Masquerade of Lies
Maski man siya ay hindi nagce-celebrate ng birthday, ngunit dahil ‘yon sa wala namang naghahanda para sa kaniya bukod kay Kyla.
Siya ay walang pamilya, ngunit meron si Lauren, at ngayon ay nagce-celebrate siya na tila parehas sila ng sitwasyon.
“At sa carnival kayo nagpupunta?” tanong ni Jacob. Napataas ang gilid ng kaniyang labi sa impormasyong iyon.
“Yeah,” sagot ni Lauren. Dumilat ito at tumingin sa labas ng bintana. “Dad always brings me to theme parks like I’m still a kid. Maybe he still thinks that I love going there, or just plainly forgot that I grew up.”
Bab Populer