Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Refuse To Divorce: In The Arms Of  Ruthless Billionaire

Refuse To Divorce: In The Arms Of Ruthless Billionaire

Eto ay isang kuwento ng babaeng naipakasal sa isang bilyonaryong may edad sa pamamagitan ng shot gun wedding na kagagawan ng kanyang gusapang ama. Ngunit ang babae ay may lihim naman paghanga sa lalaki noon pa man kung kaya naman hindi siya komontra at na excite pa nga itong mmaging asawa ng Bilyonaryo. Ngunit ang kaligayahan sa piniling kapalaran ay hanggang panaginip na lamang pala dahil kailan man ay hindi siya trinayong asawa ng lalaki. Ngunit a kabila ng lahat ng hirap ng katawan at kalooban sa pagsasama at sa klase ng trato sa kanya ng lalaki ay minahal pa rin at sinamba ni Yuna ang asawang si Felix Altamirano. Pero umabot na sa sukdulan ang lahat dahil sa isang mas masakit na katotohanang sumampal sa ilusyon ni Yuna. Wala palang pagasa, nagiilusyun lamang pala siya.
Romance
10111.7K viewsOngoing
Show Reviews (13)
Read
Add to library
Ashley ا
Okay naman ang story but sorry I stopped it, mas okay po maiksi pero marming twist and learnings..almost 80% na natapos ko pero medyo nawalan na ako ng gana sa nangyayri kay Yuna. Sorry author, hope more writings to come na maka inspire po. Thanks
BABY JANE GUAVES
Nangangalahati pa lang ako ng nababasa sa kwentong ito pero talagang papatak ang luha mo. Makararamdam ka ng awa para sa bidang babae, maiinis ka sa character ng bidang lalaki pero may dahilan naman kung bakit siya ganon at magagalit ka sa kontrabida at sa mga alipores nito. Worth it pong basahin! ...
Read All Reviews
Twin Fate: Wife, Please Love Me Again

Twin Fate: Wife, Please Love Me Again

Sa loob ng dalawang taon, inakala ni Valerie na may pag-asa siyang mapalambot ang pusong kasingyelo ng kanyang asawang si Harvey Alcantara. Ngunit isang araw, nagbago ang lahat—nalaman niyang hindi siya ang tunay na anak ng pamilyang Lozano, at kasabay nito, itinakwil siya ng kanyang sariling pamilya at itinaboy mula sa buhay na marangyang inakala niyang kanya. Sa isang iglap, nawala ang lahat—pamilya, pangalan, at maging ang kasal na pinanghawakan niya nang buong puso. Pinalitan siya ng babaeng tunay na may karapatang maging anak ng Lozano… at maging asawa ni Harvey. Ngunit sa gitna ng kanyang pagkawala, isang hindi inaasahang katotohanan ang mabubunyag—isa siyang bahagi ng isang makapangyarihang pamilya na mas higit pa sa kayang ipagkait ng mga Lozano at Alcantara. At sa kanyang pagbabalik, hindi na siya ang Valerie na kayang aapihin ng sino man.
Romance
106.9K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Painful Love (Gorgeous Men Series 23)

The Billionaire's Painful Love (Gorgeous Men Series 23)

Miss Virgo
Dahil sa pamimilit ng magulang ni Griffin Zale Kellneer na ipakasal siya sa babaeng hindi naman nito minahal ay napilitan siyang pakasalan ang babaeng si Samantha Lagdamiyo.  Isang pekeng kasal kapalit ng limang milyong peso.  Sa loob ng isang buwan na nagsama sila sa iisang bubong, hindi man aminin ng dalawa ay minahal nila ang isa't-isa.  Walang sikretong hindi nabubunyag. Kaya nung malaman ng magulang ni Griffin na peke lang ang kanilang pagsasama ay lumayo si Samantha dala ang perang kapalit ng kasal.  Makalipas ang limang taon nagbalik si Samantha dala ang batang babae, ipinakilala itong anak ni Griffin.  Ngunit sa hindi inaasahan ay ito rin ang naging hudyat ng pagkamatay ng ama ng binata.  Labis ang pagsisi ni Samantha dahil kinamuhian siya ng lalaki at ito rin ang dahilan upang hindi tanggapin ng binata ang pinakilala nitong anak. Ngunit tila mapaglaro ang panahon, dahil isang pagkakamali ang ginawa na paghihiganti ni Griffin kay Samantha. Mapapatawad pa kaya niya ang babae? Maibabalik pa ba niya ang kanyang pagmamahal kay Samantha? O mananatili na lang ang kanyang pagkamuhi sa babae? Gayong kailangan siya ng babae ng magbalik ito sa kanyang buhay. 
Romance
10758 viewsOngoing
Read
Add to library
Chasing The CEO's Peculiar Wife

Chasing The CEO's Peculiar Wife

Madam Ursula
Labis ang galit ni Kaye ng mabalitaan sa kanyang ama na ipinagkasundo siya nitong ipakasal sa anak daw ng kaibigan nito na pinakamayaman sa kanilang lugar. Pagma may-ari daw ng pamilya ng lalaki ang lahat halos ng lupain kaya magiging maayos daw ang buhay niya kesa ang maging simpleng trabahador lamang sa sakahan. Ngunit ang higit na ipinaghimutok ng butchi ni Kaye ay dahil sa napakaliit na halaga nang naging kapalit ng kanyang kalayaan. Ipinagpalit lang naman siya ng kanyang ama sa isang lumang Kiskisan. Ganun lamang ang halaga niya? kaya naman lumabis ang galit niyasa kung sino man ang nakipagkasundo sa ama. Mukhang inabuso at dinehado ng mga ito ang ama niya. Pero ng malaman ni Kaye kung sino ang sinasabing lalaki ng kanyang ama ay halos bumulwak ang galit ng dalaga. Hindi niya matatanggap na ipakakasal siya sa lalaking kinamumuhian niyang tunay. Hindi papayag si Kaye na maipakasal sa isang Nicolas Buencamino. Hinding hindi niya gagawing madali ang lahat para sa lalaking iyon. Samantala naman si Nicolas ay sabik at excited umuwi dahil sa balitang nakatakda na daw siyang magasawa
Romance
105.0K viewsCompleted
Read
Add to library
Shotgun Marriage with the President’s Son

Shotgun Marriage with the President’s Son

Si Soleil Yna Ong, tagapagmana ng Ong Technologies Inc., ay nakaranas ng matinding pagtataksil nang lokohin siya ng nobyo niyang si Jared Joaquin habang siya’y nagbubuntis. Para sa pamilya niya, malaking kahihiyan at malas ang pagkakaroon ng anak nang walang asawa. Dahil dito, desperado siyang protektahan ang reputasyon ng pamilya at masiguro ang kanyang mana. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nagkrus ang landas nila ni Lysander Alcantara, anak ng pangulo ng bansa at CEO ng Asiana Airlines. Matapos ang isang di-sinasadyang halik, diretsahan siyang nagtanong, “Now that you’ve kissed me, merry me.”  Pero agad siyang tinanggihan ni Lysander. Muling nagtagpo ang landas ng dalawa sa ika-60th birthday ng kanyang ama, kaya isang matapang na hakbang ang ginawa ni Soleil—ipinakilala niya si Lysander bilang kanyang fiancé, na labis na ikinagulat ng lahat. Dahil sa takot sa iskandalo, pumayag itong makipagkasal sa kanya—isang kasal na walang halong pag-ibig. Pero habang nagsasama sila at sa gitna ng kanilang pekeng kasal, mananatili ba silang malamig sa isa’t isa o may lugar pa kaya ang tunay na pag-ibig sa kanilang dalawa, dahilan para maputol ang sumpa?
Romance
102.3K viewsOngoing
Read
Add to library
The Donor Named Seven

The Donor Named Seven

Wala ng ibang nais si Hillary kundi ay ang tumanda ng hindi nag-iisa. At ang nakikita niyang sagot doon ay ang pagkakaroon ng anak. Pero may problema, wala siyang asaya o nobyo man lang. Kaya ng minsang mapunta sa isang bar, pinatulan na ni Hillary ang suhestiyon ng kaibigan niya na maghanap ng lalaking magbibigay ng anak sa kanya at pagkatapos ay kalimutan na lang ang gabing iyon. Pero hindi sumang ayon ang tadhana kay Hillary. Hindi siya nabuntis. At lalong hindi niya pwedeng kalimutan na lang ang gabing may nangyari sa kanila ng guwapong estranghero. Buong akala niya ay hindi na muling makikita pa ang estrangherong iyon pero gusto na niyang kumaripas ng takbo pauwi ng magkita sila ulit nito. Sa isang kasal kasi ng isa sa mga kaibigan niya, nagkita sila ni Seven Fuentes---ang lalaki sa bar na ubod ng macho, gwapo at bango. At ang loko, pinilit siyang saluhin at makipag agawan sa wedding bouquet dahil sa pagbabanta nitong sasabihin sa mga kaibigan niya ang nangyari sa pagitan nila. Wlaa siyang pagpipilian dahil hawak ni Seven ang sekretong ipinamba-blackmail nito sa kanya.
Romance
1011.8K viewsCompleted
Read
Add to library
Pantasya ni Tasya: Forbidden Desire 1 (SSPG)

Pantasya ni Tasya: Forbidden Desire 1 (SSPG)

WARNING: CONTAINS MATURE CONTENT. READ AT YOUR OWN RISK: SUPER SPG Dahil niloko ng nag-iisang lalaking minahal at pinagkalooban niya ng sarili, naging mapaglaro si Tasya sa pakikipagrelasyon at hindi na muling nagseryoso. Isang gabi, sa isang hotel, nakaranas siya ng hindi inaasahang experyensa. Nagkaroon siya ng sexcapade kasama ang apat na lalaki. Sa apat na lalaking iyon, may isang lalaking nakaagaw ng kanyang pansin. Hanggang sa naging pantasya niya ito gabi-gabi, sa kanyang pagtulog hanggang sa kanyang panaginip. Makalipas ang limang taon, nakiusap ang kapatid na matagal na hindi niya nakita na makipagsex siya sa asawa nito at magpabuntis. Kapalit ng sampong milyon, gusto nitong dalhin niya ang magiging tagapagmana ng asawa nitong bilyonaryo. Hindi kasi ito binibiyayaan ng anak dahil sa isang kondisyon. Pini-pressure na rin ito ng mga magulang ng lalake. Na kapag sa tatlong taon na palugit at walang anak, kailangan nitong hiwalayan ang asawa. Iyon pala ang magiging pinto para magkaroon ng kaganapan ang mga pantasya ni Tasha. Dahil ang brother in law niya ay walang iba kundi ang lalakeng laman palagi ng panaginip at kanyang pantasya. A forbidden desire she can't resist.
Romance
1012.6K viewsOngoing
Read
Add to library
MGA TINIK SA KAMA

MGA TINIK SA KAMA

Walang perpektong pamilya, alam ko iyon. Away-bati. Tampuhan. Pagtatalo. Normal na tagpo ang mga iyon sa tahanan ng sinumang mag-asawa. Wala kaming ipinagkaiba ni Gavin pero kampante ako sa pagmamahal na ibinibigay ng asawa ko. Naniniwala akong sa kabila ng kawalan namin ng anak ay sa akin pa rin siya laging umuuwi. Ako pa rin ang nagmamay-ari ng mga salitang hangad na marinig ng karamihan sa mga babaeng nangangarap ng matinong kabiyak. Pero ang lahat ng bagay ay kumukupas nga ba pati ang pagmamahal? Sa araw ng wedding anniversary naming ay ginimbal ako ng kataksilan ng asawa ko. Gusto ko sana siyang sorpresahin pero ako ang ginulat niya sa annulment paper na nilapag niya para pirmahan ko. Bumagsak ang aking mundo at sa sobrang desperasyon ay naisip kong magpakamatay. Pero imbis na magawa ang gusto ay natagpuan ko ang sariling pinipigilan ang lalaking nakasampa rin sa railing ng tulay at gusto ring tumalon tulad ko. Sa pagtatagpo naming dalawa, umusbong ang damdaming kinatatakutan ko na kung ang bilyonaryong kapitan ay handa akong samahang mahiga kahit sa mga tinik sa kama?
Romance
108.9K viewsOngoing
Read
Add to library
BAKAS NANG KAHAPON

BAKAS NANG KAHAPON

Angela De Dios. Ang babaeng sinubok at pinatatag ng panahon at karanasan. Hindi sinukuan ang lahat ng hamon at dagok na dumating sa kaniyang buhay. Norman Villanueva. A certified bachelor. Kilala at mayamang negosyante. Mas inakala ng iba na isa siyang womanizer dahil sa sobrang kasungitan at aloof sa mga babae. Paano kung pagtagpuin sila ng tadhana? Magagawa kayang punan ng bawat isa ang isang bahagi ng kanilang mga pusong tila may kulang pa? Paano kung mabunyag ang isang pangyayaring gigimbal sa pagkatao ng bawat isa sa kanila? Matanggap pa kaya nila ang sukli ng tadhana? O, tuluyang kalilimutan nalang na minsan naging mapaglaro ang kapalaran?
Romance
9.923.8K viewsCompleted
Read
Add to library
Danger Zone: Fight to Survive

Danger Zone: Fight to Survive

Habang papunta sa kanilang paaralan, ang dalawang magkaibigan ay nadatnan ang sariling tumatakbo sa gitna ng magulong kapaligiran. Isang experimento ang gumimbal sa boung Pilipinas at bumago sa buhay ng maraming tao at ang pagbangon ng mga patay na kumakain ng laman ng mga buhay. Sa gitna nito isang grupo ng mga kabataan ang tinadhanang magkatagpo upang tuldukan ang pandemyang bumalot sa sanlibutan.
Sci-Fi
103.4K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
4041424344
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status