His Brother's Wife
“Ikaw?”
“Busy. Sunod-sunod meeting. Pero maganda rito, hon. Sayang nga hindi ka sumama.”
Napatingin ako kay Luna.
Hindi ko alam kung napansin ni Kuya ang bahagyang paghinto ng mukha niya. Ako, oo.
“Akala ko wala naman akong gagawin diyan,” mahinahong sabi niya.
Tumawa si Kuya, hindi napapansin ang talim na nakatago sa lambot ng sagot niya. “Oo nga naman. Baka mainip ka lang. Bryden, nandiyan ka?”