Lahid
ing ito na gawa ng kalikasan at pagkalipas ng ilang mga sandali'y biglang kumanta ng isang nakakahindik-balahibong orasyon ang mga Harawig. Umawit sila ng isang di maintindihang orasyon gamit ang kanilang buo, malalim at nakakatakot pakinggang mga tinig, at nung maitaas naman nila ang mga kamay na parang inaabot ang langit ay kasingbilis ng kisapmatang sumiklab ang mga nakatusok at nakapalibot na mga sulo sa Sinugdanan. Umapoy ang mga ito at nagbigay liwanag sa buong bahaging iyon, palakas ng palakas ang paglagablab na tila umaayon sa himig ng orasyong kinakanta ng mga Harawig. Makalipas ang ilang paulit-ulit na dasal, walang anu-ano'y huminto na sa pag-aawit ang mga Harawig. Pagkahinto nama
Bab Populer