Unwanted Wife (Taglish)
"Jewel nasasaktan ka kasi nagmamahal ka, mahal mo siya kaya mo nararamdaman ang sakit. Parte ng pagmamahal ang masaktan pero lahat may hangganan. Hindi porke't mahal mo ang isang tao ay mananatili kana kahit na durog na durog kana. Minsan kailangan mong umalis sa isang relasyon bago kapa tuluyang maubos at wala ng matira para sa sarili mo. Kung susugal ka siguraduhin mong worth it iyon, mahirap sumugal lalo nasa taong wala planong ipanalo ka."
"Gusto kung magpahinga, gusto kung maibsan ang sakit na nararamdaman ko pero hindi ko alam kung paano." pag amin ko
"Mahalin mo ang sarili mo, hindi porket nagmahal ka ay papabayaan mo na ang sarili mo. Pag nagmahal ka huwag mong ibigay lahat, magtira