Filtern nach
Aktualisierungsstatus
AlleLaufendAbgeschlossen
Sortieren nach
AlleBeliebtEmpfehlungBewertungenAktualisiert
Amira

Amira

LhiamayaCEOAdventurousDramaBetrayalDark RomanceForbidden LoveSecret LoveIndependent
Si Amira Capalad ay isang desi nuebe anyos na dalaga. Maganda, mabait, mahinhin at matalino. Nag iisang anak sya ng kanyang mga magulang. Nag aaral sya sa kolehiyo sa kursong nursing. Pangarap nyang maging nurse balang araw. May nobyo sya na lihim sa kaalaman ng mga magulang nya. Yñigo Alejos, treinta y tres anyos. Gwapo, matikas, matapang at may pagkaarogante. Isang mayamang binata at habulin ng mga babae. Apo sya ng isang mayamang haciendero. Para sa kanya ay pampalipas oras lang ang mga babae at hindi dapat sineseryoso. Pero nagbago ang pananaw nya na yun ng sya na ang mamahala ng hacienda at magkrus ang landas nila ni Amira. Simple lang naman ang buhay ni Amira at simple lang din ang pangarap nya. Ang makapagtapos ng pag aaral at miahon sa kahirapan ang kanyang mga magulang. Ang makasama ang lalaking kanyang pinapangarap. Ang matanggap ito ng kanyang mga magulang balang araw. Pero sa pagsulpot ni señorito Yñigo ang apo ng amo ng mga magulang nya ay parang biglang nag iba ang takbo ng buhay nya. Nag iba na rin ang takbo ng relasyon nila ng kanyang kasintahan. Ang inaakala nyang tapat na kasintahan ay nahuli nya sa aktong nagtataksil na labis labis nyang dinamadam. Sa pagluluksa ng puso nyang sawi ay dinamayan sya ni Señorito Yñigo. Tinulungan sya nitong makalimot. Pinagsaluhan nila ang isang mainit na gabi. Ngunit kinaumagahan ay nabulabog silang dalawa. Nasa labas ng kwarto ang inay nya at itay nyang galit na galit at may hawak na itak. Pati na rin ang señor na bakas sa mukha ang pagkabigla sa nasaksihan. Ikinasal sila ni señorito Yñigo. Napikot nya ito. Saan hahantong ang relasyon nila ng señorito na nagsimula lang sa isang gabing pagkalimot? Kaya ba nyang makasama ito habang buhay? Matutunan nya kaya itong mahalin?
1041.1K AufrufeAbgeschlossenZur Bibliothek 1.6K Mal als landas hinzugefügt
Lesen
+Bibliothek
Akin Ka. Hanggang Langit (SSPG Series)

Akin Ka. Hanggang Langit (SSPG Series)

Eckolohiya23ContemporaryDark RomanceFast-Paced PlotArrogantDominantHero/HeroinContract MarriageForbidden LoveLovers Reunion
AKIN KA HANGGANG LANGIT SERIES Isang serye ng mapusok at matinding pag-ibig tungkol sa tatlong makapangyarihang Alkalde at ang mga babaeng uuwian nila hanggang langit. BOOK 1: Akin Ka Hanggang Langit (Paulo at Aria) Inakala ng walang-awang Alkalde na si Paulo Santillanes na patay na ang nag-iisang babaeng minahal niya. Ngunit tatlong taon ang lumipas, natagpuan niya itong buhay. Nabubuhay sa hirap bilang si Melissa, walang alaala, at may lalaking nagpoprotekta. Sa tindi ng selos at obsesyon, gagamitin ni Paulo ang yaman upang ibaon sa utang ang pamilya nito at ikulong ang dalaga sa kanyang mansyon. Limot man nito ang nakaraan, aariin niya ito gabi-gabi hanggang sa mismong katawan ni Aria ang makaalala kung sino ang nagmamay-ari sa kanya. BOOK 2: Akin Ka Hanggang Langit (Chance at Nayah) Si Mayor Chance De La Serna ang kinatatakutang Halimaw ng San Ignacio. Siya ay malamig, walang-puso, at namumuno gamit ang kamay na bakal. Ngunit ang kanyang madilim na mundo ay mayayanig nang tangkain niyang iligtas si Nayah, ang inosenteng anak ng sindikatong sumira sa kanyang pamilya. Ang kinatatakutang warlord ay unti-unting magiging isang uhaw na hari, isang lalaking handang kalabanin ang lahat, isuko ang kanyang kapangyarihan, at saluhin ang mismong bala huwag lamang mawalay sa nag-iisang reyna niya. BOOK 3: Akin Ka Hanggang Langit (Chozen at Olga) Si Mayor Chozen Cordovez ay kilala bilang seryoso, istrikto, at walang-ngiting Mayor Yelo ng San Isidro. Ngunit ang hindi alam ng lahat, sa likod ng nakasaradong pinto ng kanyang opisina, isa siyang patagong die-hard fanboy na baliw na baliw sa A-list actress na si Olga Manahan. Nang magkrus ang landas nila at sadyang tuksuhin ng palaban na aktres ang pormal na Alkalde, tuluyang mabasag ang maskara ni Chozen. Walang makapipigil sa pag-usbong ng isang nagugutom na lalaking handang angkinin ang idolo niya. Written by Eckolohiya23
107.2K AufrufeLaufendZur Bibliothek 253 Mal als landas hinzugefügt
Lesen
+Bibliothek
Mr. Billionaire Professor And Her Ugly Student

Mr. Billionaire Professor And Her Ugly Student

LykaActionGirl PowerDramaHidden IdentityProfessorBillionaireHate to LoveSecret Love
Sa likod ng nagniningning na ginto at karangyaan ng Golden University, isang mapanganib na laro ng panlilinlang ang nagaganap. Si Laria, isang elite spy, ay bihasa sa pagiging anino. Upang matagumpay na maisagawa ang kanyang misteryosong misyon, pinili niyang itago ang kanyang tunay na ganda sa likod ng isang pangit at hindi kapansin pansing anyo makapal na salamin, pekeng dungis sa mukha, at isang mahiyain na personalidad na madaling balewalain ng mapanghusgang lipunan ng unibersidad. Sa paningin ng lahat, siya ay isang hamak na iskolar na walang puwang sa mundo ng mga elitista, ngunit sa likod ng maskarang ito ay isang matalas na isipan na nagmamanman sa bawat kilos ng mga nasa paligid niya. Ngunit ang katahimikan ng kanyang pag iispya ay magugulo sa pagdating ni Professor Drake. Sa umaga, siya ang misteryoso, malamig, at nakakalunod ang presensya na guro na kinatatakutan at hinahangaan ng lahat. Ngunit sa ilalim ng kanyang mamahaling suit at matatalas na titig, si Drake ay isang mafia billionaire na may mas malalim at madugong agenda. Pumasok siya sa unibersidad hindi upang magturo, kundi upang bawiin ang isang mahalagang pag aari ng kanyang pamilya at lipulin ang mga traydor na nagtatago sa loob ng akademya. Ang bawat leksyon sa loob ng silid aralan ay tila isang interogasyon, at bawat titig niya kay Laria ay tila unti-unting nagbabaklas sa pader na itinayo ng dalaga. Habang nagtatagpo ang kanilang mga landas sa gabi bilang mga estrangherong magkalaban sa misyon, at sa araw bilang guro at estudyante, isang matinding tensyon ang mabubuo. Sa unibersidad na binuo ng mga lihim, kailangang mag ingat ni Laria dahil ang lalaking nagmamasid sa kanya mula sa unahan ng klase ay ang siya ring lalaking maaaring maging pinakamalaking hadlang sa kanyang misyon o ang tanging makakapagligtas sa kanya.
287 AufrufeLaufendZur Bibliothek 6 Mal als landas hinzugefügt
Lesen
+Bibliothek
An Affair To Remember

An Affair To Remember

Sweety ElleSteamyBillionaireAffair
WARNING: Masarap ang bawal na pag-ibig- nakakabaliw! nakakapanabik! nakakawala ng wisyo! Naghihimagsik ang puso't isipan ni Clarisse ng malaman niyang nagpakasal ang kanyang ina sa batang-batang lalake na halos matanda lang sa kanya ng ilang taon ayon pa sa nabalitaan niya.Hindi niya na sana naisin pang umuwi ng Pilipinas kung hindi lang dahil sa nalaman. Kaya niyang tikisin ang ina kahit pa ilang taon at kahit sa huling araw nito sa mundo dahil sa matinding pagkasuklam niya rito.Namatay ang kanyang ama sa sama ng loob dahil sa pangangaliwa ng ina.Sa pagkamatay ng ama sabay niya ring kinalimutan ang ina at nagpakalayo-layo sa Amerika.Tahimik na sana ang buhay niya kung hindi lang dahil sa nalaman niyang masamang katotohanan na wala siyang mahihita ni isang kusing na kayaman kung hindi siya uuwi ng Pilipinas at makikisama at titira sa iisang bubong kasama ang ina at kanyang stepdaddy na isa pa lang kasalukuyang gobernador ng kanilang probinsiya. Paano niya mapaglalabanan at maiiwasan ang tukso ng mabagsik na karisma ng kanyang super hunk and sexy stepdaddy na si Christopher Del Fuego, ang lalakeng matagal niya ng gusto buhat ng siya'y labingwalong taon pa lamang ngunit ang tingin nito sa kanya ay bata at hindi kaibig-ibig. Hindi man lang siya nito tinatapunan ng pansin kahit ipinagduldulan niya na ang sarili noong nasa nasa unang taon niya pa lang sa kolehiyo at nasa huling taon na sa university ng binata .Kasabay ng kanyang paglalayas ay sinundan at hinanap niya ito sa America ngunit nabigo siya. Sa kanyang pag-uwi, magkrukrus muli ang landas nila ng binata na ngayon ay kanyang stepdaddy. Paano kung hindi lang pala stepdaughter ang tingin sa kanya ni Chris? May mamuo bang matinding pagnanasa sa isa't isa kahit alam nila na bawal ang kanilang pag-iibigan?
107.8K AufrufeAbgeschlossenZur Bibliothek 156 Mal als landas hinzugefügt
Lesen
+Bibliothek
The Billionaire Forbids his Maid to Leave

The Billionaire Forbids his Maid to Leave

Eyeris_DiaryFast-Paced PlotFirst-Person POVBillionaireLovers ReunionRunaway with a BabyBabywingman
Love is sweeter the second time around, ika nga nila. Pero paano kung ang pagmamahalang akala mong tapos na ay bumalik dala ang mga lihim na matagal mong itinago? Si Marie Violetta Gutierrez ang pinakamagaling na scholar ni Madame Giselle Hauxley. Sa tagal niyang namalagi sa mansion ng mga Hauxley, itinuring na siyang parang tunay na anak ng pamilya. At doon niya nakilala si Logan Hauxley. Ang lalaking minahal niya nang higit sa sarili niya. Ang lalaking handang ibigay sa kanya ang buong mundo. Pero nagbago ang lahat nang mapilitan siyang umalis nang walang paalam at walang paliwanag. Sa pag-alis niya, hindi niya alam na may iniwan pala si Logan sa kanya na mas mahalaga pa sa kahit anong pangarap. Isang anak. Anim na taon siyang nagtago habang mag-isang pinalalaki ang kanilang anak na si Lollita. Akala niya ay hindi na muling magtatagpo ang landas nila. Nagkamali siya. Dahil sa pagbabalik niya sa buhay ni Logan, muli niyang natagpuan ang sarili sa piling ng lalaking hindi niya kailanman nakalimutan. At bago pa man niya maamin ang lahat ng katotohanan… Muling nagbunga ang kanilang pagkakasala. Ngayon, kailangan niyang itago hindi lang ang isang anak, kundi pati ang isa pang lihim na maaaring tuluyang sumira sa lahat. Habang pilit niyang iniiwasan ang nakaraan, mas lalo namang lumalapit si Logan—determinado na malaman kung bakit siya iniwan at bakit hanggang ngayon ay pakiramdam niya, may malaking bahagi ng buhay nito ang hindi niya alam. Pero hanggang kailan maitatago ni Violette ang katotohanan? At kapag nalaman ni Logan na mayroon na pala silang anak… at isa pa ang paparating… Pipiliin pa rin kaya niya si Violette, gayong may asawa na sya? O tuluyan nang mawawala ang pagkakataong matagal nilang hinihintay? A billionaire who refuses to let the woman he loves leave for the second time.
1092 AufrufeLaufendZur Bibliothek 2 Mal als landas hinzugefügt
Lesen
+Bibliothek
ZURÜCK
1
...
303132333435
CODE SCANNEN, UM IN DER APP ZU LESEN
DMCA.com Protection Status