Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
The Return of the Vengeful Ex-Wife

The Return of the Vengeful Ex-Wife

Dahil sa isang aksidente, nalaglag ang dinadala ni Aeris na siyang dahilan kung bakit naging impyerno ang kanyang buhay-may asawa. Sa kamay pa lamang ng kanyang byenan, lalo na sa kanyang asawang si Flyn. Lahat na yata ng klase ng pang-aabuso ay naranasan niya, at tinanggap niya iyon dahil naniwala siyang kaparusahan iyon sa kanyang ginawa. Hanggang sa dumating ang tiyuhin ni Flyn na si Lucien, na tila ba handa siyang iligtas sa buhay na ayaw niyang iwanan. Dumating ang araw na desidido na si Aeris na tumakas at sumama na lamang kay Lucien, ngunit agad na naglaho ang kanyang mga pangarap nang bigla niyang masaksihan ang sikretong nag uugnay sa kanilang dalawa ng lalaki. Handa ba siyang maranasan muli ang kalupitan na minsan na niyang tinakasan sa kamay ng lalaking naging dahilan kung bakit niya piniling mabuhay?
10881 DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 31 kali sebagai lee na yeon
Baca
+Pustaka
THE MAN WHO BREAKS MY HEART

THE MAN WHO BREAKS MY HEART

Sa kagustuha na makaraos sa pang araw-araw na pangangailan ay kailangang magtrabaho ni Aubree Lyn Corpez sa isang company na mataas magpasahod ngunit malayo naman sa kanyang mga anak na kambal na nasa edad five years old. Ngunit sa hindi inaasahan na pagkakataon ay ang magiging boss niya ay ang dating kasintahan na kung saan pilit niya na itong kinalimutan ng ilang taon dahil sa isang pagkakamali na relasyon at dahilan kung bakit inilayo niya ang kanyang mga anak sa tunay nitong ama. Kaya niya bang panindigan na hindi na siya magbibigay ng second chance sa taong nananakit sa kanya kundi ang maghiganti? Ryker Matt Sullivaño ay kilalang ruthless, arrogant CEO/ boss ng isa sa kilalang real estate sa buong bansa. Sa muling pagkikita ng kanyang dating girlfriend, may pag-asa pa kayang maitama niya ang mali ng nakaraan? Paano kung huli na at may mahal na siyang iba?
1027.4K DibacaTamatDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 768 kali sebagai lee na yeon
Baca
+Pustaka
My Boss is Obsessed with me

My Boss is Obsessed with me

[MATURE CONTENT !!!] Bilang isang mapagmahal na anak ay handang gawin ni Jillian ang lahat para lamang mapaoperahan niya ang kanyang ina na may sakit sa puso dahil ito na lamang ang meron siya. At dahil sa kahirapan ay pikit mata na lamang na nagbenta ng kanyang katawan si Jillian sa isang bar. Kahit takot na takot siya ay pinilit na lamang niyang magpakatatag para sa kanyang ina na may sakit. Lingid sa kaalaman ni Jillian ay may lihim pala na pagtingin sa kanya ang kanyang boss na si Harold Villanueva at sa hindi inaasahang pagkakataon ay ito ang nakakuha sa kanya sa bar. Sa paglipas naman ng mga araw ay tuluyan nang naging obsessed si Harold kay Jillian at para bang gusto na lamang niya na palagi niya itong nakikita at nakakasama. Paano kaya ito matatakasan ni Jillian? O mas magandang tanong ay tatakasan pa ba niya ito? O mapapamahal na rin siya rito?
9.4100.3K DibacaTamatDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 2.1K kali sebagai lee na yeon
Tampilkan Ulasan (16)
Baca
+Pustaka
Analyn Bermudez
ayie !!!nakakakilig Ms A..sna lang wla gaano problema KC mukhang nararamdaman ko Ang kontra Dito ay ung tatay ni Harold at baka mmya lalayo SI Jillian at buntis pa..tpos Ng ilang taon magkikita ulit naku Ms A wag nmn sana ,nakakasawa Yung ganung pangyayari..sna happy ending Sila Yun lng thanks Ms A
Analyn Bermudez
haha ang saya!!! grabeh ang ganda...noong una si Jillian at Harold .tapos ito naman kay Rose at Jeffrey..hays..nakakaiyak na nakaka-proud ito dlwa magkapatid..thanks Ms Anne ang ganda nitong story na sinulat mo grabeh.:):):)
Baca Semua Ulasan
Sold To A Handsome Billionaire (Filipino)

Sold To A Handsome Billionaire (Filipino)

Napilitan si Eliza na ibenta ng kanyang Tita Linda sa isang guwapong bilyonaryo para may perang gastusin sa ospital ng asawa nito na naaksidente dahil sa kanya. Wala siyang kaalam-alam na ibebenta pala siya. Akala niya no'ng una ay magtatrabaho lang siya sa guwapong bilyonaryo na si Alexander ngunit hindi pala. Kulang na lang ay malagutan siya ng hininga matapos niyang malaman na binenta pala siya ng kanyang sariling tita. Wala naman siyang nagawa kundi ang tanggapin na lang ang kanyang naging kapalaran. Dahil sa binenta na siya ng kanyang tita sa guwapong bilyonaryo na si Alexander ay lahat ng gustuhin nito ay kailangan niyang gawin kagaya ng pakikipag-sex dito. Ano kaya ang kahahantungan niya kasama ang guwapong bilyonaryo na si Alexander? Paano kung maging impyerno nang tuluyan ang buhay niya kasama ang guwapong bilyonaryo na ito? Is there a chance for her to escape? Paano kung magkaroon silang dalawa ng relasyon ni Alexander na guwapong bilyonaryo? Aalis pa ba siya sa piling nito o habang buhay na lang mananatili tutal una pa lang ay pati puso niya ay nabili na nito?
8.2K DibacaTamatDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 171 kali sebagai lee na yeon
Baca
+Pustaka
MR. ALCAIN THE GREAT WOMANIZER

MR. ALCAIN THE GREAT WOMANIZER

Angel
Dalawang taong pilit na tinatago ang tunay na nararamdaman, hangang sa di inaasahang pangyayari muling pinagtagpo ang kanilang mga landas. Ngayon paano ipapaliwanag ni Dian kay Fred na nagkaroon sila ng anak matapos ang gabing pinagsaluhan nila anim na taon ang nakalipas.Ano ang gagawin ni Fred para matanggap siya ng kaniyang anak na hindi siya tanggap biglang tatay nito at ano ang gagawin niya kung isang araw dahil sa kagaguhan at pambabae niya ay may bigla nalamang lalapit sa kaniya upang alukin siya na pakasalan ito sapagkat buntis ito at siya ang ama. Paano nila ipagpatuloy ang naudlot nilang pagmamahalan gayong magkakaanak na naman si Fred sa ibang babae. Matatangap ba ni Dian na maging pangalawa na lamang sila ng kaniyang anak sa buhay ni Fred o lalayo siya para hanapin ang lalaking para sa kaniya, at paano kung muli na naman pagtagpuin ng tadhana ang kanilang mga landas, paano kung muli na namang nabuhay ang kanilang nararamdaman para sa isat isa. Magkakaroon na ba sila ng happy ending o may sisira na naman sa happy ending na hinahangad nila?
1.5K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 38 kali sebagai lee na yeon
Baca
+Pustaka
LOVE, OBSESSION, TORTURE

LOVE, OBSESSION, TORTURE

Tapos na ang paghihirap ko! Ipinangako ni Robin sa kanyang sarili. Hindi na niya hahayaang ang tadhana ang magdesisyon sa kanyang kaligayahan, gayundin ang kanyang nabigong relasyon. Ang kaligayahan ay isang banyagang wika para kay Robin Clay pagkatapos ng pagkamatay ng kanyang mga kapatid na babae, ang karumal-dumal na pagpatay sa kanyang mga magulang, at isang mapaminsalang paghihiwalay sa kanyang serial cheating fiancée. Kailangan niyang malampasan ang lahat ng ito; ang sakit, pagtataksil, sakit, dalamhati, at pagkawala. Sa bingit ng kanyang pagbabago, nakakuha siya ng inaasam na trabaho sa McCullen Confectionery, isang kompanyang nagkakahalaga ng bilyon-bilyong dolyar na pangarap lamang pagtrabahuhan. Di-nagtagal, natuklasan niya na ang kanyang amo at CEO, si Jack McCullen, ay siyang lahat ng kanyang ipinangakong hindi kailanman masasangkot; matured, may tiwala sa sarili, magnetic, makapangyarihan, mapanganib na kaakit-akit, at nakabibighaning kagandahan, ay nagpahina sa kanyang determinasyon at iniwan siya sa kanyang awa. Pinasigla ni Jack ang bawat mapaminsalang pagnanasa sa kanya, isang bagay na hindi niya handa at labis na ikinahihiya, lalo na nang sa palagay niya ay may ibang babae na siyang karelasyon. Gayunpaman, ang nagsimula bilang isang propesyonal na interaksyon sa pagitan nila ay mabilis na naging isang madamdamin at ipinagbabawal na atraksyon na minarkahan ng mga ninakaw na sandali, matinding kimika at isang patuloy na tunggalian sa pagitan ng pagpipigil, pagnanasa at kanyang moralidad. Siya ay napunit; pinipigilan ang kanyang mga pagnanasa o sumuko sa pagnanasang pinukaw ni Jack sa kanya—isang bagay na nakakalasing, makasalanan at mapanira.
10406 DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 8 kali sebagai lee na yeon
Baca
+Pustaka
My Bestfriend's Affection

My Bestfriend's Affection

Magkababata sina Athalia Ramos at Luke Sebastian. Nagtungo ng Canada si Luke kasama ang magulang nito para doon mag-aral. Sa pagbalik nito, nalaman ni Athalia na may kasintahan na ito. Labis siyang nasaktan dahil umaasa siya na matutugunan na ni Luke ang nararamdaman niya para dito ngunit hindi pala. Naging kasintahan niya si Charles na nakilala niya sa Welcome Party para kina Luke. Nalaman na lang niya na hiwalay na si Luke at ang nobya nitong si Mickaela. Ipinagtapat ni Luke na mahal siya nito. Anong gagawin ni Athalia? Handa ba niyang sundin ang nilalaman ng kaniyang puso o ipagpatuloy ang relasyon kay Charles na walang ibang ginawa kundi ang mahalin siya?
1012.2K DibacaTamatDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 440 kali sebagai lee na yeon
Baca
+Pustaka
My Virgin Labandera

My Virgin Labandera

My V*rgin Labandera Mabuti at maalagain na anak si Ella kaya noong napansin niya na hirap na sa paglalaba ang kanyang ina ay siya ang pumalit dito. Ang mag-asawang Hernandez lang naman ang ipinaglalaba nito na mapagbigay sa kapwa at maunawain kaya pumayag ang mag-asawa na siya ang papalit sa nanay niya. Lingid sa kanyang kaalaman na may babaerong anak ang mag-asawa at ito si Terron na medyo magaspang ang taglay na ugali. Kaya noong nalaman niya na v"rgin pa si Ella ay gusto niya itong matikman at itulad sa mga babaeng naikama niya na. Ano kayang mangyayari? Si Ella na kaya ang makapagpabago kay Terron?
456 DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 17 kali sebagai lee na yeon
Baca
+Pustaka
Deseri Under Our Uniform

Deseri Under Our Uniform

Si Yana "Kelly" Reyes, medical graduate na maling inakusahan ng plagiarism at itinakwil ng sariling pamilya, ay tumatakbo sa kanyang nakaraan sa pamamagitan ng pagtatrabaho bilang nurse sa MS Pacifica, isang mamahaling cruise ship na naglalakbay mula sa Pilipinas patungo sa Europa. Si Kapitan Lucas "Alex" Montenegro, ang matapang, gwapo, ngunit lubhang misteryosong pinuno ng barko, ay una nang nagdududa kay Yana — akala niya ay isang espiya o mandaraya. Ngunit habang nakikita niya ang kanyang katapatan sa pag-aalaga ng mga pasyente at tapang na harapin ang sunud-sunod na kakaibang pangyayari sa barko (misteryosong sakit, nawawalang gamot, pati na rin ang mga nakakatakot na "aksidente"), unti-unting nahuhumaling si Alex sa kanya. Habang mas malalim na iniimbestigahan ni Yana ang mga kaganapan, natuklasan niya ang isang malawak na sabwatan na kinasasangkutan ng mga mayayamang negosyante, pulitiko, at maging ang sariling pamilya ng barko — isang sabwatan na hindi lang nasa MS Pacifica, kundi may malalim na ugnayan sa kanyang sariling iskandalo noon. Kasama si Alex, na may sariling nakaraan na kinasasangkutan din ng sabwatan, kailangan nilang harapin ang panganib, linisin ang kanilang mga pangalan, ilantad ang buong katotohanan, at ipaglaban ang isang ipinagbabawal na pag-ibig na maaaring magbago ng lahat ng kanilang alam.
10682 DibacaTamatDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 17 kali sebagai lee na yeon
Baca
+Pustaka
HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)

HE USED TO BE MINE (When I was Mrs. Razon)

Jewiljen
Bata pa lang ay alam na nilang ipinagkasundo silang dalawa ni Sky. Pareho na nilang tanggap iyon. Ang musmos na puso niya ay hindi na makapaghintay na dumating ang araw na siya'y magiging ganap na Mrs. Razon. Ngunit nagbago ang lahat nang umeksena sa buhay nila ang pinsan niyang si Audrey. Pinapayagan ng mga magulang nila ang makipagrelasyon muna sa iba hangga't hindi pa dumating ang takdang araw na iaanunsiyo ang pormal nilang engagement. Pilit na itinatago ng dalawa ang relasyon nila pero alam na alam ng puso niya ang katotohanan. Wala rin naman siyang karapatang pigilan iyon kahit nasasaktan na siya. Naganap pa rin ang kasal nila ni Sky kahit pa nga alam niyang may iba itong mahal. Nagrebelde ang batang puso niya na naging dahilan ng paglayo ni Sky ng pitong taon. Sa pagbabalik nito ay nagulat na lang siya nang ianunsiyo ng asawa ang nalalapit na kasal nito sa first love nitong si Audrey. Paano nga ba niya hahadlangan iyon gayong nalaman na lang niyang peke pala ang kasal nila? Dala-dala niya ang apelyido nito sa loob ng ilang taon kahit wala naman pala siyang karapatang tawaging Mrs. Braillene Razon.
1068.7K DibacaTamatDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 1.7K kali sebagai lee na yeon
Baca
+Pustaka
Sebelumnya
1
...
2324252627
...
50
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status