Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
It's Payback Time, My Ex-Husband! (Filipino Version)

It's Payback Time, My Ex-Husband! (Filipino Version)

Handa si Sophia Grant na gawin ang lahat para maisalba ang kasal niya kay Julian—kahit pa unti-unti na itong lumalamig at tila ba nahuhulog na sa bitag ng magandang empleyado nitong si Vanessa. At ngayong may baby na sila, mas lalo siyang kumapit. Umaasa. Nagsusumamo. Pero habang lalong nabubunyag ang mga kasinungalingan at pagtataksil, unti-unting bumukas ang mga mata ni Sophia sa katotohanang ayaw niyang tanggapin—na minsan, hindi sapat ang pagmamahal lang. Wasak ang puso. Luhaan. Napahiya. Sophia chose to walk away… dala-dala lang ang mga sugat ng kahapon at ang pangakong babangon muli. Sa pagkakataong ‘to, hindi para kay Julian. Kundi para sa sarili niya. Ipinangako niya sa kaniyang sarili na magbabalik siya—mas matapang, mas malakas… at handang ipaglaban ang respeto at hustisyang matagal nang ipinagkait sa kanya.
Romance
13.8K viewsCompleted
Read
Add to library
The CEO's Forbidden Love

The CEO's Forbidden Love

Si Dolly ay ordinaryong babae—breadwinner at pangalawa sa magkakapatid. Lumuwas siya sa Maynila para makahanap ng trabaho at tuparin ang pangarap niyang maging guro, dala ang bigat ng iniwang pamilya matapos talikuran sila ng ama dahil sa pangangaliwa. Hindi niya alam na ang simpleng buhay niya ay magtatagpo sa mundo ng kayamanan, kapangyarihan, at panganib.Si Harwinn Damonier ay mafia CEO at anak ni Ravazzo Damonier, ang founder ng Eclipsis Consortium—isang global empire na charitable sa publiko pero illegal sa likod ng mga pinto. Sa simula, wala siyang pakialam kay Dolly. Ang kanilang kasal ay kasunduan lang, pinilit ng ama ni Harwinn para mapanatili ang kapangyarihan ng pamilya at ang seguridad ng Consortium. “No distractions. Work is everything,” Paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili.Ngunit si Dolly, sa kanyang stubbornness at matibay na puso, unti-unting binago ang malamig na mundo ni Harwinn. Mula sa asaran, ragebaiting, at matinding pagtatalo, napagtanto niya na may nararamdaman siya—isang damdaming hindi niya dapat aminin. Lahat ay maayos hanggang sa nalaman ni Dolly ang engagement ni Harwinn kay Natavalya Solaris, anak ng powerful Solaris family at intended bride para palakasin ang Consortium. Heartbroken, tumakas siya—hindi alam na buntis na pala siya. Sa dalawang buwan ng pagtatago at lungkot, napasakamay siya ng isang grupo na may utang na loob kay Jadraque Solaris, na plano gamitin siya para pilitin si Harwinn sa kasal kay Natavalya. Ngayon, nakatayo si Harwinn sa pagitan ng puso at kapangyarihan, habang ang kanyang mahal, si Dolly, ay nasa panganib. Isang mafia empire, isang forbidden love, at isang hindi inaasahang bata—maaaring magbago ng lahat.Makakaya kaya nilang labanan ang kasalanan, kapangyarihan, at dugo ng pamilya para sa kanilang pagmamahalan? O mawawala ang lahat sa dilim ng kanilang nakaraan at ng mundo ng mafia?
Romance
10130 viewsOngoing
Read
Add to library
The Secret of His Obsession (POSSESSIVE BOYS SERIES 2)

The Secret of His Obsession (POSSESSIVE BOYS SERIES 2)

Si Azriel Dela Vega, isang bilyonaryo sa edad na 35, ay nakatuon sa pagpapayaman at pagpapalago ng kanyang kompanya. Tatlong taon na ang nakalipas mula nang pumasok siya sa isang contract marriage kay Zephyrine Rivera, isang maganda at sopistikadang babae na naghahangad din ng kapangyarihan sa negosyo. Sa kabila ng kanilang contract marriage, mayroon si Zephyrine na lihim na itinatago. Siya ay may Multiple Personality Disorder, isang sakit sa pag-iisip kung saan siya ay may alter personality na nagngangalang Zaraeah. Dalawang pagkatao sa iisang katawan na magkaibang magkaiba ng ugali at paraan ng pamumuhay. Ngunit sa likod ng kanilang kasunduang kasal, si Zephyrine ay may pagtingin sa kanyang kababata at Psychiatrist na si Aiden at batid ito ni Azriel subalit wala syang pakialam dahil wala naman syang nararamdaman sa kanyang asawa. Malapit na ring matapos ang kanilang kontrata sa kasal, ngunit isang pangyayari ang magbabago ng lahat. Makikilala ni Azriel si Zaraeah. Maaakit siya sa kanyang maamong mga mata at ang mga ngiting kahalihalina. Ibang-iba siya kay Zephyrine, na dominante at ambisyosa. Upang maitago ang kanyang sakit, nagpanggap si Zaraeah na kambal ni Zephyrine. Dahil dito, naging malapit sila ni Azriel, at sa kauna-unahang pagkakataon, nahulog ang loob ni Azriel kay Zaraeah. Ang pag-ibig na ito ang unang pagkakataon na nakaramdam siya ng ganito, at nag-obses siya sa babaeng kanyang minamahal. Ngunit ano ang mangyayari kapag nalaman ni Azriel ang katotohanan tungkol sa sakit ni Zephyrine? Paano kung malaman niyang isang imahinasyon lamang ang babaeng minamahal niya? Ano ang mangyayari sa kanilang relasyon kung malaman niya na dalawang magkaibang puso ang tumitibok sa iisang katawan? Ano ang kayang gawin ni Azriel para sa babaeng kanyang pinakamamahal at kanyang obsesyon?
Romance
105.0K viewsCompleted
Read
Add to library
Love Beyond Contract

Love Beyond Contract

Synopsis Si Sienna ay napilitang sumang-ayon sa isang kontrata ng kasal kay Denver Thompson, isang bilyonaryo at CEO ng Thompson Corporation, kapalit ang malaking halaga para sa gastusin ng kanyang mama at kuya. Dahil sa malalang aksindente at wala siyang malaking halaga ng pera. Ang kontrata ay may dalawang taong tagal. Bago nito, si Sienna ay nagtrabaho bilang sekretarya ni Denver ngunit umalis siya nang malaman niya na si Denver ang dahilan sa  pagkamatay ng kanyang pangalawang kuya. Alam na sa sarili ni Denver na mahal na niya si Sienna unang kita pa lang niya sa dalaga. Ngunit ayaw na ng dalaga magmahal dahil sa naranasan niya sa ex-boyfriend. Nang sumang-ayon si Sienna sa kasunduang kasal ay hindi ito nagustuhan ng ama ni Denver lalong lalo na fiancée at ang pamilya nito. Habang tumatagal na magkasama ang dalawa ay unti-unting nahuhulog ang loob ng dalaga sa binata, na halos makalimutan na niya ang kasalanan na ginawa nito sa kaniyang kuya, halos naibigay na niya ang sarili niya sa binata at nabuo ang munting sanggol. Ngunit sa isang aksidente na nagdulot sa lalaki ng pagkakaroon ng amnesia at nakalimutan niya ang mga nangyari sa kaniya sa loob ng 7 taon. Si Denver na isang maginoo, mabait at makulit kay Sienna, na babalik sa kaniyang dating masamang ugali, na siyang gagamitin ng ex fiancée niya upang bumalik sa kaniya. Maibabalik pa ba kaya ni Sienna ang pagmamahalan at alala na binuo nila ni Denver ng magkasama? Kakayanin kaya no Sienna ang mga hamon na kakaharapin niya? Ibabalik pa ba niya ang lalaking minahal kung ang makakalaban niya ang ama ni Denver na hindi siya tanggap bilang daughter-in-law at mga iba pang hamon?  
Romance
10631 viewsOngoing
Read
Add to library
DESIRES OF A WICKED MAN

DESIRES OF A WICKED MAN

WannaReadMyStory
"You will pay for that debt, Richy Lane. With your body..." -Azazel Reedan Fontana *** Hindi akalain ni Richy Lane Dizon na ang natitirang mana na lamang niya mula sa kaniyang yumaong ama ay ang malaki nitong pagkakautang sa bilyonaryong si Azazel Fontana. Lucky for them, please note the sarcasm, Azazel is obsess with her twin sister, Richy Lou. And as a payment for their father's debt, her twin needs to marry the cold and ruthless billionaire. Iyon nga lamang, sa araw ng kasal ay tumakas ang kaniyang kapatid at nakipagtanan sa nobyo nito, na siyang hudyat ng pagkasira ng kaniyang buhay. Dahil upang mapunan ang kahihiyan na ginawa ng kapatid, siya ang kinaladkad ni Azazel sa simbahan upang pakasalan! Ngayon hindi lamang ang utang kailangan niyang harapin, kundi pati na rin ang araw-araw na galit ng kaniyang asawa.
Romance
754 viewsOngoing
Read
Add to library
Wrongfully Yours

Wrongfully Yours

SulatniMiss E
Iniluwal ni Celeste ang malusog at magandang bata na pinangalan niyang si Stacey. Ito lang ang tanging naiwan sa kanya nung iwan siya ng kanyang fiancee sa araw ng kasal nila. Hindi alam ng mapapangasawa sana ni celeste, na si Noah na may anak sila. Lumaki ang bata sa sariling sikap niya at nagtrabaho rin siya bilang waitress sa isang kilala at pangmayaman na restaurant sa sa syudad. Hindi alam ni Celeste na madudurog ulit ng buhay niya na muling magkrus ang kanilang mga landas. Misyon niyang itago at hindi ipakilala ang anak niya sa totoong tatay nito. Pero sa hindi inaasahang pangyayari, nalaman ni Noah, na may anak sila. Kukunin niya ba ang anak nila sa kamay ni Celeste o hahayaang magdurusa ang kanyang mag-ina sa hirap?
Romance
101.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Pinagsisihan ng Asawa ko ang Dahilan na Nakunan Ako

Pinagsisihan ng Asawa ko ang Dahilan na Nakunan Ako

Pitong taon na kaming kasal ni Zackary at sa wakas ay nagkaroon na kami ng unang anak. Ngunit nang makita ang resulta ng pagbubuntis, naghinala siyang hindi kanya ang bata. Dahil sa galit, nagpa-paternity test ako sa kanya. Noong araw na lumabas ang resulta, si Zackary, na dapat ay nasa ospital, ay nagpakita sa aking pintuan. May hawak siyang litrato. Makikita sa litrato na nasa bahay ng kaibigan niya ang underwear ko. Sinipa niya ako ng malakas kaya nawala ang baby ko. Sumigaw siya, "You bitch, ang lakas ng loob mo na lokohin ako. Hindi ako magpapalaki ng anak ng ibang lalaki, alam mo ‘yon. Go to hell!" Nang maglaon ay nalaman niya ang katotohanan at nakiusap sa aking patay na anak na bumalik.
Short Story · Romance
2.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Hiding the Cold Billionaire's Twins

Hiding the Cold Billionaire's Twins

Matapos ng kasal ng lalaking minsan na niyang minahal at ng kanyang matalik na kaibigan, nilulong ni Chandria ang sarili sa alak para pansamantalang maalis ang lungkot at sakit na kanyang nararamamdan. At nang magising siya ay katabi na niya ang lalaking hindi niya lubos maisip na makakasama niya, si Pantaleon Farris, ang pinsan ng minamahal niyang kinasal kahapon. Sa takot na maratnan siya nito, agad na lumisan si Chandria sa pad ng lalaking 'yon. Ngunit sa hindi inaasahan, nagbunga ang mainit na gabing 'yon na naging dahilan upang umalis siya ng bansa kung saan niya binuhay ang kambal niyang anak. Ngunit papano na lang kung sa pagbalik nila ng Pinas para sa napakaimportanteng trabaho ay hindi inaasahang magkatagpo ang kanilang landas? Can Chandria still hide the cold billionaire's twins?
Romance
10154.2K viewsCompleted
Show Reviews (31)
Read
Add to library
Zen Yang
sobrang hook talaga ako sa Story ni Leon, tagal kong inabangan tong kwento mo and its all worth it...️🫰🏻 after Leon abangan ko naman mggng kwento ng pinaka demonyo sa grupo nila,na iintriga talaga ako s maggng kwento n Lucifer, tingin ko ang kulit ng mggng kwento nia pero mukhang mapanakit ng bongga
yinyang blackwood
reading Leon and Ria's love story buti na lang di sad ang love life ni Leon dahil may Ria na sya at last! thank you Ms Anji di sad ang love life ni Leon I like Leon's attitude lalo na pag super in love na sya sa babae ay!!! shet! kinikilig ako ...️...️
Read All Reviews
STRIPPED

STRIPPED

Ang buhay para kay Lhaarny ay magaan at masagana dahil sa pagkakaroon ng sobrang yaman. Sa isang pagkakataon, kailangan niyang ikasal sa makisig at talaga namang kaaya-aya na si Clyne. Bago pa lamang ang kanilang nakatakdang kasal ay nagkapalagayan na sila ng loob, ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, nahuli niya ang babae kasama ang hindi kilalang lalaki na parehong hubo’t hubad. Walang ibang hiniling si Lhaarny kung hindi ang makalaya sa mapusok at nakakahiyang trabaho niya, walang araw na hindi niya inisip ang naging kapalaran niya matapos ang insidenteng iyon dalawang taon na ang nakalilipas. Sa muling pagkikita nila ni Clyne, dapat ba siyang magpasalamat dahil ini-alis siya nito sa trabaho kahit ang kapalit nito ay paghihirap niya sa kamay ng lalaki?
Romance
4.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Falling For Her Unexpectedly

Falling For Her Unexpectedly

Jenaiah
ni Khealie na umalis at suwayin ang mga magulang sa sapilitang pagpapakasal nito sa kaniya at sa lalaking hindi niya naman mahal. Sa kaniyang pag-alis ay hindi sinasadyang magka tagpo ang landas nila ni Cloud na siyang naging daan niya upang tigilan na siya ng mga magulang niya sa pwersahang pagpapakasal nito sa anak ng isa sa mga investors ng kaniyang ama. "Hindi ko sukat akalain na ang babaeng noon ay nag mamakaawa lamang na pakasalan ko ay siya palang makakatuloyan ko, hindi ako makapaniwala." madamdaming sambit ni Cloud. tanging matamis na ngiti lamang ang ibinigay ni khealie sa kaniyang asawa. Sino nga ba naman ang mag aakala na tototohanin pala nilang dalawa ang kasal na dapat sana ay palabas lamang kagaya nang napag kasundoan nila bago ang kasal.
Romance
861 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
2526272829
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status