Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
BABY IT'S ONLY YOU

BABY IT'S ONLY YOU

Nagpasya si Aldrin John Villafuerde na umuwi ng Pilipinas pagkatapos ng pag-aaral niya sa kolehiyo. Maaga siyang nagbook ng kanyang ticket para maaga rin siyang makarating ng Pinas. Excited na siyang makauwi para bisitahin si Jamaica Montefalcon, ang kababata niya at malapit na kaibigan noong sekundarya. sa di inaasahang pagkakataon ay makakasalubong niya si Athena Salazar, dati nilang kaklase ng sekundarya at matagal ng may gusto sa kanya. Napagplanuhan na ng mga magulang ni Jamaica at Aldrin na ipakasal sila sa lalong madaling panahon kaya naman ay nag-usap sila tungkol sa kasalang magaganap. Pumayag sila sa kagustuhan ng kanilang mga magulang dahil mahal naman nila ang isa't isa pero hindi pa nila ito inaamin sa bawat isa. Matagumpay silang ikinasal ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay unti unting masisira ang tiwala nila sa isa't isa.
Romance
425 viewsOngoing
Read
Add to library
GARETT: The Lost Alpha

GARETT: The Lost Alpha

Hiraya Neith
Nang mawala ang lahat kay Garett Godfrey ay nawalan din siya ng deriksiyon sa buhay. Napasok sa madilim at magulong mundo ng underground arena kung saan buhay ang kapalit sa bawat laban. Ilang taon niyang niyakap ang kadiliman bago siya tuluyang natauhan. Muli niyang sinubukang ayusin ang sariling buhay kasabay ng pangakong hahanapin ang nawawalang kakambal. Ngunit sa isang hindi inaasahang pagkakataon ay nakilala niya si Iris Archer. Ang kauna-unahang babae na hinayaan ni Garett na mapalapit sa kanya. Kung kailan natutunan na niyang mahalin ang babae ay saka naman niya natuklasan kung sino talaga ito. Ano ang pipiliin niya? Ang pagmamahal na gumamot sa sugat na gawa ng nakaraan o ang paghihiganti na maaaring maging dahilan para mawala sa kanya si Iris?
Other
3.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Memories Of Yesterday

Memories Of Yesterday

Bloodrose
Walang hindi nakakakilala kay Lola Castillon sa bayan nila maliban sa katotohanang siya ang unica hija ni Don Mattias Castillon, ang nagmamay-ari ng Hacienda El Abra. Hindi iilang mga tao ang dumanas ng lupit ng mga kamay niya sa sandaling ginalit siya o inagrabiyado. Ngunit nang makilala niya si Nathaniel Montelibano, isang opisyal ng Philippine Army na nadestino sa bayan nila ay nagbago ang mga layunin niya sa buhay. Si Nathaniel ang tanging lalaking hindi niya napayuko; hindi natinag sa kanyang presensya. Wala itong pakialam kahit anak pa siya ng Presidente ng Pilipinas. Ngunit pursigido siyang bihagin ang puso nito sa anumang paraan. At sa bawat pagtatagpo nila ay itinataboy siya nito palayo ngunit hindi nito alam na lalo lamang siyang ginagahan na lumapit dito. Sisibol ba ang pag-ibig kung sa umpisa pa lang ay wala na itong kahihinatnan?
Romance
1.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Savage Temptation

Savage Temptation

QueenVie
What If you lose interest in the middle of your wedding? Si Veronica Bennet. A happy go lucky girl. A party goer. Para sa kanya ang mundo ay isang malaking laro na dapat mong sabayan at sayawan. Ngunit nagbago ang lahat nang magising siya isang araw na ikakasal na kay Cedric Phoenix Villarante isang Multi-millionionare business man. Para naman kay Cedric, mahalaga ang bawat pagpatak ng oras at walang dapat sayangin. Isang lalaking walang ibang hangad kundi magtagumpay sa buhay. Pero sa mismong araw ng kanilang kasal ay biglang nagbago ang isip ni Veronica. Bigla itong umatras sa kasal at iniwan si Cedric. Buong akala ni Veronica ay tapos na ang problema niya pero may mas malala pa pala dahil si Cedric na mismo ang handang sumugal at talikuran ang lahat para lang maibalik siya sa pedestal.
Romance
102.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Muling Pagsusulat ng Iskandalo

Muling Pagsusulat ng Iskandalo

May nag-post ng pagtatapat ng pag-ibig para sa akin sa confession wall ng college. Pero nag-iwan ang nobyo ng kahati ko sa kwarto ng komentong nakipagtalik na ako sa bawat lalaki sa campus. Galit na galit ako at handa nang tumawag ng pulis. Nagmakaawa ang kahati ko sa kwarto na patawarin ang nobyo niya, nangangakong uutusan niya itong manghingi ng paumanhin sa confession wall. Pero bago dumating ang paumanhin na iyon, isang sensitibong video ang nagsimulang magkalat sa mga group chat. Sinasabi ng lahat na ako ang babae sa video. Ipinatawag ako ng college para sa makipag-usap at iminungkahi kong kumuha ako ng leave of absence. Pag-uwi ko, tumanggi ang mga magulang ko na kilalanin ako bilang kanilang anak. Nawala sa akin ang lahat. Kinain ako ng depresyon, at kasama ng walang katapusang tsismis, nawalan na ako ng pag-asa at winakasan ang buhay ko. Pagkamulat ko ulit ng mga mata ko, iyon ulit ang araw na unang lumitaw ang pangalan ko sa confession wall.
Short Story · Campus
690 viewsCompleted
Read
Add to library
The Billionaire's False Secretary

The Billionaire's False Secretary

Dahil sa kahirapan, mapipilitan na pumasok si Apolonia Marquez sa isang kasunduan nang alukin siya ng isang mayamang estranghera ng tulong pinansiyal upang maoperahan ang kanyang ama na may sakit sa puso. Ngunit kapalit niyon ay kailangan niyang gawin ang apat na sikretong misyon, isa na roon ang maging sekretarya ng pamangkin nitong bilyonaryo. Nakasaad sa kasunduan na kailangan niyang magawa ang apat na misyon, kung mabibigo siya ay kailangan niyang bayaran ang lahat ng nagastos ng ginang. Dahil wala siyang ibabayad dito ay ginawa ni Apol ang lahat upang magawa ang mga iyon kahit pa nga masungit, istrikto at may pagka-aloof ang kanyang amo. Tila umaayon naman ang pagkakataon at nagtatagumpay ang dalaga sa nakasaad sa kasunduan, ngunit sa kasamaang palad ay hindi niya namalayan na sa closeness na mayroon sila ay nahuhulog na pala ang loob niya sa mismong tao na subject sa kanyang misyon. Masarap sanang mangarap. Pero hindi sa katulad niya. Bukod sa malayo ang agwat ng kanilang estado ay hindi talaga siya nababagay rito dahil kahit na sabihin pang totoo na ang malasakit, pati na ang nadarama niya para sa binata ay hindi pa rin maikakaila na parte pa rin ng kanyang misyon ang mapalapit dito. Sabi nila, walang sikreto ang hindi nabubunyag, paano na siya kapag nalaman nito ang tungkol sa kanyang sikreto na ito mismo ang kanyang misyon?
Romance
103.5K viewsOngoing
Read
Add to library
RUTHLESS SEDUCTION  (Tagalog)

RUTHLESS SEDUCTION (Tagalog)

Lumaki si Dylan na walang kinatatakutan at ayaw na may ibang taong kumukontrol sa kaniyang buhay. Hindi rin siya friendly at hindi marunong magpakumbaba. Ngunit wala siyang choice nang ipasa sa kaniya ng ama ang trabaho nito—ang bantayan ang heartless at dominanteng anak ng isang Chairman na dati ay pinuno ng isang organization. Hindi gusto ni Alexander ang buhay na mayroon siya. Tinitingala siya ng lahat maliban sa isang taong may magaspang na pag-uugali. Dahil sa kagustuhang mabigyan ng hustisya ang pagkawala ng kaniyang ina, pinagbigyan niya ang gusto ng ama. At ipakita niya rin sa antipatikong lalaking kaniyang bodyguard kung ano ang kaya niyang gawin upang mabawasan ang kasungitan nito. Sa paglalaro ng emosyon ng bawat isa, sino ang unang susuko at mahuhulog sa bitag nang mapaglarong tadhana? Sino ang top at bottom sa dalawa?
LGBTQ+
1029.8K viewsCompleted
Read
Add to library
The Substitute Wife of Mr. Ruthless Zillionaire

The Substitute Wife of Mr. Ruthless Zillionaire

Sa isang iglap, nagising si Kyline sa bangungot na hindi kanya, isang silid na madilim, isang lalaking hindi niya kilala, at isang pagkakakilanlang hindi kanya ang isinuksok sa kanyang pagkatao. Sa harap ng malamig at mapanganib na presensiya ni Shawn Constantino, pinilit niyang tanggapin ang kasinungalingang siya si Karen, ang kanyang kambal na kapatid na biglang naglaho. Ngunit higit pa sa takot at poot ang bumabalot kay Kyline. Sa bawat salita ng kanyang ama, unti-unting nalalantad ang masakit na katotohanan na ginamit siya bilang kapalit sa isang kasunduang nakataya ang kapalaran ng buong pamilya nila. Sa ilalim ng mga lihim at panlilinlang, napilitan siyang gampanan ang papel ng isang asawa sa lalaking galit na galit sa kanya, isang lalaking hindi kailanman magtitiwala. Hanggang kailan niya kayang itago ang tunay niyang pagkatao? At kapag natuklasan ni Shawn ang katotohanan, magiging kapatawaran ba o kapahamakan ang kahihinatnan ng kanyang puso? Isang kwento ng pag-ibig, pagtaksil, at kapalarang pilit ipinaglalaban sa gitna ng dilim.
Romance
109.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Saving Glass Heart

Saving Glass Heart

“I have to have him, by hook or by crook.” Iyan ang nasa isipan ni Atharie habang patuloy na tinititigan ang litrato ni Idris Elorde. Masayang-masaya ang mukha nito habang isinusuot ang singsing kay Shannon Baylon, ang girlfriend nito na ngayo’y fiance na. Nag-iiyakan pa ang mga ito habang nakaluhod ang lalaki. Magarbo ang buong kapaligiran. Bawat detalye ay tinandaan ni Atharie. Hindi siya makakapayag na hindi sa kanya mapunta ang lalaki. Kahit matagal nang namumuhi sa kanya ang lalaki. Halos itaboy siya nito na parang basura. Dahil isang babaeng pamigay ang tingin nito sa kanya. Ngunit hindi siya magpapatalo rito. Kailangan niyang makaganti. Kailangan sa kanya mapunta si Idris!
Romance
10789 viewsOngoing
Read
Add to library
Pretty You

Pretty You

Certified raketera, palaban at walang inuurungan. Siya si Leah Rivera o mas kilala sa tawag na Iya ng mga taong malapit sa kaniya. Magmula pagkabata ay natuto na siyang maging isang raketera dahil maaga rin siyang tinuruan ng kaniyang ina na nagtitinda sa palengke ng kung anu-anong trabaho na sa kalaunan ay nakasanayan na niyang gawin. Ang kailangan niya ay pera. Pera na makakatulong sa kanila para mairaos ang kanilang pang-araw araw na pangangailangan at para na rin makatulong siya sa pagpapaaral sa kaniyang kambal na kapatid na ngayon ay nasa kolehiyo na. Likas kay Leah ang pagiging masayahin at pagkakaroon ng positibong pananaw sa buhay. Pero hindi sa lahat ng oras. Tulad na lamang nang isang gabi, habang nagse-serve siya ng alak sa mga mayayamang costumer ng bar na pinapasukan niya ay may nagtangkang mambastos sa kaniya. Dahil likas sa kaniya ang pagiging palaban, gumanti siya sa lalaki. Ang kaso, ang suntok na dapat na para rito ay dumapo sa isang kasama nito na wala namang ginawang masama sa kaniya. Paano kung ang lalaking hindi niya sinasadyang masuntok ay ang anak ng kaniyang boss? At anong gagawin niya kung sakaling magkagusto ito sa kaniya at yayain siya nitong magpakasal? Makakaya ba niyang tanggapin ang alok nito sa kaniya kapalit ng halaga na makapag-aahon sa kanila sa kahirapan? Will she ever fall in love with the man who is only good at pestering her with his stupid antics?
Romance
1020.9K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
2728293031
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status