cash cow ng mga ito. Hindi man lamang niya magawang makabili ng kahit polbos o lipstik para naman masulyapan ng kanyang kababata. Eh paano naman mangyayari iyon gayung wala na ata siyang panahon kahit na ang huminga. Siya lahat mula sa gawaing bahay hanggang sa pagtatrabaho para may pagkain sa lamesa. Batugang ama, sakitin pero chismosang ina at mga pasaway na kapatid yun ang kalbaryo niya. Pero ang tadhana ni Elise ay nakatakdang magbago ng mabalitaan niya na ang kanya palang yumaong lola at ang lola ng kanyang binatang crush ay matalik na magkaibigan. Perahas may iniwang kasunduan ang dalawa at iisa ang sinasabi doon. Na ipapakasal sila ng kanyang crush sa takdang panahon. Labis ang naging kaligayahan ni Elise dahil sa wakas may pagkakataon na siyang makasama at mapakasalan ang man of her dreams. Si Kenzo Madrigal. Hindi akalain ni Elise na ang kanyang pinapangarap at ang lalaking laman ng kanyang mga panaginip ay siya palang magdudulot sa kanya ng bangungot at malalim na sugat sa kanyang puso at kaluluwa. Ngunit sa kanyang bangongot niya ay may sumulpot na guwapong prinsipe na nakalahad ang mga kamay at gusto siyang tulungang makaahon sa bangongot. Paano ba aabutin ni Elise ang kamay ng lalaking iyon kung ito ay walang iba kundi si Kevin Madrigal ang kapatid na panganay ng kanyang dating asawa?
Romance
1044.0K viewsCompleted
Read
Add to library
My Amnesia Boss

My Amnesia Boss

Clefairy
Sandro was Coreen's first love. Unang beses pa lang niyang nakita ang lalaki sa library ay na love at first sight na siya. Subalit kahit pareho lang dila ng eskwelahan ng lalaki ay hindi siya nagtangkang magpakilala rito ay aminin ang kanyang nararamdaman. Malinaw sa kanya na imposibleng magustuhan ng isang campus crush na si Sandro ang isang tulad niyang wallflower. Nanatili na lamang siyang lihim na humahanfa sa binata. Hanggang sa dalhin siya ng ama sa Greece ay hindi niya nagawang umamin sa binata. Eight years later, bumalik si Coreen sa Pilipinas. She was different from the girl she used to be eight years ago. Isa lang ang hindi nagbago sa kanya. She was madly in love with Sandro Madrigal, her first love. Two months na bakasyon lang ang pakay niya sa Pilipinas subalit nagbago ang lahat ng iyon nang malaman niyan mula sa pinsan ng bestfriend ntang si Miranda na naghahanap si Sandro ng bagong secretary. Itinapon niya ang planong pagbabakasyon sa ibat-ibang panig ng bansa at sa halip ay nag-apply bilang secretary ni Sandro. Itinago niya kay Sandro ang katauhan na anak siya ng isang Greek tycoon. Natanggap siya bilang secretary ni Sandro. Lubusan pa niyang nakilala ang binata at napalapit siya rito. Akala niya, kapag napalapit siya sa binata ay mawawala na ang 'obsession' niya rito. Subalit na iyon ang mangyari ay lalo lang siyang nahulog sa binata. Hanggang sa dumating ang araw na bigla siyang inalok ni Sandro. But his term was "temporary wife". Ayon kay Sandro, kailangan nito ng babaeng papakasalan upang makuha nito ang mana nito. Pumayag siya na maging temporary wife ni Sandro. Hindi niya alam na iyon na pala ang simula ng pagbabago ng buhay niya dahil matapos ang kasal nila ay naaksidente si Sandro at nawala ang ala-ala nito.
Romance
2.2K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1234567
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status