Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF (SPG)

THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF (SPG)

Si Nikita Madrigal ay isang international model at flight stewardess na tumira sa America matapos maghiwalay ang kanyang mga magulang. Doon niya unti-unting binuo ang kanyang buhay. Ngunit isang tawag mula sa kanyang ama ang muling gugulo sa tahimik niyang mundo. Pinapauwi siya sa Pilipinas dahil muling itong magpapakasal. Isang simpleng pakiusap… pero alam niyang magdadala sa kanya sa isang kapalarang hindi niya inaasahan. Sa kanyang pagbabalik, muli niyang makakaharap ang lalaking minsan niyang itinago sa kanyang puso. Ang ultimate love niyang si... Kieran Del Toro. Si Kieran Del Toro ay hindi lamang isang matagumpay na CEO ng Del Toro Aviation, isa rin itong piloto na sanay kontrolin ang lahat… kasama na doon ang puso niya. Sa muling pagtatagpo nila, muling mabubuhay ang mga alaala, ang mga tanong na matagal nang naiwan, at ang tensyong hindi kailanman nawala. Ngunit tila sadyang mapaglaro ang tadhana, dahil ang babaeng pakakasalan ng kanyang ama… ay siya mismong ina ni Kieran. Isang bubong… Isang tahanan… Isang bawal na damdamin. Paano kung ang dating simpleng paghanga ay mauwi sa isang mapanganib na pagnanasa? Paano kung ang puso ay tuluyang mahulog… sa taong hindi na niya dapat mahalin? At sa ilalim ng iisang bubong… hanggang saan nila kayang pigilan ang sarili? At kung dumating ang sandaling kailangan nilang pumili... pamilya o pag-ibig... Handa ba silang sirain ang lahat para sa isa’t isa?
Romance
103.0K VuesEn cours
Read
Ajouter dans ma bibliothèque
Angel, Don't Fly So Close To Me

Angel, Don't Fly So Close To Me

Si Ysabella ay isang cloistered nun, ang babaeng mas pinili ang mamuhay sa apat na sulok ng monesteryo at ilaan ang buhay sa pagsamba at paglilingkod ng tahimik sa Diyos. Napakasaya niya at ilang araw na lamang ay matutupad na ang pangarap niyang maging ganap na perpetual cloistered nun, ngunit hindi niya inaasahan ang bilaang pagbisita ng kanyang nag-iisa at nakakatandang kapatid. Inamin nitong miyembro ng organisyon ng mga mafia at siya ay pinaparatangang nagtraidor sa grupo kaya kailangan nitong umalis at magtago. Nagmakaawa itong proprotektahan niya ang kanilang mga magulang sa maaring gawin ng grupo sa kanilang pamilya kung kayat napilitan siyang lumabas sa monesteryo. Hindi niya akalaing ganun kasama ang sinalihang grupo ng kanyang kapatid lalong lalo na ang pinuno na si Eric Madrigal na walang awang basta na lamang kumikitil ng buhay sa kanyang harapan. Sa galit nito sa kanyang kapatid ay puwersahan siyang inilayo sa kanyang pamilya upang pagbayaran ang kasalanan ng kapatid. Ano kaya ang naghihintay na kapalaran ni Ysabella sa kamay ng pinakamasamang mafia boss sa buong daigdig? Makakabalik pa kaya siya sa monesteryo?
Romance
103.4K VuesComplété
Read
Ajouter dans ma bibliothèque
AFTER ALL "Changed of Destiny" (Book 1)

AFTER ALL "Changed of Destiny" (Book 1)

Isang trahedya ang nagpabago sa buhay ni Amanda, ngunit ito rin ang nagdala sa kanya sa masaya at magandang buhay. Subalit ang kapalit nito ay ang pagkalimot niya sa kanyang nakaraan at mabuhay ng iba ang katauhan. Maayos na sana ang lahat kung hindi lang niya nakilala ang isang Jeremy Dawson. Ang Hot and Gorgeous Hotelier na isa rin sa Founder ng Hotel sa Venice Italy kung saan siya nag-attend ng OJT. Dahilan rin ito kung bakit nagsimulang malito ang kanyang puso. Ngunit hindi niya maitatanggi na ito rin ang nagturo sa kanya nang tunay na kahulugan ng pag-ibig. Nanaisin pa ba niyang balikan ang kanyang nakaraan upang makilala ang sarili o mananatili na lang sa buhay na puno ng kasinungalingan? Paano kung ang katotohanan pa lang ito ang mas higit na sisira sa kanyang pagkatao? Gugustuhin pa ba niyang malaman ang totoo o mas gugustuhin pa niyang baguhin na lang ang kanyang kapalaran? ___ Kaya ating tunghayan ang laban ng dalawang pusong nagmamahal. Ngunit walang kalayaang ibigin ang isa't-isa. Dahil sa pag-ibig palaging may nasasaktan at nagdurusa. ***** By: LadyGem25 06-28-22
Romance
8.1K VuesComplété
Read
Ajouter dans ma bibliothèque
FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE

FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE

WARNING: Mature Content... ‼️‼️‼️ ISANG balikbayan si Elorda Manalastas, ang may long-time boyfriend for 5 years at in-long distance relationship. Pero gumuho ang lahat nang magpakasal bigla ang boyfriend sa kapatid niya na mas bata sa kanya. Ngunit, maiiba bigla ang kanyang kapalaran. Nabuntis siya at nagpakasal sa isang bilyonaryo na hindi nalalaman ng kanyang buong pamilya. ------- "WHO the f^ck are you!" Malakas na mura ni Jav, nasa isang kuwarto siya at katabi ang isang babae. Bumalikwas ng bangon si Elorda nang makarinig siya ng malakas na sigaw. Nanlalaki ang kanyang mga mata nang makitang hub^'t hub^d siya at katabi ang isang lalaki. "I-Ikaw? G*go ka!" Mariin siyang napatiim, umigkas ang isang kamay niya at dumapo ang palad sa pisngi ng lalaking estranghero. Natigagal si Jav at napahawak sa kanyang pisngi na sinampal ng babae. "P^t*ngna mo rin! Ako pa minura mo... ikaw, na kumuha sa v^irginity ko. 35 years kong iningatan ang katawan ko... ang puri ko. G^go ka!" Mga bulyaw ni Elorda, unti-unti nang naglaglagan isa-isa ang butil ng kanyang mga luha.
Romance
1073.9K VuesComplété
Read
Ajouter dans ma bibliothèque
Marked by a Playboy Prince

Marked by a Playboy Prince

WARNING: Not suitable for young readers or sensitive minds. Some parts contain graphic sex scenes, adult language and situation intended for mature readers only. TESSIMOND COUSINS SERIES #2 Bilang isang nag-iisang anak ng pamilya Fortezo, si Myca ay nakatakdang ipakasal sa mapipili niyang lalaki sa magaganap na isang salu-salo kasama ang kanyang buong angkan at malalayong kamag-anak. Hindi siya kailanman naniniwala na magkakaroon siya ng magandang buhay kapag naikasal siya sa lalaking pinsan niya sa malayong kamag-anak tulad ng paniniwala ng kanyang pamilya. Kaya tumakas siya at itinago ang sarili sa isang pribadong isla. Akala niya ay hindi na muling paglalaruan ng tadhana ang kanyang kapalaran. Tiwala pa naman ito na makakaya niyang baguhin ang desisyon ng kanyang mga magulang kung mananatili siya sa islang iyon nang ilang araw. Pero isang matipunong lalaki ang nahanap niyang nakahiga at walang malay sa tabi ng dalampasigan ng kanyang isla na pinaniniwalaan niyang nalunod. Paano kung paglaruan ng tadhana ang buhay nilang dalawa? Paano kung ang simpleng paghanga lang ni Myca sa lalaki ay mauwi sa ibang bagay? Paano kung mamarkahan siya ng lalaking ito?
Romance
109.4K VuesEn cours
Read
Ajouter dans ma bibliothèque
Bogus Billionare

Bogus Billionare

Dahil pinagtaksilan ng kanyang fiance, napagpasyahan ni Caroline Evans na magpakasal sa iba ng biglaan. Tinatawanan siya ng lahat dahil sa kanyang desisyon na talikuran ang pagiging tagapagmana ng pamilya Morrison at sa halip ay pumili ng isang mahirap na binata. Pero ang hindi alam ng lahat, ang binatang iyon ay isa pala sa pinakamayamang tao sa sa buong mundo, at nasa bansa lang siya para mag invest sa pag unlad nito. Siya rin ang uncle ng kanyang dating fiance! Sobrang nasaktan si Caroline Evans dahil sa pakiramdam niyang niloko siya at dahil dun ay nagpumilit siyang makipag divorce. Pero kinorner siya ng kanyang asawa at puno ng lambing na sinabi, “Hindi ako ang bilyonaryong iyon. Nagpa-retoke lang yun para maging kamukha ko..” Tinitigan ni Caroline ang gwapong mukha nito at naniwala siya. “Anong sumpa ito na magkaroon ng mukhang kagaya ng isa sa pamilya Morrison!” Kinabukasan, nagulat ang buong mundo sa balitang itinakwil na sa pamilya ang tagapagmana ng pamilya Morrison at ni sinco ay wala ng natira rito. Sa kabilang banda, ang bagong kinoronahang top billionaire, ay nakasuot maskara para takpan ang kanyang kagwapuhan.
Romance
9.837.7K VuesComplété
Read
Ajouter dans ma bibliothèque
Sshhh Let's Make a Secret

Sshhh Let's Make a Secret

Pamilya o Pag-ibig? Mamahalin mo ba ang isang taong gusto mo kung pagmamay-ari na pala siya ng iba at ikaw ay nakatali na rin? Susuungin mo ba lahat ng nakabalakid na pagsubok para sa isang pag-iibigang hindi tama? Arkesha Keyshey Larqueza, a simple and hardworking mother. Mahal na mahal niya ang kanyang anak na si Noah na bunga man ng maagang pagbubuntis ay hindi niya iyon pinagsisihan. Magugulo ang kanyang munting mundo nang makapasok siya sa kompanyang pagmamay-ari ng dating ex-girlfriend ng kanyang kinakasama, at di sinasadyang malaman ang pagkataong bumabalot dito. Patricia Leigh Rollsferd Faioli, a strict and serious but down-to-earth kind of president. Sobrang strikto sa pagpapatakbo ng Faioli Empire lalo na sa kompanyang Faulkerson Motors Corporation. Dala ng mapaglarong tadhana, hindi sinasadyang makikilala niya ang babaeng noon ay umagaw sa taong mahal niya. Lyle Sebastian, a once gentleman before but a short-temper man now. Siya ang ama ni Noah, iyan lang ang tanging dahilan kung bakit sila nagsasama ni Arkesha. Mahal pa niya ang dating kasintahan na si Leigh ngunit ano kayang gagawin niya sa oras na malaman niya ang munting sikreto ng kanyang kinakasama at ng kanyang minamahal?
LGBTQ+
9.720.2K VuesComplété
Read
Ajouter dans ma bibliothèque
Hunter Buencamino: My Runaway Groom

Hunter Buencamino: My Runaway Groom

Si Hunter Buencamino na isang kilalang business tycoon sa Pilipinas ay binigyan ng isang buwan na palugit ng kanyang ama na kailangan niyang maiharap ang babaeng makakasama niya habang buhay, kapalit ang malaking project sa Brown Corporation . Halos hindi makapaniwala si Hunter sa mga salitang narinig niya sa kanyang ama, lalo pa't wala sa kanyang vocabulary ang salitang kasal. Kaya hindi niya alam kung matutuwa ba siya sa pagpayag ng ama sa proyekto na matagal na niyang pinapangarap na makuha, ngunit kapalit ay ang pagpapatali niya sa isang kasal na labis niyang kinamumuhian. Sa kagustuhan ni Hunter na makuha ang project, isang plano ang nabuo sa kanyang isip at nakahanda siyang magbayad kahit na magkano sa isang babae na magpapanggap na kanyang girlfriend at asawa. Makikilala ni Hunter si Nathalie del Prado sa isang agency na bride for hire at aakalain niya itong babaeng bayaran. Ngunit dahil sa isang gabing pagkalimot ay matutuklasan ni Hunter na isa pa lang birhen ang babaeng inakala niyang marumi. Si Nathalie na nga ba ang babaeng magpapabago sa pusong bato ni Hunter?
Romance
1011.0K VuesEn cours
Read
Ajouter dans ma bibliothèque
NOT A SAINT (Filipino) (COMPLETED)

NOT A SAINT (Filipino) (COMPLETED)

Warning: Matured 18+ contents! MARANGYANG pamumuhay kagaya ng nararanasan ni Celestine Rain Alcazar ay isang malaking kasinungalingan. Kahit ang totoo ay nakakulong siya sa isang kahong walang kalayaan upang ipakita ang tunay niyang pagkatao. Pera, alahas, kayamanan, kalayawan, maalwang buhay, natatanging kagandahan at talino—a perfect barbie-like figure and most men are drooling over her. Sa kabila niyon ay may kulang pa rin na hindi kayang bilhin ng pera, ang isang kasiyahang matagal na niyang hinahangad. Pakiramdam na naiipit at nakalubog ang isang paa sa hukay nang magpasya ang kanyang ina sa arranged marriage kay Ezekiel Bellevera—isang playboy hunk. Hindi alam ng kanyang ina ang malalim na pagtatago niya ng mahabang taon sa kanyang tunay na pagkatao. Dahil hindi ang klase ni Ezekiel ang kanyang inaasam. She’s a mystery of being Not A Saint and she will prove that everybody is. Ngunit paano kung mahuli niya ang kayang fiancé at ang taong mahal niya na gumagawa ng milagro sa likuran niya? Kaya ba niyang magpatawad at kalimutan ang lahat o mag-uumpisa na ang paghihiganti niya sa mga Adan na sumira ng kanyang buhay?
LGBTQ+
821.8K VuesComplété
Read
Ajouter dans ma bibliothèque
That Star Studded Night

That Star Studded Night

Nagsimula sa pinakamabigat na desisyon sa buhay ni Lily. Ang ibenta ang kanyang sarili para sa kaligtasan ng kanyang mahal na ina. Pero hindi nito inakalang ang aangkin pala sa kanya sa gabing iyon ay ang pinaka hindi niya inaasahang tao sa buhay niya. Si Noah Visser. Ang anak ng amo ng kanyang ina. Natapos ang gabing iyon at hindi na ginusto pang makilala ni Noah si Lily. Kaya naman nang matapos ang binata sa Dalaga ay agad na itong umalis sa lugar at kinuha ang pera upang mailigtas ang kanyang ina. Nagpakalayo layo na silang mag-ina sa Pilipinas. Nagsikap, at nagtayo ng sariling negosyo, dahil hindi na gusto pa ni Lily na maulit ang nakaraan. Ngunit paano makakalimutan ni Lily ang nakaraan kung nagbunga ang gabing gusto na niya sanang ibaon sa limot.
Romance
595 VuesEn cours
Read
Ajouter dans ma bibliothèque
Dernier
1
...
3738394041
...
50
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status