Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Kiss Of The Wind Book 1

Kiss Of The Wind Book 1

Mula sa masakit na karanasan sa unang pag-ibig, tatlong taon ang lumipas nang mapagpasyahan ni Celestine na ituon na lang ang sarili sa kompanyang naman mula sa nagretiradong ama. Sa mga papeles at tanging sa trabaho na lamang niya ibinuhos ang buong atensyon upang makalimutan ang masalimuot na karanasan mula sa dating nobyo na nangloko at ginamit lang siya para sa pera niya. Hindi naging madali para sa kaniya ang lahat ngunit minabuti niyang huwag nang pagtuunan pa ng pansin ang paghanap ng lalaki na para sa kaniya o kung meron ba talaga. Ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya ang isang lalaki na bigla na lamang sumulpot sa kaniyang buhay. Hindi niya inaasahan na makakatagpo ng isang gwapo at matipunong nilalang na kahit ang ipis ay maaring mahumaling rito. Sa bawat araw na magkasama sila sa isla ay hindi mapigilang mas nahulog pa ang kaniyang loob sa lalaki. Paano na niya mapipigilan ang malalim na nararamdaman gayung alam naman niyang hindi rin magtatagal ay maghihiwalay rin sila ng landas dahil aalis rin siya sa lugar na iyon matapos magbakasyon? Kakayanin niya kayang mawalay sa piling nito o hahayaan na lamang ang kung anuman ang nararamdaman para sa binata?
Romance
437 viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
THE MAFIA’S RIVALRY

THE MAFIA’S RIVALRY

Ate J
Claire Morcilla has a dark secret that she hides for a long time. All she wanted was a happy and simple life and this was her dream. She was alone at mag-isang itinataguyod ang sarili. Subalit may malaking halaga siyang kailangan bayaran. Ito ang pamanang iniwan sa kanya na hindi niya matatakasan. Ang sampung milyong utang ng kanyang yumaong ama at ito ang dahilan kung bakit araw-gabi siya kumakayod para mabilis makaipon upang makabayad. Subalit sadyang mapaglaro ang tadhana o ipinanganak lang talaga siyang may kalakip na malas sa buhay dahil hindi pa niya masosolusyunan ang utang ng kanyang ama ay may panibago na namang dagok ang dumating sa kanyang buhay. Una ay si Steve Mendez. Ang lalaking niligtas niya sa bingit ng kamatayan na inakala niyang kaibigan at mapagkakatiwalaan. Ngunit may maitim pa lang binabalak sa kanya kapalit ng hindi pagbubunyag ng sikretong iniingatan. Pangalawa ay si Benedict Gonzalvo isang negosyanteng pinagkakautangan ng kanyang ama. Baliw na baliw rin sa angking kagandahan ni Claire na kahit sino ay babanggain makuha lamang ang atensyon ng dalaga. At dito magsisimula ang masalimuot na buhay ni Claire sa dalawang lalaking nag-aagawan sa kanya. Hanggang kailan kakayanin ni Claire ang hamon sa kanya ng buhay? Kailan ito matatapos? Sino ang magliligtas sa kanya sa masalimuot niyang sitwasyon? Meron ba siyang matatawag na knight in shining Armor? Sino at kailan ito darating para iligtas siya?
Romance
1.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Zara Luxx The Daughter

Zara Luxx The Daughter

Lahat ng lugar na nagamit sa kwentong ito ay kathang isip lang ng writer kung meron man kapareho ng mga pangalan ng lugar sa Pilipinas ay para bigyan lang ng sense of direction at reyalidad ang mga kwento sa nobelang ito. Ang mga pangalan ng mga tao ay parehong valing lang sa imaginatio ng author. Kinidnap ng hindi nakikilalang mga tao ng siya ay 1 year old pa. After 17 years nagbalik siya na isang maganda at masayahing dalaga na hindi kumpleto ang memorya. Nakabalik nga siya sa kanila ngunit meron na silang Prinsesa. Si Kendra naging adopted ng kanyang mga magulang na si Henry at Maritoni Luxx isa sa pinakamayaman pamilya sa buong Taguig City. Meron siyang Tatlong kapatid na lalaki si Arn, Jims and Zeke. Si Arn ay isang Doctor specializing in Medical Biology and Mental Energy, si Jims naman ay isang Engineer na mahilig sa mga cars at si Zeke ay isang Business Management Student sa De La Salle University sa Manila, at ang kanilang kapatid na babae ay si Kendra na ngayon ay grumadyet na ng Senior High at papasok na ng university at plano niya na doon sa school ng kanyang kapatid na si Zeke. Dahil sa selos ay binubully ni Kendra palagi si Zara pero most of the time ay si Kendra ang nailalim always sa hindi magandang sitwasyon. Kakayanin kaya niya mabuhay kasama ang kanyang mga magulang at mga kapatid including si kendra who happens to be the Princess of the Luxx family? Tunghayan ang buhay ni Zara Luxx habang kasama niya ang pamilya niya
Romance
10481 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Battered Wife's Sweet Revenge

Battered Wife's Sweet Revenge

Ang akala niyang magandang buhay bilang bagong kasal ang magbibigay sa kaniya ng sobrang kaginhawaan at labis na saya, ay siya palang mag-uuwi sa kaniya sa magulong buhay. Ang akala niyang wagas na pag-ibig dahil sa wakas ay natali na siya sa taong mahal niya, ay iyon pala ang dahilan kung bakit siya sobrang magdurusa. Ang sagradong kasal na inaakala ng lahat na magiging masaya, iyon pala ang siyang magdadala sa kaniya ng labis na kalungkutan. Hindi niya alam kung kakayanin pa ba niya ang mga nangyayari sa buhay niya lalo na't nag-iba na ang turing sa kaniya ng kaniyang mahal. Hindi niya alam kung saan siya lulugar at hindi niya na alam kung saan pa niya ilalagay ang pagmamahal na meron siya sa kanilang relasiyong dalawa. Hirap na hirap na siya lalo na at pakiramdam niya ay siya na lang ang lumalaban sa kanilang dalawa at tila siya na lang ang gumagawa ng paraan para maging maayos sila. Pero sa huling pagkakataon, gagawin niyang muli ang lahat para bumalik sa dati ang takbo ng kanilang relasiyon. Sa huling pagkakataon, sasabayan niya ang takbo ng panahon at maghihintay muli na dumating ang oras na sasaya siya muli sa piling ng kaniyang mahal. Ito ang kuwento ng isang babae, kuwento ng isang aping asawa... ito ang kuwento ni Rowena.
Romance
10986 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
My Husband's Karma

My Husband's Karma

aiLa'veinz
Pumayag sina Hyder at Jihan na magpakasal sa isa't isa base sa napagkasunduan ng magulang nila. Napag-usapan ni Hyder at Jihan na palabas lamang ang gagawin nilang pagpapakasal at magdidivorce sila pagkatapos ng dalawang taon dahil may girlfriend na si Hyder. Nasasaktan man ay tinitiis ni Jihan dahil totoong mahal nya si Hyder. Nagkaroon ng lakas ng loob si Jihan na aminin ang totoong nararamdaman sa asawa. Mula noon ay naging malamig na ang trato ni Hyder at madalas gumagawa pa ito ng mga bagay na ikakadurog ni Jihan. Napagpasyahan ni Jihan na palayain na Hyder dahil hindi na nya kinakaya ang sitwasyon nya. Hanggang sa isang kakaibang uri ng sakit ang dumapo kay Jihan. Nilihim ni Jihan ang kanyang sakit. Sumusubok si Jihan na magpagamot pero hindi nya alam kung hanggang kailan kakayanin ng katawan nya. Muling makikipag-ugnayan si Jihan kay Hyder upang ipagbigay alam ang buong katotohan ngunit sarado na ang isip at puso ng binata. Sa pagkakataong malalaman ni Hyder ang kalagayan ni Jihan, lalambot kayang muli ang kanyang puso? Hanggang kailan lalaban si Jihan para sa lalaking mahal nya? Hanggang kailan din nya lalabanan ang sakit na dumapo sa kanya? "Kahit isa man lang sa laban na ito ang maipanalo ko, masaya na ako"- Jihan
Romance
1.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
A Twisted Game of Fate

A Twisted Game of Fate

Bimaia
"You are mine! Darling, I can fucking lose everything, but you would never escape me. I would make sure that even your soul would be binded with mine. So don't even think about it." "The greatest love of my life, has always been you, Helen Solome." Una pa lamang ay hindi na naging maganda kanilang tagpo. Kamuntikan na itong ikamatay ni Helen. Gumagaan lamang ang kaniyang dibdib sa kadahilanang iyon na ang huling beses na makikita niya ang lalaki. Ngunit sadyang mapaglaro yata ang tadhana. Sa isang iglap lamang ay bumaligtad ang mundo niya nang muling mag-krus ang landas nila ni Red Ismael Alvaro. Ang misteryoso, at nag-iisang tagapagmana sa Multi-Billion Euro Corporation kung saan sila nagtratrabaho ng nobyo niyang si Clyde Salvador. Nang dahil sa isang hindi inaasahang pangyayari ay tuluyang magbabago ang buhay nilang tatlo. Nagdulot ito nang matinding trauma kay Helen na naging dahilan upang siya ay magpakalayo-layo na muna. Matapos ang lahat ng mga bangungot sa kaniyang nakaraan, kakayanin pa kaya ni Helen ang magpatawad, at ipagpatuloy ang buhay? Hanggang saan ang kayang gawin ni Red upang mabawi, at mapasakaniya ang babaeng labis na kinahuhumalingan? Magagawa pa kayang ipaglaban ni Clyde ang pag-ibig niya kay Helen, kung tadhana na mismo ang gumagawa ng paraan upang tuluyang mawasak ang kanilang masayang pagmamahalan?
Romance
101.3K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Billionaire Butler

The Billionaire Butler

"Mamahalin kita't pagsisilbihan buong buhay ko, kahit ikaw pa ang pinakamasamang babae sa mundo." Kung ikaw ay lumaking mayaman at naghihiga sa salapi, gugustuhin mo pa bang magtrabaho bilang tagasilbi ng isang malditang may kapansanan? Kakayanin mo bang pagtiisan ang masama niyang ugali sa loob ng apat na linggo? Iyan ang sitwasyong pinagdadaanan ng bilyonaryo at police officer na si Grellen Burnett, ang paminta na handang bumuka sa harap ng pinakamamahal niyang boss na si Inspector William Fukuyama. At dahil sa katangahan nito na naging dahilan para pag-pyestahan siya sa social media, napilitan si Grellen na maghanap ng babaeng ihaharap sa kanyang ama within a month to save his heritance. Sa paghahanap niya sa maswerteng dilag ay nagkrus ang landas nila ng negosyanteng si Barbara Durless. Unang kita palang niya sa dalaga ay talagang namangha siya sa kagandahan nito. So Grellen come up with a decision to get her on instant, and the only way to keep in touch with Barbara is to apply as her butler. Posible kayang mahulog ang loob ng beki na si Grellen sa katulad ni Barbara na daig pa ang may dalaw kung mag-taray? __ This is the original/old version of this novel written in 2020. This is one of my old stories so expect lots of errors and inaccuracies. Kung hindi naman kayo mateknikal at gusto niyo lang ma-enjoy ang pagbabasa, I suggest subukan niyo. Date started: June 03, 2020 Date finished: July 25, 2021 Officially signed on GoodNovel: November 15, 2021
Romance
109.4K viewsKumpleto
Ipakita ang mga Review (31)
Read
Idagdag sa library
Venera
Matapos ang halos dalawang taong pananahimik, finally, maitutuloy ko na rin ang The Billionaire Butler with new plot and characters. Bagama't maraming nagbago, sana po ay suportahan niyo pa rin ang storyang ito.
taytay22
Good job author, napabilib mo ako sa story mo.. super generous ni Grellen kay Colette sana baguhin niya ang attitude nya. Wag kang maniwala sa sinasabi nila. maganda ang pagkakasulat mo ng story, malinis maayos ang narration at di nkakaumay. Sana tapusin mo kasi marami kaming naghi hintay ng update
Basahin ang Lahat ng Review
Stuck In The Devil's Arms

Stuck In The Devil's Arms

Resurgence
"You're mine, Celestine. No one could ever have you other than me, remember that. You're already married to me. That means you're forever stuck to the man you called a devil. You're forever stuck in the devil's arms, Celestine. With no other way out, but death." *** Holy Celestine Marquez is the epitome of beauty, kindness, and brain. She was dubbed to be an angel in her university, not just because of her face, but because of her attitude. Kahit yata lamok ay hindi nito kayang patayin. Even her father thought that she's too innocent for this world, kaya naman nang sabihin ni Holy na gusto niyang maging madre pagkatapos niyang mag-kolehiyo ay hindi na siya pinigilan pa ng kaniyang Ama. Eros Hunter Salvatore is a devil himself. A successful billionaire na talagang hinahabol ng mga kababaihan. Not only that, he's also a know drag racer na siyang dahilan kung bakit mas lalong humahaba ang pila sa kaniya. Pero wala ni-isang babae ang nakalapit sa kaniya ng sobra lalo na at napaka-ikli lang pasensiya niya at madalas ay parang bulkang nag-aalburoto. Well, he wouldn't be called a devil for nothing. Paano kung mag-tagpo ang landas ng dalawang taong parehong magka-ibang magka-iba nang hindi nila inaakalang pareho? Paano kung mapilitan si Holy na pumirma ng isang kontrata na inilahad ni Eros upang mabayaran ang pagkaka-utang ng kaniyang kapatid rito? Mapipigilan pa kaya ni Eros si Holy sa pagpasok nito sa kumbento? Will it be possible for love to grow? Paano kung... isang malaking kasinungalingan lang pala ang lahat? Kakayanin kaya ni Holy ang mga sekretong malalaman niya? Love, betrayal, and a broken heart. Those are just one of the things that you'll experience once you fall in love. Are you still willing to be stuck in the devil's... arms?
Romance
1.2K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
BE WITH YOU (TAGALOG VERSION)

BE WITH YOU (TAGALOG VERSION)

BE WITH YOU (TAGALOG) Lumaki si Adeline Pendleton sa isang mayamang pamilya. Nasa kanya ang lahat ng gusto ng isang tao sa buhay. Kayamanan, katanyagan, kagandahan, pera, mga damit na taga-disenyo, at mga masasarap na pagkain. Lahat, maliban sa lalaking mahal niya- si Drake Wright. Si Drake Wright ay ang tagapagmana ng Wright's Corporation. Sa kanyang murang edad, bumuo ang kanyang mga magulang ng isang imperyo na mamanahin niya balang araw. Okay ang lahat para sa kanya, hanggang sa nasangkot ang kanyang ama sa isang seryosong sitwasyon na nakaapekto sa kanilang kumpanya. Sinabihan siya ng kanyang mga magulang na malulugi ang kanilang kumpanya at ang tanging makakalutas sa kanilang problema ay dapat niyang pakasalan ang anak ng kanilang kaibigan- si Adeline Pendleton. Hindi niya gusto ang babae dahil ito ay masyadong walang muwang para sa kanya; naiinis siya sa presensya nito, at may mahal na siyang iba. Sa kasamaang palad, may malubhang karamdaman din ang kanyang ama at wala siyang magawa sa kanilang kumpanya kaya't humingi ito sa kanya ng pabor na ayusin ang problema para sa kanya. "Marry her, son. That's the only way. If you won't, maglalaho lahat ng sinakripisyo at ginawa namin ng ina mo para sa kumpanya natin." Sabi ng ama ni Drake habang nakahiga sa kanyang kama, hindi maigalaw ang kanyang mga kamay. Ano kaya ang mangyayari sa one-sided at broken marriage nina Drake at Adeline? Kakayanin kaya ni Adeline ang malupit na pagtrato at kayabangan ni Drake? Mabubuhay ba silang magkasama bilang mag-asawa nang walang pagmamahal at pagkakaintindihan? O mamumulaklak ang pag-ibig sa gitna ng bawat poot at hindi pagkakaunawaan?
Romance
1055.8K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Falling to the Virgin Single Mom

Falling to the Virgin Single Mom

Isang malaking aral sa buhay ng isang tao na dapat huwag mong husgahan ang iyong kapwa ayon sa nakikita mo lamang. Kung hindi mo kilala ang kanyang tunay na pagkatao mas maigi kung mananahimik ka at huwag kang magbitaw ng mga nakakasakit na salita. Huwag mainggit sa tagumpay ng iba. Kung nais mo rin na magtagumpay kagaya ng kapwa mo. Isaisip mo na kung kaya niya kakayanin mo rin na pagtagumpayan ang narating niya. Maaaring mabilis ang pag-angat niya dahil mas maabilidad siya kaysa sa'yo. Dahan-dahan ka lang, balang araw may mararating ka rin. Kahit gaano man ka bagal ang lakad ng isang pagong kung dala niya ang kanyang sapat na determinasyon makakarating parin siya sa kanyang paruruunan. Ang pagkakaroon ng matatag, matapang at mapang-unawa na katuwang sa buhay ay isang biyaya ng panginoon. Ako ay matatawag na nagmula sa madilim na nakaraan. Mula sa sirang pamilya, kinamumuhian ang haligi ng tahanan dahil pinagpalit niya kami sa kanyang kabit. Maswerti na rin kami dahil may matapang at matatag kaming ina na nagsumikap para kami ay gabayan. Napakaswerti rin niya ng muling nakatagpo ng kabiyak na handang tumayo bilang aming ama. Pinangako ko sa aking sarili na hindi ko gagayahin ang aking ama. Pinangako kong panindigan ko ang pamilya bubuuhin. Ngunit sa isang kapusokan nakagawa ako ng isang kasalanan na lingid sa aking kaalaman. Tanadhana ng diyos na mapalapit ako sa babae na kapatid ng aking nagawan ng kasalanan. Minsan kong hinusgahan sa kasalanan na hindi naman niya ginawa. Naging roller coaster ang buhay pag-ibig namin. Pero sabi nga nila gaano man kalakas ng bagyo at unos sisibol parin ang isang liwanag na magbigay pag-asa na tapos na ang kalamidad.
Romance
8.819.4K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1234567
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status