Share

Chapter 13

Ayaw mang aminin sa sarili ay talagang naninibago si Shaun Dale dahil buong araw na walang Dahlia na kumukulit sa kanya.

Ni hindi rin niya ito nahuling nagnanakaw ng sulyap sa kanya. Madalas kasi niya itong mahuli na nakatingin sa kanya kapag nasa klase sila. At kapag napatingin naman siya dito ay malokong kikindatan pa siya nito.

Ngayon lang nito ginawa na hindi siya pansinin. Kapag may girlfriend naman siya noon ay sumusulyap pa rin ito sa kanya, pero puro irap ang nakukuha niya kapag nahuli niya itong nakatitig sa kanya.

What happened to her? Hindi niya maiwasang itanong sa sarili.

Ilang araw na ang nakalipas na hindi talaga siya nito pinapansin.

Kapag nagkakasalubong sila sa daan ay diretso lang ang tingin nito at ni hindi siya tinitingnan. Mistula siyang hangin sa paningin nito.

At nakakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na inis.

"Shaun pare, e-mail ko na lang yung docs mamaya ha?" ani Neil na kaibigan niya habang naglalakad sila pababa ng school building.

"Sige, paki na lang par
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status